CHAPTER 6

272 10 4
                                    

Third person's POV

Hindi na mapakali ang ina ni Mariz dahil sa nasaksihan kanina lang noong napanood nito ang pangyayaring sa telebisyon. Ni sa hinagap ng buhay niya ay masasaksihan niya ang ganoong nakakatakot na pangyayari. Ngayon ay kinakabahan na siya para sa anak niyang pumasok sa araw na iyon sa paaralan dahil may selebrasyon ang pinapasukan nitong paaralan.

"Anak ano sabi ng kapatid mo?" sa nag-aalala boses nitong tanong matapos makitang ibinaba na ng panganay na anak ang telepono nito.

"Ayos lang daw sila, ma. Kasama niya sila Janica at iba pa niyang kaibigan, and they manage to escape from their school." Nakahinga naman ang ginang ng maluwag sa narinig. "Salamat sa diyos at ligtas ang kapatid mo," Umupo ito sa katapat na upuan at napapahilot sa sintido.

"Ang sabi po ni Mariz ay pupuntahan nila tayo rito kasama ng kaibigan niya." Imporma ng anak kaya ang ina naman nito ay napatigil sa paghihilot sa sintido at napatingin rito. "Ano?! Bakit nila gagawin yon?!" may inis sa boses nito. "Delikado ang binabalak nila!"

"I know ma, but I think it's not safe here anymore." Paliwanag ng anak. Napahilamos ito sa mukha. "Dumadami na sila sa labas at kapag nanatili pa po tayo dito, mas delikado na po." Lumapit ito sa ina at umupo rin pagkatapos ay niyakap ito ng mahigpit. "Alam kong hindi nila pababayaan ang kapatid ko ma. Hintayin na lang muna natin sila rito, hmm?" walang nagawa ang ginang kundi tumango. Pumikit na lamang ito ng taimtim at nanalangin na sana ay ligtas na makarating ang anak at kaibigan nito sa bahay nila.

Samantalang si Zamiel ay patuloy parin sa paghahanap ng bahay nila Mariz, medyo pahirapan pa iyon dahil medyo marami-rami ang mga nilalang sa dinaraanan nito. "Fucking ugly creatures!" Bulong niya noong muntikan na siyang mapansin ng isang nilalang mabuti na lang at nakatago siya sa likod ng isang sasakyan na naka hambalang sa gilid.

Palakad lakad kasi ang mga ito at tila naghahanap ng mabibiktima. At sa tantsa niya ay malapit na siya sa bahay ng nila mariz ayon na rin sa nakaguhit na nagsisilbing mapa niya. Ito ang rason kung bakit ito nanghingi ng ballpen at papel dahil iguguhit niya ang istura ng bahay ng mga ito at ang mga madadaanan niya upang makarating siya doon.

Isa lang ang alam niyang paraan upang umalis ang mga nakaharang sa daraanan niya. He needs to divert their attention, it means kailangan niyang gumawa ng ingay para mabulabog ang mga ito. Because, based on what he observed noong kailangan nilang makaalis sa school nila at noong iniligtas nila ang anak ng teacher nilang si Miss Faye. Sumusugod ang mga ito kung may naririnig silang tunog o ingay. And he need to do that para tuluyan na siyang makarating sa bahay nila Mariz.

Kaya naman ipinalibot niya ang tingin sa paligid niya upang maghanap ng pwedeng gamitin upang makagawa ng ingay na aagaw sa atensyon ng mga ito ngunit alerto parin naman siya dahil baka may bigla namang sumulpot na mga nilalang.

Luckily may nakita siyang mga boteng babasagin at walang mga laman. Nasa tatlong piraso iyon at ayos na ding gamitin para maagaw ang atensiyon ng mga ito.

"This should be work..." Grabbing the first empty bottle, he calculated where to throw it para agad siyang makakaalis. At nung makalkula na niya kung saan dapat itatapon ang bote ay nagbilang na sya "1.. 2.." at sa pangatlong bilang niya ay kasabay nito ang pagtapon sa sementadong daan sa likod niya. Mga sampong dipa mahigit ang layo upang sa ganon ay may oras pa siyang makalayo at makarating na sa pupuntahan niya.

Nabasag iyon and as he expected nabaling doon ang atensyon ng mga ito at sabay na sinugod ang tunog na narinig ng mga ito. Mabuti na lang at kasya siya sa pagitan ng kotse at pader kaya tumakbo ng mabilis papasok sa medyo malawak na eskinita. And there he saw the house he's looking at.

Walang pagdadalawang isip niyang inakyat ang gate na hanggang sa leeg niya ang taas. Sa back door siya dumeretso upang walang makaka aagaw ng atensyon nung mga nasa labas na nilalang.

Nilapitan niya ang nakitang backdoor at nagmasid muna ng konti sa paligid tsaka ito kumatok ng tama lang upang madinig sa loob iyon.

Naalerto naman si Vincent noong narinig siyang mahinang katok. Nalaman niyang sa likod ng bahay nila ito nanggaling. "Ma, dito ka lang po. Aalamin ko lang po kung ano po yun." Kahit halatang tutol ang ina nito ay tumango na lamang ito.

Humanap kaagad siya ng weapon na maaring gamitin sa kusina dahil malapit doon ang backdoor at doon nanggagaling iyong katok. Isang kitchen knife ang nakita niya at pwede na itong gamitin upang mailigtas niya ang sarili kung sakaling isa itong nilalang katulad ng nasa labas o di kaya ay masamang loob.

With this kind of situation, siguradong makakaisip ng masama ang ibang tao in able for them to survive. Mas aalalahanin ng mga ito ang sariling kapakanan kaysa sa iba. Kaya kailangan niyang mag-ingat para sa kanilang dalawa ng ina.

Patuloy parin ang pagkatok ni Zamiel hanggang sa naramdaman niyang may mga yabag ang papalapit sa pinto na iyon.

"Mrs. Sarmiento?" Pagbabakasakaling tanong niya baka ito ay ang ina ni Mariz ngunit nagkamali siya dahil isang baritonong boses ng lalaki ang narinig niya. And he think that ang kuya ni Mariz ito.

"Who are you?" tanong nito mula sa loob. "Zamiel, Classmate of Mariz. I'm the one who offered to rescue you together with your mother." Hindi na umimik ang nasa loob. At akala ni Zamiel ay hindi ito naniniwala pero narinig niya ang tunog ng pag-unlock ng pinto saka ito dahan dahang bumukas.

"Come in." Mahinang saad nito and he obliged. Pumasok siya agad at nilock naman nito ang pinto at sabay na silang pumunta sa may sala kung saan naroon ang ina nila Mariz.

"Anak? Teka sino siya?" Takang tanong nito sa anak matapos makita ang anak kasama ang isang di kilalang binata. "Sino ka iho?"

"Siya po si Zamiel ma. Kaklase raw ho siya ni Mariz at siya ang nagboluntaryo upang iligtas tayo rito." Paliwanag ng anak. "Totoo ba iyon, iho?"

Tumango si Zamiel "Yes, ma'am. And we really need to go because they are waiting for us." Seryosong sabi niya. "Nako iho, saglit lamang at kukuha ako ng damit ko at mga anak ko." Sabi ng ginang at namamadaling naglakad upang makaakyat na sa taas.

"Ma!" tawag ni Vincent sa ina lumingon naman ito "Huwag niyo pong damihan ang damit na dadalhin para wala pong sagabal kung kailangan nating tumakbo mamaya." Paliwanag nito kaya tumango ang ina at nagpatuloy sa pagpunta sa taas na palapag ng bahay.

"Do you have can goods here?" bumaling ang tingin ni Vincent sa lalaking nakatayo parin sa kanilang sala. "Aanhin mo ang mga delata, pare?" Nagtatakang tanong niya.

"We need it to get rid of our hunger when we are on the road." dahil sa sinabing iyon ng binata ay napatango si Vincent dahil naliwanagan na siya. "If you have a first aid kit, take it. We can use it if someone is injured." Dagdag pa nito kaya tumango naman ang huli at nagtungo ito sa kusina nila habang siya naman ay sumilip sa bintana ng bahay upang sipatin ang mga nilalang sa labas.

Labing-limang minuto ang itinagal nila sa loob ng bahay na iyon dahil naisipan na rin ng dalawa na maghanap ng maaaring maging sandata nila.

Hindi na rin nagtagal pa at maghanda na ang mga ito sa pag-alis. Ang ginang na ina ni Mariz ay piping nanalangin sa panginoon upang sila'y gabayan upang makaligtas silang lahat sa kanilang gagawin.




To be continued...




[A/N: Hello pipol! Magandang gabi!!!! Sensya na napatagal yung update ko. And mags-sorry na ako in advance kasi hindi ko maipapangako na makakapag update ulit ako ng susunod na chapter after nitong update ko na ito.

To tell you the truth po, hindi ko na po siya dapat ituloy kaso may mga reader parin pop ala itong story ko so I decided na ituloy, pero not continues nga lang yung UD po...

So yeah? Hahaha, I hope po na nagustuhan niyo poi tong chapter na ito kahit sabaw po huhuhu peace pow.... ✌️😘]

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 04 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

PROJECT Z: The Rise Of ApocalypseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon