Around 7:45 kami nakarating sa exclusiv.
"Sumunod ka na dito.." Bulong ko habang nagtatype, magaalas nwebe na pero wala pa rin si Phieya.
Si Phieya ang paingay sa mesa eh. Sya ang saya. Ang boring lang kapag talagang wala sya. Kaming dalawa lang ni Addie ang nageenjoy. Napapailing na lang ako habang pinapanood iyong tatlo na magpakalasing sa smirn off bucket na inorder namin dahil bagot na daw sila. Gusto na nilang magsimula.
I'll look around to find her, dahil minsan ay nanggugulat ang babaitang yun pero wala sya! Padami na lang ng padami ang tao. Napatigil ako sa isang mesa. Agad na pinpoint ang taong nakuha ang mga mata ko, bahagyang nanlaki ang mata ko dahil di ko inaasahang isang mesa lang ang agwat namin.
Ng makita kong tumingin sya sa pwesto namin, dahil sa direksyon nya samin sya nakaharap. Kunwari ay kalmado akong nagpapalinga linga.
"Yung Id mo na sakin.." Bulong ko, nabubuang.
"Ha?" Tanong ni Addie.
"Yung napulot kong ID ng pogi, nasa kabilang mesa sya. Wag kang lilingon.. Wag kang- Bobita!" Tinawanan nya ako ng manggigil dahil nilingon nya ang pwesto.
"Ang pogi ah.. Iba talaga Law Studs." Lumapit sya sakin para bumulong at marinig ko ang mga kalokohan nya. "Kaso di bagay ang HRM students na pala sira ng buhay ng lalake sa isang Law Student na mukhang futuristic at seryoso sa buhay. Hindi bagay ang malandi at seryosong lalaki."
Tumawa sya na hindi ikinapinta ng mukha ko. Ang lakas talaga mangasar nito kesa kay Phieya.
" Tigilan mo ko sa Addeleina Code mo ah, Pareho tayong may double letters sa spelling ng pangalan natin at ang meaning nun ay kalandian, burikat!" Mariin kong sabi, Nagtawanan kami.
"Hoy may boyfriend ako ah.." pagpapaalala nya.
Napairap ako. "And so...? Mapipigil ka ba ng kalandian mo, samantalang nagkakacrush ka behind his back."
She intimidate at me na pinakakinaiinisan ko kaya nahampas ko sya habang tumatawa kami pareho.
Nagulat na lang kami ng may umupo sa gitna namin. Nakapasok pa sa parehong bulsa ng jacket nya ang magkabilang kamay, sa suot ay makikita ang logo ng Café nila. Bago nya buksan ang zipper at iluwa ang suot nyang white tube top. Napatili kami dahil sa ginawa nya. Umingay ang mesa, manghang mangha sa paggawa nya ng eksena.
"Iba talaga welcome pag manlilibre eh no?" Humalakhak sya. "Bakit Bucket?"
"Yun oh! Hard drinks na!" Si Syza.
"Buti nakatakas ka?" Tanong ni Anicka.
"Malupet ako eh." Mayabang na sagot ng bagong dating.
"Oh sige, Tawag ka Waiter. Ikaw ang magbabayad ah .." Tinuro sya ni Addie.
"Sige.. Sige.. Hindi ako iinom may pasok ako bukas ng maaga." Agad syang binatukan ni Addie. "Aray pucha! Hoy, Baka gusto mong-"
"Ano? ha?" Hamon ni Addie, natawa ako sa kanila. "Di ka uuwing, di ka lasing."
"Sige pag ako may hangover bukas, sasapakin kita! Alam mong low tol ako." Sibangot ni Phieya.
"Workaholic masyado para lang ipanglibre samin, lol. Pagipunan mo muna pang kotse mo. Naawa na 'ko kay Addie lagi ka na lang sinusundo." pangaasar ko.
Kumunot ang noo nya. "Sshhh pwede?" Natawa kami lahat. "Maghanap ka na lang ng lalake para di ka na badtrip, late lang konti eh. Kala mo tatakasan. Oo na ako na magbabayad."
"Luh, Di naman yun ang ibig kong sabihin."
Nginitian nya ako. "Okay, Gets ko." Sinamaan ko sya ng tingin kase sobrang sarkastiko nya. "Order na kayo special bottled drinks, para magmixed na si Addie."
YOU ARE READING
Celinne (Breakers #3)
Teen FictionCelinne Ria Sarmienta a go getter pretty girl comes to at reach on her goal when she meet Louhan Miguel Guerrero. A Serious topnatcher law student who's hot and definitive serious. When they're path cross infront of her friend's apartment. She'll be...