Student Week
Janica's POV
Ngayon na ang araw kung saan gaganapin ang student week namin. Dahil ngayon nga ang selebrasyon namin para doon. Hindi na namin kailangan na magsuot ng uniform pero yung ID kailangan paring suotin.
Kaya ngayon ang suot ko na lang ay isang high waisted na pantalon at white t-shirt na naka tucked in for style. Ang kapatid ko namang si Aileen ay naka dress ng pink at ang buhok naman ay naka tirintas na ako mismo ang gumawa.
"Mag-iingat kayong dalawa at Aileen anak wag kang hihiwalay sa ate huh? Kapag iihi ka or nagugutom ka sabihin mo lang sa ate mo." Paalala ni mama sa kapatid ko. "Opo mama." Magalang na sagot naman ng kapatid ko.
"Oh sige na, pumasok na kayo baka mahuli pa kayo roon." Hinatid pa kami ni mama hanggang gate. Nagpaalam na kami ng kapatid ko at sumakay na sa jeep na huminto sa harap namin.
Nakarating na kami sa school at dumeretso na sa gymnasium dahil may mass na gaganapin dito ngayon.
Sa bungad ng gymnasium ay naroon si Mariz. Kagabi kasi ay nagtext sakin ito na hihintayin siya nito roon.
"Good morning bhes, good morning bebe Aileen! Pakiss nga si ate.." ganito talaga itong si Mariz sa kapatid ko. Pinangi-gigilan niya parati.
"Good morning din.. Sino na na ang nandoon?" Ang tinutukoy ko ay ang mga kaklase namin. Ang section namin ay may assigned seat kaya ay hindi pwedeng kung saan saan sila uupo. Ang kapatid ko ay pwede naman sa pwesto na namin umupo.
"Nandoon na silang lahat. Tayo na lang ang wala." Sagot niya sa tanong ko.
"Sige tara na. Malapit na magsimula ang mass." Pag-aaya ko na sa mga ito. Agad na kaming pumasok at hinanap na ang pwesto namin.
Nasa medyo harap ang pwesto namin. Nakita ko ngang kompleto na silang lahat doon at kami na lang talaga ang kulang.
"Good morning vice!" Bati nila sakin except sa lalaking ubod ng sungit na si Zamiel. Binati ko rin pabalik ang bumati sakin at umupo na.
"San pala tayo after nito bhes?" Mariz asked me. "Siguro bibili tayo ng makakain mamaya." Napatango naman ito at nagfocus na sa harap dahil magsisimula na ang misa.
~
Katatapos lang ng misa at ngayon ay nasa may booth na kami ng mga pagkain. Kami lang nila Mariz at ng kapatid kong si Aileen ang pumunta sa booth na ito dahil ang mga kaklase ko ay mas pinili na lamang ang maglibot at manood sa mga activities na ginagaganap sa iba't ibang area dito sa school.
Isang burger at sprite ang binili ko para sa kapatid ko dahil medyo hindi pa naman ako gutom. Tubig na lang ang binili ko para sa akin.
"Urgh! Sa wakas makaka-kain na ako!" Madramang saad ni Mariz na talagang lamon nga ang ginawa dahil ang lalaki ng ginagawang pagkagat sa burger rin na binili nito. Actually dalawa ang binili nito. Halata ngang gutom.
"Bakit naman kasi hindi ka nag-almusal sa inyo? Kita mo na, gutom na gutom ka tuloy. Alam mo na man na ang breakfast ang pinaka mas importanteng meal, diba?" Natatawang paalala ko sa kanya. Ngumuso naman ito at inirapan ako.
Hinawakan ko ang kamay ng kapatid ko baka kasi umalis na lang ito bigla or mapahiwalay sa aming dalawa ni Mariz ng hindi namin namamalayan.
"Paano ako makakain ng breakfast kung may asungot doon na akala mo isa siyang balbado dahil lahat ng gusto nun ibinibigay agad ng magaling kong kuya? Grabe! Kahit pag abot lang ng tubig hindi man lang magawa tapos iuutos pa sa kuya ko! Jusko eh yung baso nasa harapan niya lang!" Sabay irap nito. This time napatawa na talaga ako. She really hate Sania, girlfriend ng kuya nitong si kuya Vincent.
BINABASA MO ANG
PROJECT Z: The Rise Of Apocalypse
HorrorEverything changed when something came up in the city of Merielle. Ang dating mapayapa at masayang syudad ay napalitan ng katakot takot at kagimbal gimbal na pangyayari. Paanong ang isang tao ay inaatake ang bawat mamayan ng Marielle at kinakain o d...