Chapter 7 (Pretend)

12 13 0
                                    

Shantal's P.O.V.

Nagising nalang ako ng may liwanag na tumama sa mukha ko. Iminulat ko ang mata ko at napansing wala ako sa kwarto ko.

"Shit."I cursed.

Nakina Drake ako? Pero pano?

Muli kong inalala ang nangyari kagabi .

"Hey,are you awake?"bumangon ako tiningnan ang oras sa aking relo. 10:30 AM na? Pero may pasok ako ngayon.

Dali dali akong tumayo at nagsalita syang muli.

"Today is Sunday Shantal." Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi ni Drake. Akala ko pa naman late na ako sa klase ko.

"Okay ka na ba?"pansin ko ang pag aalala sa mga mata nya. Kung tungkol parin yun sa nangyare kahapon, hindi pa. Natatakot ako. Hindi sa kanila,kundi sa sarili ko.

"Medyo okay na kumpara kahapon."nagnod naman sya na ibig sabihin ay mabuti.

"I'm leaving. May aasikasuhin pa ako sa office. You can stay here para masiguro naming ligtas ka. "Nagnod naman ako at lalabas na sana sya ng magsalita ako.

"D-drake." Huminto sya at muling humarap sa akin. "Thankyou. For saving me." Kung hindi mo kopinigilan,malamang nakakulong na ako. Dagdag kong sambit sa isip ko.

Tipid syang ngumiti bago tuluyang umalis.

Ang puso ko.

Lunabas ako ng kwarto at nagtungong banyo. Inayos ko ang sarili ko at tiningnan ang mukha ko sa salamin.
Bakas parin dito ang mga galos at pasang naiwan dahil sa mga sampal na natanggap ko kagabi. Medyo masakit parin ang katawan ko sa nangyari.

Paglabas ko ng banyo ay bumalik ako sa silid ng biglang mag ring ang cellphone ko.

Si Trisha pala.

"Hoy ano ng balita sayo? Di mo na ako naalalang tawagan o itext manlang! "galit na bungad nya sakin. "Punasok ka bukas ha!" Sigaw pa nito. Hindi nya alam ang nangyari sakin kase wala namang magsasabi sa kanya. Mabuti na rin yun para di sya tanong ng tanong.

Kaya sana lang gumaling na tong mga pasa at galos sa mukha ko kase di na naman nya ako titigilang tanungin ng tanungin bukas.

"Oo na." Bored kong sagot.

"Nga pala, natapos mo na ba yung project mo?" Para akong binuhusan ng malamig na tubig ng maalalang may ipapasa nga pala kaming project bukas.

"Ah eh wala pa. "Sagot ko na ikinatawa naman nya.

"Same here! Haha mamaya ko na gagawin. Maaga pa naman eh." Baliw talaga sya.

Matapos naming magkwentuhan ay bumaba na ako. Nakita ko si tita Zandra na naghahain ng pagkain.

"Iha,kumusta ang pakiramdam mo?"agad nitong tanong sa akin.

"Medyo okay na po ako ngayon." Ngumiti naman ito sa akin.

"Maupo ka na iha. Handa na ang tanghalian. Hindi na kita ginising kaninang umaga para narin makapagpahinga ka." Umupo ako at nagsimula na kaming kumain.

Muli kong naalala si tito Erik. Ang daddy ni Drake. Kumusta na kaya sya? Gising na kaya sya?

Nagpaalam na ako kay tita Zandra dahil gagawa pa ako ng project na ipapasa ko bukas. Habang nasa byahe ay di ko maiwasang isipin yung sinabi ni Drake kanina. Na pwede daw akong manatili sa kanila para masigurong ligtas ako. Medyo napangiti ako sa iniisip ko.

Naisipan kong bumaba sa tapat ng Hospital para bisitahin si Tito Erik. Nang makarating ako ay agad akong pumasok sa silid nito. Hanggang ngayon ay wala parin pala syang malay. Bigla ko tuloy naalala si Dad. Swerte talaga ni Drake. Kase lumaki syang kasama ang Dad nya. Samantalang ako, ni isang magulang wala.

Napatungo nalang ako at nag umpisa na namang umiyak. Sobrang miss ko na sila😭

Humiga muna ako para magpahinga. Ilang minuto ay bumangon na ako para simulang gawin ang aking project.

Mabuti na lamang at may mga gamit ako para magawa iyon kaya naging madali ko lang iyong natapos. Miniature House.

Masyado akong naging busy nung mga nakaraang araw kayat nakalimutan ko ng estudyante pa nga pala ako. Mabuti nalang talaga at ipinaalala sakin ni Trisha yung tungkol sa project kaya nagawa ko agad.

Kinabukasan ay maaga akong magising kaya inihanda ko na ang aking mga gamit. Binitbit ko na din ang aking Miniature House na ipapasa ko mamaya.

Naglalakad na ako papuntang school kase nga walking distance lang naman yon. Maaga rin akong nakarating at agad na sinalubong ni Trisha.

"Wow! Creative talaga tong bestfriend ko" natawa nalang ako sa sinabi nya kase alam kong mas maganda parin yung gawa nya kesa sakin. At tama nga ako. Mas maganda nga yung kanya kase aminado naman akong mas magaling sya sakin sa Arts.

Umupo ako at inilapag ang aking project sa aking table. Nagdadatingan na ang aking ibang mga kaklase at maya maya pa ay dumating na rin si Sir at nagsimula ng magklase.

"Hopefully ay matapos natin ang lesson bago pa man magstart ang exam next week.Okay class dismiss." At tuluyan na syang lumabas ng silid.

Dahil hindi dumating ang susunod sana naming teacher dahil may meeting daw ay lumabas muna kami ni Trisha at pumunta sa aming paburitong tambayan. Sa pinakadulong building ng campus. Meron kase dong maliit na kubo at dun kami tumatambay kapag walang klase.

Naglabas sya ng mga pagkain sa bag nya at ipinatong sa maliit na table doon. Inilabas ko din ang mga chicharya na binili ko at nagsimula na kaming kumain.

Ilang minuto palang kaming nanfon ng biglang magvibrate ang phone ko. Kinuha ko iyon at tiningnan kung anong meron.

Text.

"Can you pretend as girlfriend. Oh crap! You're my girlfriend now until she leave. " What? Gusto nya akong magpanggap! I think I can't do it. Yes magaling ako sa mga ganyang bagay pero hindi ko sya ganon kakilala para magpanggap.

Bigla na namang nagvibrate at nagpop out yung text nya.

"Yes or yes?" Choices ba yan? Anong klaseng option ba to? Aish kairita!

"See you later "napapikit nalang ako sa pinaplano nya. Ibang klase talaga sya.

______________________________________
Guys naalala ko nga pala. Di talaga nag exist yung lugar kung san nangyare yung pagkidnap kay Shantal in real world ha. Imbento ko lang yun. Happy reading ❤️ love you all 💕

DARK NIGHTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon