"Ganda naman talaga ni Celinne." Kantyaw ni Nelson, isa sa mga kablockmates ko.
Peke ko lang syang nginitian saka hindi ko na sya pinansin. Naiinis pa ako dahil hindi sya umaalis sa harapan ng uupuan ko. Ng tumabi sakin si Addie sa upuan ay ito naman ang binalingan nya.
"Hi Adds.." bati nya sa katabi ko, na tumango lang.
Saka lang sya umalis sa harapan namin. Nagsimula ang klase ng araw na yun. Puro notings lang at groupings kaya mabilis natapos ang mga klase, Para sa half day.
"Excited ako sa visiting natin sa hotels! Next Month."
Inabutan ako ng makakain ni Addie. Nasa foodpark kami at kasalukuyang nakatambay.
"Hindi daw makakasabay satin si Phieya?" tanong ko, nginunguya yung sandwich na binili nya.
She checked her phone. "Hindi daw, iba sched nya for lunch."
Tumango ako. Naisip ko nanaman si Louhan at kung paano ko ibabalik sa kanya ang ID nya.
"Nakapasok kaya si Louhan ng walang ID?" I ask on Air.
bumaba ang tingin ko kay Addie dahil sa tawa nya. "Alangan hindi, Pwera na lang kung magpapagawa sya uli."
Napabuntong hininga ako. Kailan naman muling magtatagpo ang landas namin? Kahit nasa iisa kaming school ay hindi kami nagkikita. Pano ay malayo ang Law Department sa Hotel Management.
"Sagutin ko lang tawag ni Dos.." Paalam nya sakin.
"Away well..." bulong ko ng makalayo sya.
Naiwan ako sa lamesa. Inuubos yung pagkain na iniwan nya roon. Hindi naman nya na yun mauubos dahil matatagalan sya panigurado sa pakikipagusap kay Dos. Kapag busy pa naman sya sa cellphone nya ay nakikipagaway yun panigurado sa nobyo. Napanguso ako ng makitang hindi man lang ako ni finollowback ni Louhan ng icheck muli ang IG ko. Inis kong binalik sa bag ang cellphone, pero sa pagangat at pagikot ko ng tingin ay nakita ko syang naglalakad papuntang library!
Dali Dali akong tumayo sa mesa staka umalis doon. Sa library ngang talaga ang punta nya dahil doon sya pumasok ng maabutan ko. Para akong tangang sunod ng sunod sa mga kilos nya roon sa loob. Pag may pagkakataon pa ay sinisilip ko sya sa kabilang shelf. Ng makita ko syang kumuha ng libro saka ay umupo sa mga mesang naroroon at nagbasa na. Dumampot rin ako ng isa saka sa harap nya kunwari ay nagbasa.
Hindi magkamayaw ang mga hita ko sa paggalaw dahil sa nerbyos. Pati na ang pagngatngat sa kuko ng hinlalaki ko.
This is your chance celinne.. Oh my god, Why I feel so stupid? wag nya lang sana akong ipahiya.
"Ahh-mmm.." utal kong tugon.
Umangat ang tingin nya sakin ng inosente mula sa librong binabasa. Natutop ko ang bibig saka hinanap ang mga sasabihin ko sa utak ko pero di ko mahanap, shit! I feel awkward.
Tumingin sya sakin saka sa libro. "Do you need help?"
Goosebumps! Why his voice are so deep and husky?! Parang ayoko na lang muling magsalita. Gusto ko na lang uli na magtago sa librong hawak ko!
"ahmm.. Ikaw ba si Louhan Miguel Guerero?"
"Yeah?"
I awkwardly chuckled. "Im celinne under score ria."
Tukoy ko sa IGN ko. Para naman makatunog syang kailangan nya akong ifollowback. Ng titigan nya lang ako ay muli akong nagsalita.
"Nasa akin ang ID mo."
Naibaba nya ang libro saka iniayos ang Viendo Retro glasses ng hintuturo.
"On you? Where?" diretsong tanong nya.
YOU ARE READING
Celinne (Breakers #3)
TeenfikceCelinne Ria Sarmienta a go getter pretty girl comes to at reach on her goal when she meet Louhan Miguel Guerrero. A Serious topnatcher law student who's hot and definitive serious. When they're path cross infront of her friend's apartment. She'll be...