Chapter 16 (Her Story)

11 8 0
                                    

Dr. Madison Chua's POV

Habang inaasikaso ko ang aking pasyente ay biglang pumasok ang aking sekretarya. May binulong ito kaya tinapos ko agad ang session ng kasalukuyang pasyente ko. Matapos ay lumabas na ako at pinuntahan ang susunod na pasyente.

Isang batang babae na kung tatantyahin ang edad ay mukha itong 8-9 years old. Wala akong makitang kahit anong ekspresyon sa mga mata nito. May kasama itong matandang babae na nasabing dati raw katulong ng kanilang pamilya.

Nang papasukin ko na ito sa loob ay nanatili itong walang imik. Tahimik lang sya at hindi mo talaga mababasa kung ano yung nararamdaman nya.
Mahinahon ko syang kinausap para malaman ang pinagdadaanan nya pero wala.

Lumabas ako sandali para kausapin ang matandang kasama nya at dun ko na nalaman ang rason kung bakit ganon sya. Nakaramdam ako ng awa sa sitwasyon ng bata dahil sa napakamurang edad ay nasaksihan niya ang ganoong pangyayare. Bagama't nahuli na raw ang pumatay sa magulang nito ay nananatiling tikom ang bibig kung sino ba talaga ang nag utos na gawin iyon. Hanggang ngayon ay kalahati pa pamang ang hustisya na nakukuha ng pamilya nya.

Pabalik na ako sa loob ng makita ko syang tumatawa at parang may kinakausap.

"Alam mo Trish, gusto ko ng bumalik sa bahay namin. Masaya dun. Gusto mo bang tumira sa amin kasama ako?" ngumiti naman ito sa kawalan.

"Ahh ganon ba? Pero magkaibigan naman tayo hindi ba?" mas lalong lumawak ang ngiti ng bata.

"Pupuntahan nalang kita sa inyo. Mayaman kami, bibilhin natin lahat ng gusto natin kapag magkasama tayo!" hindi ko alam pero pakiramdam ko ay nasasaktan ako para sa kanya. Napaka bata pa nya para mapunta sa ganitong sitwasyon. Maaga palang ay pinadala na sya sa Mental na Institusyon para mapangalagaan sya. Palagi ko syang binibisita roon pagtapos ng aking mga pasyente. Di rin naman ito kalayuan sa aking clinic.

Naikukwento palagi sa akin ng mga nurse na in charged sa kanya na bawat araw ay nadadagdagan daw ang mga pangalan na binabanggit nito. Gustong gusto ko syang tulungan pero paano ko naman iyon gagawin kung katawan at isip nya na ang bumigay sa pagharap sa realidad. Nagpakulong na sya sa imahenasyon nya na kung saan kahit papaano ay maiibsan ang trauma na pinagdaanan nya. Tanging pagbisita na lamang ang magagawa ko sa kanya dahil habang tumatagal ay palala lang sya ng palala.

Pinapainom naman daw sya ng gamot ng mga nurse doon at kung minsan nga kapag nandon ako sa oras ng pagpapainom sa kanya ng gamot ay iniinom naman niya iyon. Kaya't hindi ko parin lubos maisip kung bakit hindi sya gumagaling gayong naiinom nya naman yung gamot na makakatulong sa kanya.

Ngayon ang huling araw nya sa lugar nya ito dahil napagdesisyunan ko na dalhin sya sa state at doon ipagamot. Hinihintay ko nalang syang magising para manlang kahit papaano ay masabi ko sa kanya ang gusto kong mangyare. Pakiramdam ko kase ay hindi sya ligtas sa hospital na ito. Pakiramdam ko ay may isang tao na tutol sa paggaling nito. Maaaring may kinalanan parin ito sa mga pumatay sa magulang nya. Minabuti ko nalang kausapin ang may hawak sa hospital na iyon na huwag sabihin kahit kanino kung saan ko dadalhin si Shantal para hindi na sya magawan ng mali ng mga taong gusto syang mabaliw.

Nalaman ko kase na hindi gamot ang pinapainom kay Shantal kundi isang capsule na naglalaman ng drugs. Nagsimula kase akong magduda dahil ilang taon na wala paring improvement sa kalagayan ng bata.

"Gising ka na pala ija. Kumusta ang pakiramdam mo?" Tanong ko sa kanya ng makitang gising na ito.

Marahan itong bumangon at isinandal ng maayos ang likod sa headboard ng kama.

"S-si D-drake po? Si T-trisha? Yung bestfriend ko po?" Nagsimula na itong magtanong.

"Ija,listen to me. Drake and Trisha didn't exist okay?" Pansin ko ang pag iba ng ekspresyon ng kanyang mukha. Alam kong sa ngayon ay hindi nya pa naiintindihan ang lahat.

"Trisha is just part of your imagination,as well as Drake." Nagsimula na syang magtaka sa mga sinasabi ko.

"A-ano po bang sinasabi nyo? Hindi po totoo ya. T-totoo po sila. Hindi po sila imahinasyon ko lang! "nagsimula na syang magsisigaw at magwala sa mga nalalaman nya. Hindi pa iyon nagpoproseso sa utak nya marahil iyon ang epekto ng drugs na pinapatake sa kanya araw araw.

Masakit sa akin na nakikita sya ng ganyan. Wala akong asawa at anak na mapag aalayan ng malasakit at pagmamahal na ganito dahil wala naman akong oras sa pag ibig. Tanging sya lamang ang nakapagpabago sa akin. Sya ang naging dahilan ko para lalo pang magsumikap. Ilang taon palang ako nung magkrus ang mga landas namin ng batang ito. At unang araw palang na nakita ko sya, pakiramdam ko ay dapat ko na syang tulungan.Napamahal na sa akin ang batang iyan kahit wala kaming ganong pinagsamahan o bonding. Kaya simula nung iwan sya ng kanilang dating katulong ay ipinadala ko sya sa Mental Institution para mapabuti ang kalagayan nya pero nagkamali ako. Sa halip ay lumala ang lahat. Kaya napagdesisyunan kong dalhin sya malayo sa mga masasamang tao na hanggang ngayon ay wala paring mukha.

Itinali nila ang mga kamay at paa ng dalaga habang patuloy lang ito sa pagwawala. Mabilis na kinuha ng isang nurse ang syringe na naglalaman ng pampatulog at agad na itinurok sa kanya. Ang kaninang nagwawalang dalaga ay unti unting nakaramdam ng panghihina at antok dahilan para mawalan ito ng malay.

Totoong walang Trisha at Drake na nag eexist. Tanging mga magulang nya lang ang totoo sa lahat ng kwento. Kahit ang mga nurse na in charged sa kanya ay nagkukwento tungkol sa mga imahenasyon nito. Una nyang binabanggit noon ang pangalan ni Trisha, best friend daw niya, may iba pang pangalan, Francis, Eran at kung ano ano pa na tanging si Shantal lamang ang nakakaalam. Pero kahit anong pag iimbestiga sa kanya at sa family background nya ay wala ni isang pangalan na kagaya ng mga binabanggit nya sa araw araw, gayundin sa mga pangyayari sa utak nya na wala namang katotohanan.

Makalipas ang isang linggo na pag aayos ng mga papel at mga bagay bagay ay dumating din ang araw ng kanyang paglaya. Paglaya sa mga taong sinasamantala ang kahinaan nya, paglaya sa mga bangungot at pait na pinagdaanan nya mula nung 9 na taong gulang sya hanggang ngayon. At paglaya sa pagkulong nya sa sarili nya sa emahinasyon na inakala nyang totoo.

Makakalaya ka na ngayon, hindi ka na si Shantal. Simula ngayon ikaw na si Luna Chua. Bagay na bagay sayo ang pangalang iyan, anak. Sa kabila ng dilim na pinagdaanan mo, mananatili kang nagliliwanag sa mga mata ng lahat ng tao na makakakita sayo. Makakabangon ka rin, hihintayin ko ang panahon na kaya mo ng kuhanin ang hustisya na nararapat para sayo, at para sa pamilya mo.

______________________________________
Hey guys!!!!! It's me again! Hintayin nyo sana ang pagbabalik ni Luna Chua. Sorry kung mawawala muna sya saglit. Sa ngayon tinapos ko muna ang Season 1 kase may sinusulat akong panibago. Huwag kalimutang pindutin ang "vote" sa ibaba. Salamat❤️

DARK NIGHTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon