Drake's P.O.V.
Hindi ko alam kung bakit ganon na lamang ang text message na na receive ko galing kay Shantal. Pero masama ang pakiramdam ko sa mga nangyayari.
Sinubukan ko syang tawagan pero ring lang ng ring ang cellphone nya. Muli kong hinintay na tawagan nya ako pero lumipas na ang 10 minuto ng wala parin syang tawag o text. Si mom lang naman ang kasama nya kanina kaya imposibleng may mangyaring hindi maganda.
Dali dali akong magmaneho pabalik sana sa aming bahay. Habang nagmamaneho ay hindi ko maiwasang hindi mag-alala. Pagliko ko sa isang madilim na parte ng kalsada ay nakita ko ang sasakyan ni Mom na nakahinto at mukhang wala ng sakay.
Agad kong ihininto ang sasakyan at lumapit sa sasakyan ni Mom. Nakita ko sa likod non ang aming driver na may tama ng bala sa tyan. Mabuti na lamang at daplis lang daw ito. Inalalayan ko sya at dinala sa aming bahay.
Nang makarating kami ay nag aalalang sumalubong sa amin si Mom na halatang gulat sa nangyari. Tinawagan nya ang aming private Doctor upang gamutin si Mang Karding, ang aming driver.
Aalis na sana ako para hanapin si Shantal ng may iabot na maliit na papel si Mang Karding. Binuksan ko ang papel at binasa ang sulat.
Smith Building,Araya Street. Rooftop.
"Ibinigay yan n-nung lalaki k-kanina bago sila umalis."kahit medyo hirap ay sinabi nya parin iyon.
Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan ang aking mga tauhan. Sa tingin ko ay kalaban ni Dad ang may pakana nito. At sigurado din akong sila din ang pumatay sa magulang ni Shantal.
Simula kase ng nalaman ko ang pangalan ni Shantal ay agad kong inalam ang buong information about sa pagkatao nya para masigurong sya nga ang tagapagmana ng pribadong kumpanyang iniwan samin ng mga magulang nya.
Masyadong magulo at mahirap ang pagkakaroon ng marangyang buhay,ari arian at kumpanya. Dahil dito mo makikita at makakasagupa ang mga taong inggit at gusto kang pabagsakin. Kakaunti lamang ang business owner na may magandang ambisyon sa buhay at sa iba. Halos karamihan kase,ang tingin sa business ay awayan,lamangan at kumpitensya. At kaya kami ngayon nasa ganitong sitwasyon ay dahil may mga taong mas piniling maging masama kesa maging mabuti.
Habang nagmamaneho ako papunta sa location kung nasan si Shantal ay biglang nagring ang cellphone ko.
Unknown number.
["Tiyak kong ngayon alam mo na kung nasan kami."]
"Sino ka?!Nasan si Shantal?Wag na wag mo syang sasaktan!!!!!"puno ng galit kong sigaw habang kausap ang lalaki.
Tumawa naman ito na lalong ikinagalit ko. ["Kalma bata,wala pa akong balak na patayin sya...sa ngayon.Pero kapag nagbago ang isip ko, wala ka ng magagawa."]
"Hayop ka! Wag na wag..." Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng bigla nyang patayin ang tawag.
"Aaaaaaiiiiish!!!!!"
Nang makarating ako sa building na sinasabi nya ay agad akong bumaba ng sasakyan. Maingat akong nagtungo at inubserbahan ang paligid para na rin sa aking kaligtasan. Sigurado akong papunta na din dito ang mga tauhan ko.
Napansin kong inaasahan na nila ang pagdating ko kaya imbes na magtago sa poste ng parking lot ay nagpakita na ako. Dahil sa napansin ko ngang medyo madami ding mga nukhang aso ang nakabantay sa buong building ay hindi ko maiwasang mapaisip kung gaano ba kahalaga sa amo nila ang palabas na to para lang masigurong ligtas ang amo nila?
Dirediretso akong pumasok at nagtungo sa rooftop na sinabi nung ulol sa phone kanina. Mabuti nalang at kahit mukhang abandonado ang building ay maayos parin ang elevator nito. Mabilis akong nakapunta sa taas at nakita ang iba pang mga kalalakihan na nagbabantay sa pinto.
BINABASA MO ANG
DARK NIGHT
Short StoryTrust and betrayal are some of the reasons why we reach a point where we forget about ourselves, leading us to the peak of pain. But how long can you keep fighting? How long will you imprison yourself in things created by your mind because of the be...