10

10 0 0
                                    

The next day ay nagdesisyon ako na hindi pumasok. Hindi ko talaga maatim na pumasok dahil hanggang ngayon ay nararamdaman ko pa sa labi ko yung labi niya!

"Ah!" Malakas pero impit na sigaw ang pinakawalan ko sa unan ko.

Kung bakit naman kasi humangin at natumba siya sa akin. Ayos na sana lahat kasi! Ayos na yung kunwari hinahalikan niya ako pero yung nagkatotoo! Iyon talaga ang hindi ko matanggap. Hindi matanggap ng loob ko na nangyari iyon! At sa kanya pa talaga! Siya pa yung naging first kiss ko.

"Ate, hindi ka raw ba talaga papasok tanong ni Mamang?" pagsilip ni Fiona sa kwarto naming dalawa.

Inayos ko muna ang mukha ko bago ako tumingin sa kanya, seryoso at hindi nababakasan ng gulat man lang o pagkabahala. "Hindi. Pakisabi kay Mamang na magpapahinga muna ako ngayon." Sagot ko sa kanya.

Nakagugulat naman kasi talaga para sa kanila dahil never naman akong lumiban sa klase. Kahit nilalagnat ako noon ay pumapasok ako dahil may hinahabol akong attendance. Sadyang iba lang ngayon! Hindi ko kayang humarap sa kanila knowing na halos kalahati sa mga kaklase ko ay alam kung ano ang nangyari.

Tiyak sa lahat nang tiyak na magiging tampulan ako ng tukso pag nagkataon. Sanay naman ako na asarin lalo na at hindi naman natutuloy ng lahat iyon. Talagang kakaiba lang ngayon.

"Amelia, bakit hindi ka papasok, apo? May masakit ba sa iyo?" tanong ni Mamang sa akin pagpunta ko sa hapag. Mabilis na lumakad siya papunta sa akin at hinipo pa yung noo ko para pakiramdaman kung mainit ako o hindi.

Umiling ako sa kanya. Ayoko talaga kasing pumasok muna ngayong araw.  

"Ano namang gagawin mo dito sa bahay kapag hindi ka pumasok ha?" pangungulit pa ni Mamang sa akin.

Hindi ko rin alam talaga. Wala akong ideya sa dapat kong gawin lalo na at sanay ang katawan ko na papasok tuwing Lunes hanggang Biyernes. Ngayon ay unang beses kong matetengga sa bahay at walang alam na gagawin.

Nagkibit-balikat ako kay Mamang, "Maglilinis po. General cleaning po ang gagawin ko," sagot ko sa kanya bago siya tinalikuran. Hindi ko kasi kayang magsinungaling kay Mamang lalo na at hindi naman ako nagsisinungaling din talaga.

Hinawakan ni Mamang ang kamay ko kaya napaharap ako sa kanya, "Bakit ka nga hindi papasok? Anong dahilan? Hindi ka makakapagsinungaling sa akin, Amelia. Kilalang-kilala kita, apo." Sabi pa niya sa akin.

Aaminin ko ba sa kanya na nahalikan na ako? Baka sunduin ni Papang si Third sa kanila at pilitin na pakasalan ako. Masyado pa namang makaluma ang Papang at Mamang. Kaya hindi ko alam kung tama bang sabihin ko sa kanya.

"Fely! Hayaan mo na yang apo mo at baka napagod sa ginawa kahapon. Ngayon lang naman liliban iyan. Tara na at baka may tao na sa tindahan." Sabi ni Papang kay Mamang.

Hulog ng langit ata talaga si Papang dahil binitiwan naman ako ni Mamang at hinarap na lang. "Kapag nagutom ka ay kumuha ka lang sa pitaka ko ng pera. Ikaw na ang bahala sa tanghalian mo. Si Fiona naman ay sumusunod na sa tindahan kaya nakasasabay namin sa pag-uwi." Bilin ni Mamang sa akin.

Tumango ako kay Mamang bago siya pumayag na iwanan ako. Nauna na rin umalis si Fiona dahil kapag Lunes ay malakas ang benta ng gantsilyo sa simbahan. Naging tahimik ang buong bahay at hindi ko rin halos alam ang gagawin ko. Malinis naman ang bahay at nakapaglaba pa naman ako kagabi. Si Mamang ang nagtitiklop ng damit namin kaya wala akong gagawin.

Ayoko talagang pumasok. Siguradong magiging tampulan ako ng tukso at titignan nila dahil sa nangyari. Kung bakit naman kasi nangyari pa iyong kahapon. Ang ayos-ayos na lahat! Nakakayanan ko na yung malakas na tibok ng puso ko pero yung ganung pangyayari na nahalikan namin ang isa't isa...ang hirap paniwalaan!

What Lies Ahead  (TMS # 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon