Save Them!
Janica's POV"Paano tayo makakapasok sa loob?" Tanong ko sa katabi ko ngayon.
Kasalukuyan kasi kaming nagtatago sa may halaman ng katabing bahay nila miss Fely. Sa harap ng kasi ng bahay nila miss Fely ay may mga ugly creatures na naglalakad.
I think sila iyong mga nakatira dito mismo sa miracle village.
"We should try in the backyard? I'm sure may backdoor doon." Sabi sakin ni Zamiel at sumilip muna sa harapan bago siya sumenyas sakin upang tumayo na.
" You go first." Kaya nagmadali akong naglakad habang iniiwasang makapag create ng ingay. Delikado dahil tanging isang baseball bat lang ang armas na mayroon kami.
Nakarating kami sa likod ng bahay nila miss Fely nang walang nakakasalubong na ugly creatures.
Nagmamadaling lumapit ako sa may pintuan. Si Zamiel naman ay nagbabantay sa likod dahil baka bigla na lamang may sumulpot na ugly creatures at kagatin kami.
Kinapa ko ang bulsa ng jeans ko upang hanapin ang susi pero wala akong makapa. Kahit sa sahig ay sinubukan kong hanapin kasi baka nahulog ko lang pero wala talaga.
"Why? What's the problem?" Napansin siguro ni Zamiel na kanina pa ako hindi mapakali. "I don't know where's the key." Sabi ko rito.
Sandali itong nag-isip at saglit lang ay napahilot ito sa noo. "Fuck we forgot to get it, si Felix ang may hawak nun."
Saka ko lang rin naalala na kinuha pala ni Felix iyon sakin noong nasa may parking lot kami.
"So paano natin 'to mabubuksan? Nakalimutan natin 'yong susi?" Nag-aalalang tanong ko sa kanya. Sa pagmamadali namin hindi ko naisip kunin iyong susi kay felix tsk!
"Do you have a hair pin with you? Or anything that can make the lock of that door to open?" He asked me. Agad ko namang binuksan ang sling bag ko dahil minsan ay nagsusuot rin ako ng hairpin.
Nang makahanap ako ay ibinigay ko agad ito sa kanya. Gumilid ako habang siya naman ay ibinigay sa akin ang baseball bat at sinabihang magbantay.
Wala pang isang minuto ng tawagin ako ni Zamiel. Agaran kaming pumasok at isinira muna ang pintuan.
"Go upstairs, I'll stay here. I will try to find a weapon that we can use to fight those ugly creatures." Utos nito at agad kong sinang-ayunan at umakyat na sa taas.
May dalawang hallway akong nakita. Ang sa kaliwang hallway ang una kong tinahak. Iisang pintuan lang ang mayroon sa parteng ito at sa hula ko ay isa itong guestroom.
Nang buksan ko ay wala akong nakita ni anino ng anak ni miss Fely kaya agad kong sunod na pinuntuhan ay ang kanang hallway na mayroon dalawang pintuan.
Sa may bungad ang una kong binuksan. Una kong napansin ang kulay asul nitong kama. I guess this is miss Fely's son's room. Dahil wala roon ang anak ni miss Fely na si Angelo isinira ko kaagad iyon at sunod na pinuntuhan ang pangalawang pintuan.
Sana naman nandito sila. Wala na akong sinayang na oras kaya sinubukan ko na itong buksan pero hindi ko nagawa. Sinubukan ko ulit pero ayaw. Mukhang nakalock iyon mula sa loob.
Kumatok ako ng sapat lang para marinig iyon mula sa loob. "Angelo?" I called Angelo's name but there's no response. Kumatok ulit ako pero wala parin.
"Angelo? This is ate Janica. Your mommy send me her to save you. Please come out now." May pag-aanyayang tawag ko.
Kumatok pa ulit ako at nakarinig ako ng 'click' na alam kong tinanggal na ang pagkakalock sa loob.
BINABASA MO ANG
PROJECT Z: The Rise Of Apocalypse
HorrorEverything changed when something came up in the city of Merielle. Ang dating mapayapa at masayang syudad ay napalitan ng katakot takot at kagimbal gimbal na pangyayari. Paanong ang isang tao ay inaatake ang bawat mamayan ng Marielle at kinakain o d...