Hindi ko halos makilala ang sarili ko habang nakaharap sa malaking salamin na may mga ilaw sa gilid. Si Tito Ben ang nag-ayos sa akin sa isang separate na kwarto habang nasa office naman si Third at doon inaayusan.
"Bakit tinatago mo yung ganda mo! Bagay na bagay sa iyo yung kulay mo. Kilala mo ba si Vanessa Hudgens yung Hollywood actress ng High School Musical, magkatulad kayo ng kulay at ganda!" patuloy na papuri sa akin ni Tito Ben.
Nilugay at diniretso niya yung mahaba kong buhok na hanggang siko at nilagyan lang ng simpleng hair clip sa gilid. Ang pulang lipstick ay litaw na litaw sa maliit kong labi habang manipis na make-up naman ang nilagay niya sa mukha ko at pinaganda lang ang mata. Hindi niya kinapalan dahil hindi raw bagay sa kulay ko kapag masyadong makapal ang make-up.
"Red muna yung isuot mong damit. Tanggalin mo na yung bra mo kasi may padding naman yung dress." Pinakita niya sa akin ang isang red sleeveless dress.
"Po?" ulit na tanong ko sa kanya.
Winagayway niya sa harapan ko yung damit, "Hindi kasi maganda kapag bra, litaw yung strap kaya may padding naman bilang protection. Don't worry at safe naman yung ganitong damit. Sa mga pageant nga mas malala pa yung suot nila."
Pinasadahan ko naman ng tingin iyon. Hindi ko alam kung sukat ng aba talaga sa akin yung damit lalo na at pakiramdam ko ay hindi kami same size ng katawan ni Frances. Nanginginig ang kamay na inabot ko yung bestida mula sa kanya.
"Lalabas lang ako tapos katok ka lang kapag tapos ka na para makapasok ako at may retouch pa tayong gagawin." Sabi niya sa akin bago lumabas ng kwarto.
Para naman akong nanghina bigla. Wala naman kasi akong ideya na ganito yung mangyayari. Kung alam ko lang sana na mga ganitong klase ang isusuot ko ay hindi na sana ako pumayag pa. Pero no choice na rin naman lalo na at nandito na ako, naayusan na at magbibihis na lang.
Pagkatapos kong hubarin yung robe ay tinanggal ko na rin yung bra batay sa sinabi ni Tito Ben. Tama rin siya dahil may padding yung damit kaya hindi nakakailang kahit wala akong suot na bra. Wala naman sigurong makakalahata tsaka bukod pa doon ay masyadong fit yung damit na bumabakat sa katawan ko yung ayos nito. Hanggang ibabaw ng tuhod ko iyon at kitang-kita ang hubog ng katawan ko.
Kumatok ako sa pintuan gaya ng sinabi ni Tito Ben. Pumasok naman kaagad siya at pinasadahan ako ng tingin. "Ikot ka nga." Utos niya sa akin.
Umikot naman ako gaya ng sinabi niya. Nakangisi siya pagkaharap ko sa kanya.
"Ang ganda mo girl! Ang kinis mo masyado at talagang ang ganda ng pagiging Morena mo! Yung next outfit mo is gown, sure ako na babagay iyon s aiyo ng bongga talaga!" pumalakpak pa ito sa akin bago kinuha ang isang high heels.
"H-Hindi po ako sanay sa ganitong damit." Sabi ko sa kanya.
"Normal lang yan. Bagay na bagay nga sa iyo eh." Kumindat pa siya sa akin.
Napangiwi naman ako sa sinabi niya. Hindi naman din kasi maiintindihan ni Tito Ben kasi ako yung naiilang talaga sa nangyayari. Excited na lumapit ito sa hilera ng mga sapatos sa isang tabi at kumuha ng isang mataas na sapatos na mayroong heels.
"Seat ka diyan girl." Utos niya sa akin.
Agad naman akong sumunod at umupo sa high chair kung nasaan ako kanina. Lumuhod siya sa harapan ko at agad na sinuot yung sapatos. Inalalayan pa niya akong tumayo kaya kinailangan kong humawak sa braso niya para hindi matumba.
"Fifteen ka lang ba talaga?" tanong niya sa akin habang sinusuot sa tenga ko ang isang hikaw.
"Opo." Sagot ko naman sa kanya. Kanina ko pa sinabi yung edad ko sa kanya, hindi ba siya naniniwala?
![](https://img.wattpad.com/cover/291806863-288-k247727.jpg)
BINABASA MO ANG
What Lies Ahead (TMS # 1)
RomanceLia hates Third's guts and friendliness towards girls in their school. Never in her wildest dream that she would wish to become associated with someone like him. She's a strong and independent woman who doesn't need a man like him around her. But ta...