Ipinaliwanag na sakin lahat ni Drake at mukhang seryoso talaga sa pinaplano nyang pagbasura sa babaeng basura naman pala talaga.
Nung una, ayaw ko kase babae yun e. Pero nung kinwento na sakin ni Drake yung mga nangyare back then, I guess, she really deserves it.
" Fine, but make sure na after nito wala ng ibang pagpapanggap na magaganap kase di ako magaling sa pag arte. Baka kase madaming babaeng patay na patay sayo dati ang biglang magdatingan. Nako mahirap na." Natawa naman sya sa sinabi ko.
"I promise!" Agad nyang sagot.
Pagkatapos naming mapag usapan ang lahat ay nagtungo kami sa kanilang kumpanya. Masasabi kong ngayon pa lamang ako nakakita ng ganito kaganda at kalaking design ng building. Halatang pinag isipang mabuti ang bawat detalye ng naturang gusali.
Manghang mangha talaga ako lalo na ng pumasok na kami sa loob. At grabe sobrang lamig dito sa loob na parang nasa ref kami. Huhu sana pala nagdala ako ng jacket. Napayapos naman ako sa sarili ko sa lamig.
Halos lahat ng makasalubong namin ay nagbibigay galang at binabati sya. Sa bagay, sya ang susunod na tagapagmana nito. So ano pa nga bang aasahan, diba?
"San tayo?"binasag ko ang katahimikan kahit obvious naman kung san kami pupunta.
"In my office." Diretsong sagot nya.
Pagpasok namin sa loob ng kanyang opisina ay napansin ko ang pagkagulat ni Drake kaya agad kong sinilip kung ano ang dahilan ng pagbabago ng ekspresyon nya.
Sa table nya ay may nakaupong babae. Masasabi kong maganda sya at maganda din ang hubog ng katawan nya. Makinis ang balat at sa aking tantya 5'3 ang height nya. (Pake ko? Mas maganda parin ako duuuh!)
Nang makita nya si Drake ay agad itong yumakap dito at humalik...sa pisngi. Nakahinga naman ako ng maluwag. At ang nakakainis nga lang bumakat yung red lipstick nya sa pisngi ni Drake na ikinainit ng ulo ko.
So sya nga! Sya na nga ang tinutukoy ni Drake na babae. Akala ko bukas o sa isang araw pa ako magpapanggap pero sa nakikita ko mukhang kailangan ko ng kumilos bago pa ako maunahan. (What?)
Kumuha ako ng panyo sa bulsa ko at agad na lumapit kay Drake para punasan ang naiwang lipstick sa mukha nito.
"What's your problem? "Inis na tanong nya. "Is that your P.A.?OH MY. I hate her." Masamang kumento pa nito na ikinatawa ko.
"Hindi ko inaasahang nakakapasok pala ang linta sa mga gantong klase ng lugar." Agad syang nag init sa sinabi ko kaya dinuro nya ako.
"How dare you!"galit na sigaw nya.
Hinawakan ko ang dulo ng daliri nya gamit ang panyo na ipininas ko sa mukha ni Drake at ibinaba ang kamay nyang nakaduro sakin. "How dare you for kissing my boyfriend bitch? In front of me,huh?" Halatang gulat si Drake sa inasta ko. Pero part lang to ng plano e. Bakit kailangan pa nyang mashock?
"What?Are you kidding me? I'm his girlfriend!!!" Giit pa nito.
"Yeah! In your dreams." Halatang sasabog na sya sa sobrang galit sakin.
Buti nalang at nagsalita na si Drake. Akala ko tameme nalang sya hanggang mamaya e."Umalis ka na Eren bago pa kita ipakaladkad sa security." Nagulat naman ako sa sinabi nya. Parang natural lang sa kanya na magpaalis ng ganon ganon nalang ah. Sa bagay kanila naman to e kaya may rights parin sya.
"But babe!"what the f*ck.
"Oh wait. Before you leave you have to witness this." Dagdag ko at hinalikan ko sa labi si Drake.
Akala ko ay wala akong mararamdaman na kahit ano pero p*ta sobrang bilis ng tibok ng puso ko. At halos di na ako makagalaw ng bigla nyang tugunin ang halik ko.
Shemsss! Ang puso ko!!!!!
Padabog na umalis si Eran pero nasa ganong sitwasyon parin kami. Di ko alam pero parang may kung anong insektong naglalaro sa tyan ko.
Nang bumalik ako sa ulirat ay agad ko syang naitulak.
Gulat parin ako sa ginawa ko. At halatang mas gulat sya sa nangyari.
"Ah. Ano cr lang ako. " Dali dali kong binuksan ang pinto na nasa kaliwa pero nakalock ito.
"Ah hindi dyan ang cr." Itinuro nya ang isang pinto sa kanan at agad naman akong pumasok sa loob.
Napabunot ako ng malalim na paghinga dahil sa aking ginawa. Aishhhh! Bakit ko ba kase ginawa yun!!!!
Hinga! Kalma! Parte lang to ng plano! Tama. Nagpapanggap lang kayo kaya wag kang masyadong apektado.
Naghilamos ako at tinuyo ng tissue ang mukha ko bago nag retouch.
Nang maayos ko na ang aking sarili ay lumabas na ako sa cr at umasta na parang wala akong ginawang mali. Yes! Wala naman talaga eh!
"Tapos na ang palabas. Pwede na ba akong umuwi?"pa inosenteng tanong ko. Tumango naman sya at nauna na akong lumabas ng pinto. Pansin ko ang tingin ng mga empleyado niya sa akin.
Bakas ang pagtataka nila siguro dahil nakita din nila ang pag alis ni Eran sa silid at ngayon naman ay ang paglabas naming dalwa. Siguro ay may hint na sila kung ano ang nangyari.
Binilisan ko pa ang aking paglalakad dahil di ko na kayang tiisin ang awkwardness dito.
Nakarating na kami sa parking area at sa wakas wala ng mga matang nakatingin sa amin.
"You okay?" Nagulat ako ng may magsalita sa likod ko. Oo nga pala kasama ko sya.
"Ahhh oo naman." Mabilis kong sagot.
"Hatid na kita. " Hindi na ako tumanggi dahil gusto ko ng makauwi agad para makaiwas sa kahihiyan.
"Nice act." Hindi ko alam kung pano magrereact kaya nagpanggap nalang akong walang narinig. Agad akong pumasok at umupo sa sasakyan. Pilit kong iniiwasang magkasalubong ang tingin naming dalwa kaya sa labas ng binta nalang ako nakatingin.
Tahimik lang ang buong byahe hanggang sa makarating na kami sa aking bahay.
Pagbaba ko ay akala ko ay tapos na pero hindi pa pala.
"Thankyou..."akala ko magpapasalamat sya kase tapos na sila ni Eran pero."You're my first kiss." Nagulat ako sa sinabi nya. Akala ba nya sya lang? Aishhh ano bang saaabihin ko?
"A-ako rin." Mabilis na sagot ko at dali daling pumasok sa loob. Nakalimutan ko na ding magpaalam.
Sheeeet! Puso umayos ka naman oh!
Drake's P.O.V.
Ilang linggo na din ng mapansin kong may kakaiba sakin. Ilang buwan na din kase ang lumipas simula ng magkakilala kami. Hindi ko din naman inaasahan na konektado talaga ang buhay naming dalwa.
Nung una akala ko humahanga lang ako sa tapang nya sa kabila ng mga pinagdaanan at pinagdadaanan parin nya.
Pero sa mga panahon na nakakasama ko sya, masasabi kong hindi lang paghanga yung nararamdaman ko sa kanya.
Kahit na mag isa nalang sya sa buhay ay nagawa nya paring mamuhay. Pero dahil nandito na ako, hindi ko na sya hahayaan pang maramdaman na mag isa sya.
She don't deserve to be alone. Even if she's brave and strong, she still needs somebody to lean on. At gagawin ko ang lahat makamit nya lang yubg saya na nararapat para sa taong tulad nya.
Weeks passed since 'that scene' happened.
Pansin ko ding iniiwasan ako ni Shant kase sa tuwing inaaya ko syang makipag kita sakin ay palagi nyang dinadahilan na busy sya.
Ilang linggo na rin ng huli ko syang makita kaya pinlano kong puntahan sya sa pinapasukan nyang school.
______________________________________Heyyyy guys! Still there? Malapit ko na tong lagyan ng ending guys. Hindi kase talaga ako mahilig magsulat ng mahahabang story e kase minsan nakakalimutan ko yung gagawin kong ending hihi. Hinay hinay lang sa pagbabasa. Ingatan parin natin ang ating mga mata. UD ako next day. Good morning! Let's spread love, always!!!
BINABASA MO ANG
DARK NIGHT
Kısa HikayeTrust and betrayal are some of the reasons why we reach a point where we forget about ourselves, leading us to the peak of pain. But how long can you keep fighting? How long will you imprison yourself in things created by your mind because of the be...