12

9 0 0
                                    


Sunod-sunod na araw ang walang pasok sa lugar namin. Hindi na tumigil ang malakas na buhos ng ulan dahil sa bagyong kasalukuyang dumadaan sa lugar namin. Kahit malayo ang bahay namin sa tabing-dagat ay dinig na dinig ko ang hampas ng alon sa kung nasaan kami. Malawak na blackout din ang nangyari at ilang araw na iyon na nangyayari.

Tanging radio na de battery lamang ang kasangga namin upang malaman kung nasaan na yung bagyo na pumipinsala sa aming probinsya.

"Osmond, buksan mo yung kandila at baka madapa naman yung apo mo." Utos ni Mamang kay Papang, isang madaling-araw pagkagising naming lahat.

May ulan at malakas na hangin pa rin pero hindi katulad noong mga nakaraang araw na sobrang lakas talaga. Maaga akong nagising dahil gusto ko sanang walisin yung mga dahon na tinangay sa bakuran namin. "Ayos lang po." Sagot ko kay Mamang.

Lumiliwanag na rin naman gawa ng papasikat na araw, hindi lang namin makikita yung araw gawa ng umuulan pa rin pero nagliliwanag naman ang langit.

Nagmano agad ako kay Mamang at Papang na umiinom ng kape, "Ang aga niyo pong nagising," sabi ko sa kanila.

"Alam mo naman na sanay kami na gumising ng ganito kaaga, apo. Ikaw...bakit ang ag among nagising?" tanong ni Mamang sa akin.

Nagkibit-balikat ako kay Mamang, "Nagising na po kasi ako. Ang hirap na po ulit makatulog." Sagot ko sa kanila. Nagtimpla na rin ako ng sarili kong kape at nakiupo sa lamesa nila.

Tahimik lang kaming tatlo na nakatunghay sa bintana at pinagmamasdan ang pagbagsak ng ulan. "N-Nakita ko po si Mama sa Barangay Tres," panimula ko kina Mamang at Papang.

Natigilan naman sa paghigop ng kape si Mamang at tinignan akong mabuti. "Anong nangyari? Inaway ka na naman ba niya?" nag-aalalang tanong ni Mamang sa akin.

Umiling ako sa kanya, "Pero may kasama po siya Amerikanong lalaki. Doon po kasi sila sa grocery mart kung saan ako nagtatrabaho nagpunta po." Kaswal na humigop ako ng kape mula sa baso ko at nagkunwaring hindi apektado. Ngayon ko lang na-open up sa kanila yung topic na ito dahil ayokong isipin nila iyon. Sadyang ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob na sabihin sa kanila ito.

Bumuntong-hininga si Mamang at tinignan ako, "Basta't walang ginawa sa iyo ang iyong ina ay ayos lang sa akin. Ang importante ay hindi ka niya pinagsalitaan ng kung ano." Inabot ni Mamang ang isang kamay ko at hinawakan iyon mabuti.

"Hindi na rin talaga naming alam ng Mamang mo kung bakit nagkakaganoon ang Nanay mo. Hindi naman namin siya pinalaki ng ganyan. Kami ang nasasaktan sa ginagawa niya sa buhay niya." Umiiling na sabi ni Papang.

Tipid na tumango ako sa kanila. Wala naman talagang masamang ginawa ang Mamang at Papang kay Mama. Sadyang nagbago na lang talaga si Mama. Isang bagay na hindi namin alam kung kailan at paano nagsimula.

"Huwag na nga natin pag-usapan si Fe! Kung anong gusto niyang gawin sa buhay niya ay gawin niya. Napapagod na akong intindihin pa siya." Sabi ni Mamang sa amin.

Nagkatinginan kami ni Papang, nagkibit-balikat lang ito sa akin bago naming pinagpatuloy ang agahan namin. Unti-unti na rin humihina ang ulan pero nananatili pa rin ang malakas na hangin.

"Wala tayong uulamin ngayon kung hindi tayo pupunta sa palengke. Osmond, pumunta ka nga sa palengke at bumili ka ng karne na pwedeng ulamin natin." Utos ni Mamang kay Papang.

Tumango naman si Papang dito pero agad akong nag-presinta na ako na lamang. "Mahangin pa po sa labas baka matumba si Papang. Ako na lang po ang lalabas." Inabot ko na yung kapote na nasa ibabaw ng lamesa at agad na sinuot iyon.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 10, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

What Lies Ahead  (TMS # 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon