OA: Chapter 3

28 0 0
                                    

Stephanie's POV

Tahimik lang akong nag bbreakfast habang nag T-Twitter, hindi naging maayos ang tulog ko kagabi, nakakainis kasi yung kumag na tsokolate na yun, hindi ako pinatulog. Well, kung iniisip niyo na dahil sa may gusto ko dun sa kumag na yun kaya ako 'di nakatulog ay nagkakamali kayo.

ERASE THAT.

Never, ever akong magkakaron ng gusto dun. As if! Hindi ko type ang mga lalaki na tulad niya, napaka antipatiko! Sobrang yabang, dinaig niya pa ang super typhoon sa sobrang hangin niya. Totoo!

Buti nalang at tuwing Tuesday, wala kaming pasok. Hindi naman lahat ng students ng Statleton's University, depende lang talaga sa schedule niyo.

(at Twitter)

@scassandria
Good morning. :)

*1 notification receive.*

Huh? Sino naman kaya toh?

@yeshaaaaong
Steppphhh! Punta tayo sa S&M Mall. Boring dito sa bahay eh, & I texted Faye already, tara na! ;)

Huh? Wait, paano niya nalaman Twitter ko? Ibang klase din tong babae na toh. Mala-stalker pala. Bakit kaya hindi nalang siya nag text? Talagang mas gusto niya pa na lantaran sa public ang pag-aya niya.

Finave ko yung tweet niya and replied.

@scassandria
Okay, text me nalang the time and kung saan tayo magkikita. See you. ;)

Wala rin naman akong gagawin ngayon, so why not. Tinapos ko na ang pagkain ko ng breakfast ko at nagpaalam kay Kuya Stephen. 9am palang naman, ang text sakin ni Yesha 1pm daw kami mag kikita sa S&M. Si Kuya Stephen sakto 1pm ang class niya, sasabay nalang ako sakanya umalis mamaya.

Naligo na ako at nag ayos, simple lang naman ako mag damit, black shirt and shorts, tapos nag Skechers nalang ako na sapatos, yun na! Mukha ko nalang ang mag dadala nyan. Bwahahaha. Fashion 21 foundation, mascara, lip & cheek tint, and I'm done!

"Steph hurry up! I don't want to be late."

"Yes kuya! Nandiyan na!"

Nagmadali na kong bumaba galing sa kwarto ko, there I saw my kuya, annoyingly staring at me. Patay nanaman ako.

"Do you know what time is it? It's 12:30 for Pete's sake!"

"Sorry na! Uwian nalang kita ng fav mo from Starbucks, caramel frap!"

"Tss. Lets go."

Pagkadating namin sa S&M, nakita ko na agad sila Yesha and Faye sa may entrance ng mall. Tinignan ko ang wrist watch ko to check what time is it, 12:50 pm. Wow ang aga naman nila, himala at hindi filipino time.. If you know what I mean.

"Don't you dare go home late, you're dead."

"Aye aye! Sir!"

"Tss. Take care."

With that, umalis na si kuya. Nag wave pa ko sakanya habang unti-unting lumalayo yung kotse niya. Protective si kuya sakin, dahil nga wala dito ang parents namin.

Lumapit na rin ako kila Yesha and Faye na halatang kinikilig kay kuya. Grabe pala talaga ang appeal ni kuya Stephen sa mga babae, ibang klase.

"OMG Casssss! Ang gwapo naman ng kuya mo, ang cute niya pa maging protective sayo, siblings goals!"

Siblings... ano daw?

"Stepphhh! Holyyyy molyyy! Pakilala mo naman kami sa kuya mo minsan. Grabe! Di ko kinaya!"

The F! Hinila ko nalang sila papasok sa mall habang umiiling iling at nakangiti. Hindi lang naman sila yung mukang na-starstruck kay kuya Stephen eh, pati din yung mga tao na di namin kilala na nasa labas ng mall. Ohwell, that's kuya Stephen. Medyo famous pa naman yun sa social media.

Nanood kami ng movie, Paranormal Assylum yung title, sobrang bitin naman nung movie. Okay na sana kaso epic ending nga lang.

After that nag punta kami sa arcade, na sana hindi nalang namin ginawa!

"Hi Steph." ;)

Tinignan ko muna siya, bakit niya ko kilala? Pero okay siya ha. Gwapo, matangkad. Pero di ko talaga siya kilala eh.

"Do I know you?"

"Aw, classmates tayo. I'm Ryan."

Inabot niya yung kamay niya, and so I did the same at nakipag shake hands sakanya, agad ko rin naman yun binitawan nung dumating yung dalawa, bumili sila ng token at nagpaiwan nalang ako dito sa may mga Karaoke booth.

"Who's this?" nagtatakang tanong ni Faye.

"Ryan, classmate natin siya." Nag shake hands din naman sila nila Faye. Nang biglang...

"Ryan! Ang tagal mo, kanina pa naiinip dun si... Oh, hi!"

Nagpakilala samin itong si... Darren? Derrek?

"Darwin!"

Ay, Darwin pala haha! Classmate din namin siya. Wow ha? Ano to? Ang agang reunion naman. Pamaya-maya, tinignan ko kung sino yung tumawag sakanya, siguro classmate namaman namin toh, haha!

Na sana hindi ko nalang pala ginawa.

Nakita kong tumatakbo papalapit si tsokolate, oo, si Luke Ferrer-o. Angas talaga nito kahit kailan. Nakakainis! Nakikita ko palang siya naiinis na ko, tsk. Porma palang, halatang ang yabang yabang na.

"The F are you doing here?"

He stared at me na para bang ako na ang pinaka pangit at disgusting na babae dito sa Earth, ang kapal talaga ng mukha!

"Ex-cuh-yoos-me? Sayo tong mall?! Sayo?! Sayo?!"

"Well apparently yes. This mall is mine."

Ahh sakanya naman pala...

ANO DAW?!!!

O_______O

"What's with the shocked face? You have no idea?"

"S-s-sayo tong mall?!"

Bwist! Nabubulol ako sa kahihiyan. Nakakainis naman, paniguradong aandar nanaman ang kayabangan niya. Well, kailan ba huminto? Tss.

"My family's." he answered without looking at me.

"What's with the LQ?"

"LQ?!" sabay na sagot namin ni kumag. Ito naman kasing si Faye bigla nalang bumabanat ng ganun!

"Tama na yan!" singit ni.. D... sino nga uli?! "Tara na mag sama sama nalang tayo mamasyal, tutal nagkita kita na rin naman tayo."

Ryan, Faye and Yesha all agreed to him, syempre kami ni kumag hindi. Kaso ano pa nga ba magagawa namin? Mas madami sila eh, majority wins. Sabay sabay kaming lumakad when I heard Darwin (I finally remembered his name) sa likod namin.

"Hi Faye." ;)

Oooh, playboy. Tignan natin.

"Wag mo nga akong akbayan."

May pagka-suplada din pala si Faye.

"Ouch, my heart."

Hinawakan niya pa yung dibdib niya sabay umarteng nag pupunas ng luha.

Napangiti nalang ako, ang kulit nila sa likod. Haaaaay, its going to be a long day. Namiss ko tuloy bigla highschool friends ko.

"Hey, youre spacing out. Lets go."

Inirapan ko lang siya and walked papunta kila Yesha, pa-cool naman siya na sumunod sakin, walking with his hands in his pockets. Tsk, nakakainis! Maghapon nanaman akong bbwisitin nitong kumag na toh.

Opposites Attract (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon