PROLOGUE

870 36 4
                                    

"Janica, bumangon ka na diyan!" sabay katok ni mama sa pintuan ko. Inis kong tinakpan ng unan ang tenga ko at sinubukan ulit na matulog.

Anong oras na ba akong natulog kagabi? Alas dos na yata. Busy kasi akong nanunuod ng video tungkol doon sa isang Phropecy daw tungkol sa pagkakaroon ng zombie ngayong taong ito.

Aaminin kong medyo natatakot ako dahil sa propesiyang iyon na tinutukoy sa video kahit alam kong malabong maging totoo pero diba minsan kung ano pa yung hindi mo pinapaniwalaang mangyayari ay minsan nagkakatotoo?

Sabi doon sa may video, isang scientist daw ang makakagawa ng isang virus na kung saan kapag napagtagumpayan daw nilang gawin ay posible na magkaroon ng zombie..

Super creepy right? Pero sana wag talagang mangyari yun dahil nakakaloka talaga.

Nabalik naman ako sa ulirat ng maranig ko ulit ang malakas na katok ng mama ko sa pintuan. "Janica Mae Morales hindi ka ba talaga babangon diyan, ah!" Shoot.. galit na talaga si mama. Tinawag na buong pangalan kon isang pahiwatig na galit na talaga.

Kaya kahit inaantok pa ay pinilit kong bumangon. Papungas pungas pa akong lumapit sa may aparador ko para kumuha ng damit dahil maliligo ako.

Pagkalipas ng ilang minuto ay natapos na agad ako at siyempre isinuot ko na yung uniform ko. Alangan naman after ligo labas agad ng walang damit. Makukurot ako ng mama ko si singit panigurado.

Lumabas na rin ako pagkatapos magbihis. Sa kusina nadatnan kong kumakain na ang busong kapatid ko na si Aileen. She's five years old now.

"Ayan umupo ka na. Sa susunod na ay huwag ka ng magpuyat. Maka masira iyang mata mo sa katututok sa cellphone mo na 'yan." Medyo galit na sabi ni mama. Nakita ko pang napasulayap sakin ang kapatid ko.

"Sorry na mama. Nawili lang ako sa panonood." Paliwanag ko. Inirapan niya lang ako at nilagyan ang plato ko ng sinangag, itlog at hatdog. "Thank you mama!" pagpapasalamat ko naman. Tumango lang siya at kumain na rin.

Pagkalipas ng ilang minuto ay ako ang unang natapos na kumain sa aming tatlo. Nagpaalam na lang ako kay mama na hihintayin ko na lang sa may sala si Aileen dahil hindi pa ito tapos kumain. Mga ilang minuto pa bago matapos ang kapatid kong kumain.

"Mag-iingat kayong dalawa. Ikaw Janica itong kapatid mo bantayan mong mabuti." Paalala sakin ni mama na ikinatango ko lang. Hinalikan na namin siya ng kapatid ko sa pisngi at nagpaalam na.

PROJECT Z: The Rise Of ApocalypseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon