6

18 0 0
                                    

"Ang taray ng concept ng grupo ni Marikit. Tignan mo."

Nakaupo kami sa may hagdanan nina Ron at Adler dahil break pero nasaktuhan pa namin na may ongoing shoot ang section nina Marikit. They were at the middle of the vast field habang nakasuot ng school uniform at kumukuha ng larawan.

Si Marikit ang bride ng kabilang section para sa unang grupo tapos yung transferee yung groom nila.

"Sabi ni Allen, High school sweetheart daw yung theme nila."

Tahimik lang kaming nakikinig na tatlo sa dalawang estudyante na nag-uusap sa puno ng hagdanan. Hindi naman namin gustong makinig pero sadyang naririnig lang namin yung pinag-uusapan nila. Pasimple namin tinignan si Ron na seryosong nakatingin sa kung saan nagaganap yung shoot nila Marikit.

Masyadong tahimik si Ron lalo na nitong mga nakaraang araw. Ayaw na ayaw niyang pag-uusapan namin muna ang ibang section particular na ang seksyon nina Marikit.

"Naka-move on na pala siya kay Ron. Sabagay, ilang years na rin naman yung faithful panata niya doon sa isa." Sagot nung isang babae.

Malakas na tumikhim si Adler kaya sabay na napalingon yung dalawang nag-uusap sa gawi namin. Parehas na nanlaki ang mga mata nito pagkakita sa amin lalo na kay Ron. Mabilis na tumakbo rin yung dalawa palayo.

Muling tumikhim si Adler para mapagaan siguro yung mood, "Dami talagang mosang sa paligid. Huwag mo na pansinin iyon, Ron." Tinapik pa nito si Ron na napapagitnaan naming dalawa.

Hindi naman umimik si Ron katulad ng inaasahan namin. Wala naman kaming mapapala sa kanya kung ayaw niya magsalita. Hindi rin naman namin alam kung ano ang nasa isipan niya.

"K-Kumusta na nga pala yung sa grupo niyo, Lia? May update na ba?" paglilihis ni Adler sa usapan.

Tinignan ko naman siya at kinindatan sabay tango ang binigay niya sa akin. Sabagay kailangan namin pagaanin ang pakiramdam nitong isa lalo na at hindi na nga talaga sila nahuhuling magkasama ni Marikit.

"Ah---ayos naman na. Patapos na yung planning stage namin, magsisimula na rin kami sa shoot namin by the end of this week. Yung inyo?" pagsabay ko naman sa usapan.

"Aakyat kami sa hidden falls sa Sabado. Susubukan namin mag-shoot na rin habang nandoon. Si Ron nga yung guide namin kasi kabisado niya yung trail doon, di ba, Ron?" untag pa nito sa katabi.

Matagal na nakatitig si Ron sa gawi nila Marikit bago lumingon kay Adler at marahang tumango. "Pasok na ako sa room." Tumayo na ito at walang salitang iniwan kami.

Sabay kaming pinagmasdan na lang ni Adler ang papalayong imahe ni Ron. "Ang daldal kasi ng mga iyon. Ang sarap tanggalan ng dila sa sobrang kadaldalan." Napailing ito na tinignan ang grupo nina Marikit. "Gusto ko na talaga kausapin yang si Marikit. Hindi naman dating ganun si Ron. Mula lang noong hindi sila nagpasinan ay nagkaganun na siya." Tumayo na rin ito.

"Bago mo kausapin si Marikit, kausapin mo muna yung kaibigan natin." Suhestiyon ko sa kanya.

Wala naman kasing mangyayaring mabuti kung tatalon na kami kaagad kay Marikit. Isa pa ay hindi naman namin alam ang parehas na side nila kaya hindi kami pwedeng mag-judge basta-basta lang.

Tumango naman sa akin si Adler, "Yun nga ang plano. Ano, dito ka muna ba?" tanong niya sa akin.

"Dito muna. Mas tahimik dito kaysa sa loob ng classroom." Isa pa ay umiiwas na muna ako kay Third. Pag nakikita niya kasi ako ay hinihingi niya yung sketch ko para ipakita sa grupo.

Ayoko nga dahil hindi naman kagandahan iyon at wala naman makikinig sa akin sa grupo namin. May kanya-kanyang opinion ang mga kaklase ko at hindi nila pakikinggan yung akin.

What Lies Ahead  (TMS # 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon