OA: Chapter 8

11 0 0
                                    

Steph's POV

"Get inside. That dress is too revealing."

"WHAT?! PANG SINGKWENTANG PALIT KO NA YATA TOH TSONGGO ANO BA!?"

"Just get in and change that dress!"

Inirapan ko lang siya at nag papadyak sa may fitting room. Help me! Pagod na pagod na ko. Huhuhu. Kanina pa ko papalit-palit ng dress dito, hanggang ngayon wala pa rin siyang nagugustuhan. 'Di ko nga rin alam kung bakit niya ba pinapagawa sakin to eh. T_______T

"Miss, ito na po yung dress na ni-request ni Mr. Ferrer."

"Okay, thank you." walang kabuhay buhay kong sagot dun sa sales manager. Oo, manager. Yung mga sales lady at iba pang tauhan dito sa boutique, pinaalis muna ni Luke. Pinasara niya din muna yung boutique. Ganun siya kayabang este ka-powerful dito sa mall na pagmamay-ari nila. Haaaaay!

Tinignan ko yung dress na inabot sakin nung sales manager. Well, maganda siya, color light blue na plain lang pero cute, may collar pa nga eh. Tinry ko siya at nagustuhan ko yung ichura niya. Actually, lahat naman ng pinasukat sakin ni Luke magaganda eh. 'Di ko nga alam kung ano problema nun at lahat nalang ayaw niya. Yung mukha ko na nga nagdadala sa mga dress tapos nagrereklamo pa siya? BWAHAHAHAHA.

"Why are you taking so long? Wala na tayong oras, labas na diyan patingin na bilis!" rinig kong sigaw ni Tsonggo. Hmp! Akala niya naman di ako napapagod kakapalit palit ng damit. :(

'Di na ko sumagot dahil wala na kong energy makipag talo sakanya. Lumabas na ko ng fitting room at tumayo sa harap niya.

Ilang minuto na ang nakalipas at wala pa rin nagsasalita kaya ako na ang nag break ng silence. Mukang na-starstruck siya sakin. Bwahahaha!

"Uy, Tsonggo." sabay poke ko sakanya, mukang nagulat pa siya haha! "Baka matunaw naman ako niyan?" pagbibiro ko sakanya.

"Pwede ka palang magmukang tao no? Piggy? Tara na, we'll get that dress."

Walanjo! Napaka mapang-asar talaga nito! Kainis!

"Teka papalitan ko na yung damit ko."

"Don't. 'Yan na isusuot mo hanggang mamaya. And you," sabay turo niya sa manager, "Go get her clothes and bring them back home."

"Yes sir, but how about her shoes?"

Napatingin ako sa sapatos ko. Oo nga, naka-school shoes pa ko.

"AISH! Give her the prettiest shoes. Faster."

"Prettiest shoes? Yiiiiii. Ikaw ha! Mag ddate ba tayo?" *U* Hindi ko na talaga alam kung ano nangyayari kaya bbwisitin ko nalang siya, baka sakaling sabihin niya.

"In your dreams, piggy."

Inirapan ko nalang siya at sinuot yung shoes na dala-dala nung manager, wow. *O* ang ganda nga. Bagay na bagay sa magandang tulad ko! ;)

Bigla naman akong binatuhan ng pouch ni Tsonggo, nilagay ko dun yung ibang gamit ko, cellphone, wallet, at makeup lang tapos hinatak na ko ni tsonggo sa.... Bon Appétit, restaurant namin. Bakit kami nandito?

"Good evening Mr. Ferrer and Ms. Hernandez, this way please."

Nakasunod lang ako kay Luke sa paglalakad. Tinitignan tignan ko yung paligid kasi walang ibang tao dito, kami lang. At parang iba yung ambiance dito sa loob?

"Mom, Dad, here's Stephanie."

Napatingin ako kay Luke tapos dun sa dalawang tao na kinausap niya. Teka, mom at dad? Ano daw? Pero, bakit? O______O

Tumayo naman agad yung mommy at daddy daw ni Luke at nakipag beso sakin.

"Nice meeting you hija, kamukang kamuka niya ang mommy niya noong college days natin. Aww. Ang cute mo." :)

"Tama ka hon, ang gandang bata, o siya, pakuha na natin ang order natin at nagugutom na ko."

"Hahaha hon, ikaw talaga ang takaw takaw mo."

Nakatitig lang ako sakanilang dalawa dahil hindi ko alam kung ano ba ang nangyari. Napatingin din ako kay Luke at as usual, wala pa rin siyang emosyon.

Pamaya-maya dumating na yung foods na inorder nila. Lahat ng specialty nila mom and dad ang nakahain ngayon dito. Oo nga pala, friends nga pala ang parents namin kaya ganito. Pero 'di ko pa rin magets yung nangyayari ngayon eh. Bakit ako pinakilala ni tsonggo sa magulang niya?

Nagsimula na kaming kumain nang biglang nagsalita ang daddy ni tsonggo.

"So son, do you have any plans for your engagement?"

Muntik ko nang mabuga yung red wine na iniinom ko, buti nalang napigilan ko. Nasamid tuloy ako, nakakahiya. PERO KASI ANO
DAW?!

"E-E-ENGAGEMENT?!" O_______O

"Yes hija, hindi pa ba nababanggit sayo ni Luke? I told him na sabihin na sayo nung nag family gathering kayo, pero di niya pa ba nasabi sayo?"

Sagot ng mommy ni tsonggo at ako..

O-O <----- Ganyan lang.

"Hindi ko pa nasabi sakanya, I think its better kung kayo na magsabi sakanya." rinig kong sagot ni Luke. Ibig sabihin matagal niya nang alam at kaya niya ko pinag bihis ng ganito ay dahil dito? Bakit di niya sinabi agad?! Kainis talaga T_____T

Ako? Engage sa isang Tsonggo! WAAAAAAAAAH!!!!

"We planned this a long time ago with your parents hija. Since pareho naman kayo ng age, why not arrange an engagement meeting? Ilang months lang ang pagitan niyong dalawa. Nakakatuwa nga kasi halos sabay kami nabuntis ng mommy mo, kaya ayun." :)

I can't deny the fact na ang ganda at ang cute ng mommy ni tsonggo, mukang mabait din pati ang daddy niya di katulad niya. Tss. Pero di pa rin talaga ako makapaniwala sa nangyayari ngayon.

"And because of that, you'll live in the same house starting next month."

Me: O________O

Luke: What?!

Me: O__________O

No.. freaking.. way.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 16, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Opposites Attract (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon