Bumalik na ako sa room ni Mr. Mendoza matapos kong makausap si Trish. Natagpuan kong natutulog si Drake sa tabi ng kanyang ama. Kinuha ko yung jacket na ikinumot nya sakin kanina at ipinatong ito sa likod nya.
Umupo ako sa sofa at muling napaisip. Ano na kayang mangyayare sakin sa mga susunod pang mga araw?
Nagising ako ng may nurse na pumasok sa silid. Agad kong kinuha ang cellphone ko at tiningnan ang oras. 6:29 AM na ng umaga kaya umuwi na ako. Hindi na ako nakapagpaalam kay Drake dahil natutulog pa sya. For sure wala din naman syang pake kung magpaalam ako o hindi kase di naman kami ganon magkakilala.
Pagkadating ko sa bahay ay nagset ako ng alarm ng 8:00 AM. Medyo inaantok parin kase ako kaya naisipan kong umidlip muna para buhay na buhay ako mamaya sa school.
"Let's buy your favorite ice cream" Im just 9 years old that time.
"Yeheeeey. Thanks Dad. Let's buy some ice cream for Mommy, Daddy!" masayang suhestiyon ko at nagtatatalon pa.
Tandang tanda ko pa non gabi na kami na kauwi ni Dad at habang binabaybay namin ang daan pauwi samin ng biglang magshutdown ang lahat ng ilaw sa daan.
Kahit bata pa ako non ay may isip na ako at nakaramdam ako pa parang may kakaibang nangyayari.
"My Princess, stay here no matter what happened, huh." Tumango naman ako. Bumaba si Dad sa kotse at sinilip kung ano ang nangyayari sa paligid.
Nagulat ako ng biglang makarinig ng putok ng kung ano. Sumilip ako sa bintana at don ko nasaksihan kung paano patayin ng isang lalaki si Daddy. May hawak itong baril at walang habas na pinaputukan ito kahit alam nitong wala na itong buhay.
Halos nanlumo ako sa nakita. Kahit natatakot ay diretso kong tiningnan sa mata ang bumaril kay Dad. May marka itong pilat sa kanyang mata na lalong nagbigay ng katakot takot nitong itsura. Sa halip na lapitan nya ako ay nginisian nya ako ng nakakatakot na ngisi. Kinilabutan ako ng sobra. Mabuti nalang at umalis na din sila. Oo sila. Kase may kasama syang isa pang lalaki na driver ng motor na ginamit nilang pantakas.
Agad akong bumaba sa kotse at hindi inalala ang bilin ni Dad. Umiiyak akong niyakap sya habang pinipilit syang gumising at imulat ang mata.
"No!!! Dad please wake up!" Pagpupumilit ko at umaasang tatayo sya at uuwi kami. Nakaupo ako sa tabi nya habang hawak ang supot na may lamang ice cream na para sanang pasalubong kay Mommy.
"Tulong! Tulungan nyo po ang Daddy ko."buong lakas na sigaw ko. Unti unting may dumadating na tao para tulungan kami. Agad silang tumawag ng ambulansya at pulis para maimbestigahan agad ang krimeng nangyari.
After na mailibing ai Daddy ay nag impake na si Mommy ng mga damit at mahahalagang gamit namin. Halata sa mukha nya ang takot na parang anytime may masamang mangyayari.
"Pack your things honey."utos sa akin ni Mommy at agad ko naman iyobg ginawa.
"We're leaving honey. Sa Italy na tayo titira dun sa mga kamag anak natin don." Hindi ko pa noon masyadong naiintindihan kung ano ba talaga ang nangyayari sa pamilya namin at kailangan pa naming umalis ng Pilipinas ng biglaan.
"Mommy, bakit po tayo aalis?"malungkot na tanong ko.
Humarap sakin si Mommy at umiiyak sya ng yakapin ako.
