Chapter 8

2.1K 41 3
                                    

Namamangha kong inilibot ang paningin. Five-story house ang taas at double ang laki sapalasyo ng London, May ganito pa lang nag-e-exist ngayon? May nakita akong fountain na gawa sa silver-gold na may Dolphin na estraktura. Sa mga gilid naman ng daanan ay may mga iba't ibang kulay na rosas na ngayon ko lang nakita, may Blue, Pink, Orange, Violet, Yellow, Red, White, and Light green colors. "Please tell me that I'm not dreaming?"

"This is real." Iyon lang ang kaniyang saad kaya hindi ko na siya nilingon pa.

"What the! This looks like a fairytale's scenario!" Namamangha kong bulalas.

Huminto na kami sa hagdan na papunta sa harap ng malaking pintuan at may lumabas ng mga tao mula roon. May dalawang lalaki ang lumapit sa kotseng nakahimpil at pinagbuksan kami ng pintuan. Nagpasalamat ako sa lalaki at yumuko lang siya bilang ganti. Pagkalabas ko sa kotse, inilibot ko kaagad ang aking paningin. Mas lalo kong nakita ang kagandahan ng lugar. Para akong prinsesa sa isang Fairytale stories, si Arty ang prince charming ko kaso kulang nga lang ang damit. Pero dadating ang fairy-

"Ashley, honey, come on." Pangising sa akin ni Arty sa pag-d-daydream ko.

Napayuko na lang ako para itago ang pamumula ng aking mukha. Lahat ng mga taong lumabas mula sa malaking pintuan na nakapila sa gilid ng hagdan pati na ang dalawang lalaki ay nakatingin sa akin. Paano ba kasi? Ang ganda ng lugar eh.

"Sorry..." Nahihiya kong sagot. Lumapit na ako sa kaniya at pumwesto sa kaniyang tabi.

"It's okay. Let's get inside." He said and encircled his arm around my waist.

Aalisin ko na sana ang pagkahawak niya pero hinigpitan niya kaagad ito kaya hinayaan ko na lang siya. Nakadalawa na ito sa akin ah. Habang naglalakad kami sa hagdan patungo sa pintuan, nagsiyukuan ang mga tao sa gilid ng hagdan at bumati sa amin ng Welcome back, my king and queen. Napakunoot ang noo ko. Ganito ba sila kapag may bisitang babae? Tinatawag na queen? Pang-ilan na ba ako?Nang-init ang ulo ko sa aking inisip. Baka ikakama lang ako ng lalaki na ito kaya niya ako dinala rito at teka... bakit nga ba ako sumama sa kaniya? Baliw ka rin, Ashley, ano?

Huminto ako sa paglalakad ng nasa harap na kami ng pintuan, "Honey, what's wrong?" Nag-aalalang tanong ni Arty sa akin. May pa-honey-honey ka pang nalalaman? Curse you!

"I-Honey, what's wrong mo ang mukha mo! Iuwi mo na ako!" Sigaw ko sa kaniya habang pilit na inaalis ang kaniyang braso na nakayakap sa akin. Narinig ko ang pagsinghap ng mga tao sa paligid namin pero hinayaan ko lang ito. Amo niyo? Wala akong pake!

"What? Why? Tell me, honey, if what's wrong." Nagsusumaong paki-usap niya sa akin. Sasagot na sana ako nang may nagsalita sa likuran namin, "At sino kang lapastangan na babae at pinagbabastos mo ang hari namin?" Nilingon ko ang pinanggalingan ng boses. She got a red hair, maputi, matangos ang ilong, mas maliit pa sa akin at lalo sa lahat, panget. Epal ito akala naman niya maganda siya. Sa ngayon, ako ang maganda.

"Nicola, say sorry to her and don't you dare speak like that to your queen." Naka-tiim bagang utos ni Arty sa babae.

"But, my king, binastos-"

"I don't care kung babastusin niya ako dahil may karapatan siya! She's the queen and she has the rights to manipulate me." Mariin na pagkakasabi ni Arty. Queen? Who, me?

"My king, lapastangan---"

Nakadalawa na siya kaya hindi ko na mapigilan ang aking inis sa babae. Hinablot ko ang kaniyang buhok at hinarap ang napakapanget niyang mukha sa akin pero hindi ko literal na ginawa iyon. Hinarap ko lang ang panget niyang mukha, "At sino kang lapastangan na babae at pinagbabastos mo ang hari namin?" I mocked her, "Hoy, babae! Nakadalawa ka na. Kung sinasabi mong lapastangan ako eh mas lapastangan ka dahil pinagsabihan ka nga ng hari niyo ay sumasagot ka pa rin. Sino ka ba!" Nagagalit kong bulyaw sa kaniya. Halata sa kaniyang mga mata ang takot kaya hindi siya nakasagot at patuloy lang ng nakatingin sa akin. Nilingon ko si Arty na namamanghang nakatingin sa akin na hindi ko alam kung bakit, "Sino siya at ano ang position nya?"

"Nicola Dumpth. Servant's manager, hon." He answered.

Ibinalik ko ang tingin sa babae,"Servant's manager ka lang pala pero akala mo kung sino kung umasta. H'wag kang umasta na may karapatan ka dahil sa mukha pa lang panget na pati pa ugali mo. Huwaw, teng, h'wag gano'n." hindi siya sumagot at natatakot lang nakatingin sa akin.Tiningnan ko ang mga tao sa paligid namin at lahat sila ay nakangiti."May complain's holder ba kayo?" Tanong ko kay Arty.

"Yes. We have, it's Professor New." sagot ni Arty at tumango lang ako.

Tiningnan ko ang lahat at masayang nakatingin lang sila sa akin. They hate this woman. I feel you, guys. "Magbato kayo ng reklamo sa babaeng ito, kayong lahat, at ang hari niyo na ang bahala." Nilingon ko ang babae na nasa harap ko. "Iba ang kinakalaban mo, miss." Ningitian ko lang siya, "Goodbye!" With my last word tumalikod na ako at hinila si Arty papasok sa isang pintuan na hindi ko alam kung ano, "Where's your room?"

"Tenth floor at the middle." he said ad clicked the button at the side of the door. Elevator lang pala.

I grabbed his hand and headed to the tenth floor. Sa ngayon, akin muna ang bahay dahil mainit ang ulo ko. "Goodness... pinapainit niyo ang ulo ko." frustrated kong reklamo sa kaniya.

"I'm sorry. I'll make it up to you." Nag-aalala niyang sagot habang nakatingin sa akin.

"Whatever." I yawned, "I'm sleepy."

"We're near, just hold on." he said and he encircled his arm around my waist, again.

Nakarating na kami sa tenth floor at binuksan niya ang malaking pintuan, yung tinatawag nilang double door, at pumasok na kami.

"Is this your room?" Inaantok kong tanong. Ganito ako kapag nagagalit, inaantok ako at napapagod pagkatapos kaya iniiwasan ko ito dahil nga, ito ang kinalabasan.

"Yes."

The room had a both of modern and old-fashion design. May malaking bookshelf sa gilid at computer desk na katabi niyon, na malapit sa malaking bintana. Dalawa lang kasi ang bintana pero malalaki.

Sa gitna naman ay ang king-size bed na may white thick blanket and four red pillows. Sa gilid niyon ay may old-fashion na bedside table with a lamp. Sa harap naman ng kama ay ang wide, flat screen na may mahahabang speaker sa magkabilang gilid at music/video/game player. "Ang ganda." Namamangha kong komento. Para akong ignorante ngayong araw. Hindi talaga parang, ignorante na talaga.

"Thank you."

I yawned, again. "Can I sleep here?" Tanong ko at nilingon siya sa kinatatayuan niya kanina pero wala na siya ro'n.

Nakita ko siya sa loob ng isang walk-in closet at may kinukuha sa isang cabinet.Naglakad ako patungo sa dulo ng kama at umupo ro'n. Pagod na pagod ang katawan ko. Para akong nagtrabaho ng 24 hours na walang kain at pahinga.

"Here... you can change your clothes at the bathroom and wear mine." saad niya at pinakita ang dala nyang white shirt at boxer habang tinuturo ang isang pintuan na nasa kaniyang likuran.

Tumayo na ako at kinuha sa kaniya ang mga damit, "Thank you." Nanghihina kong pasasalamat sa kanya at nagtungo na sa banyo na itinuro niya sa akin.

Okay na ba ito pambawi sa matagal niyong paghihintay? Vote and comment, guys. I want to read your reactions and expectations but please, just limit your expectation, okay? Baka hindi ko maabot iyan at masaktan lang kayo.

Thank you for reading my story. Again, na-a-appreciate ko ang lahat ng ginagawa niyo.



Claimed By A VampireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon