Strange Feeling
Janica's POV
We're already here sa harap ng school namin. Hinarap ko ang kapatid ko at saka lumuhod sa harap niya.
"Tandaan mo lagi yung bilin ni ate, hmm? Huwag makikipag away sa mga kaklase mo at makinig sa guro kapag naglelesson." Tumango siya bilang pagsang-ayon sa sinabi ko. "At ano pa yung pinaka golden rule ni ate kapag hindi pa dumating para sunduin ka?" Tanong ko sa kanya.
"Humanap ng safe place po habang naghihintay sa iyo at huwag po makakipag-usap sa hindi ko kakilala at kapag may bad guys na dumating, iko-call po kita." She stated the rule I'm talking about. She even lift her phone na nakalagay kanina sa bulsa ng palda nito. Ako mismo ang bumili at nagbigay sa kanya ng cellphone na iyon and its for emergency purposes. Matalino ang kapatid ko kaya noong tinuturan ko ito kung paano gamitin ito ay agad niyang nasundan. Isang ngiti ang lumabas sa aking labi. My sister is really kind at masunurin din.
"Very good!" Masayang sambit ko at tumayo narin. Inabot ko ang kaliwang kamay nito. "Let's go?" She happily nod her head at tuluyan na kaming pumasok sa loob.
Una kong inihatid ang kapatid ko sa room nito. Iba kasi ang building ng mga nasa grades school pa. Since ang kapatid ko ay kinder pa lang. Ang building ng Senior High ay nasa may kanang bahagi ng school medyo malayo rito sa building ng room ng kapatid ko. Isang kaway muna ang ibinigay ko sa kapatid ko bago pumunta sa building namin.
On the way to our building, nahagip ng mata ko ang nag-iisang kaibigan ko dito na si Mariz Faith Sarmiento. Kumakaway ito sakin habang tumatakbo. Tumigil ako sa paglalakad at hinintay na lang siyang makalapit sa akin.
"Good morning besh!" Masiglan niyang bati sa akin na sinuklian ko lang ng ngiti. Agad itong kumpit sa braso ko at hinila na ako para maglakad na.
"Nakakapagod itong araw na ito for sure!" Himutok niya sakin at minsan ay pinapadyak pa ang isang paa. She's really childish-- no always childish pala. Bihira lang itong magseryoso but despite of it mahal ko parin itong babaitang to.
"Malamang, next week na kaya yung foundation day nitong school natin so expected lahat na magiging busy tayo." Paliwanag ko sa kanya na ikinairap na niya naman at hindi na umimik pang muli.
Pagdating sa room naroon na lahat ng mga kaklase namin. Ang iba nag-uusap ng tungkol sa ano man at ang iba naman nakadukdok sa kaniya kaniyang desk nila. Puyat siguro like me. Parang gusto ko tuloy na matulog ngayon.
Pag-upo ko sa sariling upuan ay lumapit ng bahagya sakin si Mariz.
"Psst!" Takang lumingon ako sa kaniya. "Why?" I asked. Nag gesture siya sakin na lumapit so I did."Nakatingin na naman sayo si Mr. Lanford!" Tila siya bulateng naasinan dahil sa kagagalaw nito. Nangunot ang noo kong tinignan siya. "What?" Hindi ko maintindihan ang sinasabi ng babaeng to.
"Si Zamiel nakatingin na naman sayo.." This time she whispered it to me. Yung kami lang talaga ang nakakarinig. Napaayos ako ng upo at pasimpleng tumingin kung nasaan ang sinasabi niyang nakatingin sakin.
And true to her word, nakatitig nga sakin ito. Agad akong umiwas ng tingin ng magtama ang mata namin.
I don't know why but since then, lagi itong nakatingin sakin, or more likely nakatitig sakin. Minsan maiilang ako kung bakit ganoon. Ito ngang si Mariz kung anu-ano na ang naiisip dahil diyan.
"Don't mind him, Riz." Sabi ko na lang at tumingin sa harap. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko dahil sa pagtama ng mata namin bigla na lang lumalakas yung tibok ng puso ko.
BINABASA MO ANG
PROJECT Z: The Rise Of Apocalypse
TerrorEverything changed when something came up in the city of Merielle. Ang dating mapayapa at masayang syudad ay napalitan ng katakot takot at kagimbal gimbal na pangyayari. Paanong ang isang tao ay inaatake ang bawat mamayan ng Marielle at kinakain o d...