"Anak, alam kong matalino ka kaya mauunawaan mo ang sasabihin ko. Yung pumaslang sa Daddy mo, kalaban nya yun sa business. At para mas mahigitan nya ang ang Daddy mo dahil sa sobrang inggit, pati buhay nating mga inosente ay gusto nyang kunin." Sa murang edad ay naunawaan ko ang dahilan ng lahat. May namuong galit sa puso ng dahil sa sinabi ni Mommy pero hindi ko inaasahan ang mga susunon pang nangyare.
Bumukas ang pinto ng kwarto namin at may isang lalaking pumasok. Sya! Sya yung lalaking pumatay kay Daddy!!!
Agad ako ji Mommy na pinapunta sa likod nya. "Anong kailangan mo samin ng anak ko?" Kahit takot na takot na din si Mommy ay pinrotektahan nya parin ako.
"Buhay mo. Buhay nyo ng anak mo." halos pareho na kaming umiiyak ni Mommy sa takot.
"Please wag mo ng idamay ang anak ko!"pagmamakaawa ni Mommy.
"Okay." Tipid nitong sagot bago nito tuluyang paputukan ng baril si Mommy.
At gaya ng ginawa nya nung pinatay nya si Daddy, hindi nya ako pinatay o sinaktan. Tinapunan nya ako ng nakakatakot na nagisi bago sya tuluyang nawala sa paningin ko.
Nangangatal ako sa takot ng makita ko si Mommy na nag aagaw buhay sa harap ko. "Mommy!!!! Don't leave me! " Pagmamakaawa ko kay Mommy. Kahit hirap na sya ay nagawa nya paring hawakan at punasan ang luka na dumadaloy sa mga mata ko.
"Shhhh! H-honey d-dont c-cry. Mahal na mahal ka namin ng Daddy mo..." Di ko na kaya lahat ng nakikita ko. Para akong mamamatay sa sobrang sakit ng mga pangyayari.
"Mommy, iniwan na ako ni Daddy. Kaya please lang po. Wag nyo po akong iwan."
"K-kuhanin mo yung envelop sa cabinet ng Daddy mo,honey. I-ibigay mo yun sa Tito Francis mo kapag kinuha ka nila." Umubo na si Mommy ng dugo at halatang pinipilit nalang nyang magsalita. "Anak lagi mo tong tatandaan na mahal na mahal kita." Yun na pala ang huling beses na makakausap ko ang Mommy ko.
"Noooooo!!!!!!!" Sigaw ko ng magising ako sa ng dahil sa aking panaginip. Simula kase ng namatay sina Mommy at Daddy sobra yung trauma na pinagdaanan ko. Madalas kong mapanaginipan yung nangyare sa kanila.
Pinunasan ko ang mga luhang patuloy na pumapatak sa mga mata ko. "Mommy, Daddy, sobrang miss na miss ko na po kayo." Sambit ko sa hangin at umaasang naririnig nila ang sinasabi ko.
Napadpad ang aking paningin sa aking cabinet. Bago ko kase ibigay kay Tito Francis yung envelop ay tiningnan ko muna kung ano ba ang laman nito.
______________________________________
Hindi ko na inintay na tumunog ang aking alarm dahil dalwang minuto nalang din naman ay tutunog na ito kaya pinatay ko na lang.
Naligo na ako at kumain bago naglakad patungo sa school. Gaya nga ng sinabi ko, walking distance lang naman ito kaya hindi ko ginagamit yung kotse ni Daddy na naiwan sa akin.
Nang mapatapat ako sa park kung saan muntik ng mamatay si Mr. Mendoza ay naalala ko sya. 'Gising na kaya sya?'
Ipinagpatuloy ko na ang aking paglalakad at pilit na inaalis sa isip ang mga ala ala na makapagpaalala sa aking trauma.
BINABASA MO ANG
DARK NIGHT
Short StoryTrust and betrayal are some of the reasons why we reach a point where we forget about ourselves, leading us to the peak of pain. But how long can you keep fighting? How long will you imprison yourself in things created by your mind because of the be...