11

9 0 0
                                    


Pinipilit ko naman itaas ang noo ko habang naglalakad papasok sa eskwelahan pero ewan ko ba...pakiramdam ko ay may mga matang nakatingin sa akin at hinihintay na magkamali ako. Baka nga alam din nila yung nangyari sa amin ni Third pero sabi naman nung isa sa akin kahapon na walang nakakaalam maliban sa mga kagrupo namin.

Mas gugustuhin ko pang kainin ng lupa kapag nalaman ng buong eskwelahan yung nangyaring iyon.

"Hoy!" Kasunod nun ay ang yabag ng takbo at pagpunta ni Adler sa harapan ko.

Nakasukbit na naman sa balikat nito ang bag pack habang may pang-asar na ngiti sa mukha. "Bakit ka wala kahapon ha?" tanong niya sa akin.

Inirapan ko siya at nagpakawala ng hininga bago ito lagpasan. Sinasabi na nga ba at magtatanong ito. Magtataka naman nga talaga sila dahil hindi ko naman ugali ang lumiban sa klase. Never akong umabsent o kaya ay na-late sa klase. Kahapon lang talaga!

"Nagtatanong lang naman. Andaming ganap kaya kahapon kasi wala ka. Alam mo bang mayroon tayong transferee na sobrang yabang..." sunod-sunod ang pagsasalita ni Adler at halos hindi mahinto ang bibig nito kaya napahinto ako at hinarap siya.

"Okay na! Narinig ko na lahat. Pwede ka na ulit tumahimik." Umiling pa ako sa kanya.

Huminga naman ito nang malalim tsaka ako sinabayan sa paglalakad nang tahimik. Hindi talaga nauubusan ng salita ang taong ito.

"May quiz nga pala sa Math pero madali lang naman iyon. Naaral mo na rin iyon tiyak." Sabi niya sa akin.

Tumango ako sa kanya. Nag-aral naman din ako kahapon pagkatapos kong maligo. Mas mabuting handa kaysa sa hindi. Nakarating naman kami sa classroom at gaya nga ng inaasahan ko ay inulan ako ng katanungan kung bakit wala ako kahapon.

"Tinanghali lang ako ng gising kaya hindi na ako tumuloy." Sagot ko sa kanila pagkatapos ay inayos kong mabuti yung suot kong cardigan tsaka naupo sa pwesto ko.

"Ang lame naman ng excuse mo." bulong ni Adler sa gilid ko.

Alam ko naman na hindi maniniwala ang mga kaibigan ko sa akin kasi kilalang-kilala na nila ako para magsinungaling pa sa kanila.

Kinuha ko na yung Math book sa shelf ko nang matapunan ko ng tingin yung mga kagrupo ko sa project. Ngumiti kaagad at kumaway si Gerson at Luigi sa akin. Mabilis ko naman na iniwas yung tingin ko sa kanila dahil alam ko naman ang misteryo sa likod ng ngiti nila.

Bumalik kaagad ako sa kinauupuan ko at binuklat ang aklat sa page na kailangan kong basahin. Hindi pa ako masyadong nakakafocus sa pagbabasa ng isang malakas na boses ang umalingawngaw sa buong classroom.

"Good morning sa lahat! Look at me, everyone!" ani ng hindi pamilyar na tinig na iyon.

Nilingon ko ang gawi ng pintuan at nakita ang isang lalaki na may highlights ang buhok habang nakangisi at nakalahad ang mga braso. Siya ata yung transferee na tinutukoy ni Adler sa akin. Tumaas lang ang kilay ko bago umiling at binaling ulit ang atensyon sa binabasa.

"Hala! Bakit may nakaupo sa upuan ko. Ako nauna diyan ah...pwede pala yun? Kasi sa dati kong school kapag nakita nila akong walang upuan nag-uunahan sila na ibigay yung upuan nila sa akin." Narinig ko pang sabi nito.

Hindi ko siya pinansin kasi malay ko ba sa upuan na tinutukoy niya. "Luh? Hindi mo ba ako naririnig, Miss? Sabi ko that's my seat." Kung hindi pa niya ako kinalabit ay hindi ko malalaman na ako ang tinutukoy niya.

Payat ito at matangkad ng kaunti sa akin. Halatang galing sa siyudad dahil batay pa lang sa itsura ng damit nito at pananalita. Hindi naman kagwapuhan pero hindi maalis ang ngisi sa payat niyang mukha.

What Lies Ahead  (TMS # 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon