Chapter 8(My girlfriend)

11 12 0
                                    

Drake's P.O.V

Kakatapos lang ng meeting ng may mareceive ang text message.

"I'm back!"

Halos mabitawan ko ang cellphone ko sa aking nabasa. No! This can't be!

She's Eran, my ex. But I can say na hindi ko naman sya gusto. Kung may runaway bride or groom. Meron ding runaway boyfriend at ako yun. Hindi ko sya gusto at sya lang yung baliw na nagpilit at ipinagkalat na kami daw.

Hanggang sa malamat ng lahat na kami daw kahit hindi. Nung una wala akong pakealam. Nakisakay ako sa trip nya pero habang tumatagal mas lalo syang nagiging baliw.

At kahit hindi naging kami ay nakipaghiwalay ako sa kanya. Ipinaalam ko din sa lahat na wala na kami. At ganon nalang pala syang naapektuhan sa ginawa ko kaya umalis sya ng bansa. Mula nung umalis sya naging maayos na ulit ang takbo ng buhay ko.

At mukhang ngayon gugulo na naman. Kaya kailangan kong gumawa ng paraan para hindi na nya ako muling guluhin.

Alam kong hindi sya papayag pero nagbakasakali parin ako.

Biglang nawala ang pangamba ko at lumapad ang ngiti ko ng pumayag sya sa plano ko kahit hindi nya pa alam ang dahilan. For sure,kapag ainabi ko mamaya ay mauunawaan nya ako.

Pagpatak ng 1:30 ay bumyahe na ako at pumunta sa school na pinapasukan nya. Inalam ko din kase dati kung san sya nag aaral e.

Pagkarating ko dun ay bumaba na ako  at sumandal sa kotse para hintayin syang lumabas.

Pansin ko ang bulungan at tinginan ng ibang mga babaeng estudyante sa akin pero sa halip na pansinin ay itinuon ko ang sarili sa paglalaro ng susi sa aking kamay.

"Ang gwapo nya!!!"kinig kong sambit ng babaeng may hawak na lollipop.

"Oh myyyyy! Agreee!"sabi naman nung isa.

"Ako ata iniintay nya, bye guys im getting married!"biro pa nung isa dahilan para tawanan sya ng iba.

I'm sorry girls,but I'm not interested.

Hindi ko gusto ang mga babaeng walang ibang gawin kundi mag inarte at magpabebe sa harap ng lalaki. Di ba sila nahihiya? Hindi ba sila mga Pilipino para umastang ganyan? Parang mga hindi dalagang Pilipina ang mga pag uugali!Aish pake ko ba sa kanila.

Shantal's P.O.V.

"Shant, gusto mo bang kumain sa labas? Treat ko."aya ni Miko na kaklase ko.

Agad namang tumayo si Trisha at sumabat sa usapan.

"Yes! Payag sya kung kasama ako!"napailing naman ako sa sinabi ni Trisha.

Wait! Si Drake. Magkikita daw kami. Siguro pupuntahan ko nalang sya sa kanila tutal gusto ko din namang malaman yung dahilan kung bakit gusto nya akong magpanggap.

"Sorry Miko. Next time nalang siguro. May lakad kase ako ngayon e." Kita ko ang pagbabago ng ekspresyon nya mula sa masaya hanggang sa maging malungkot ang aura nya.

"Kung ayaw nya ako nalang ilibre mo."kapal talaga ng mukha ng kaibigan ko.

"Wag nalang kung ikaw lang makakasama ko!" Halos matawa naman ako sa sinabi ni Miko kay Trisha. Si Trisha naman ay masama na ang tingin dito.

Tumalikod na sa amin si Miko at binitbit ko na ang bag ko at handa ng umuwi.

"Ang arte akala mo naman gwapo!" Iritang kumento pa nito.

Habang naglalakad kami palabas ay napansin naming nakaumpok ang ilang kababaihan sa labas. Ang iba naman ay alatang kilig na kilig sa nakikita.

Uwian na pero ayaw parin nilang umuwi? Mukhang may mga sayad tong mga to ah.

"Problema nila?" Nagtaas nalang ako ng balikat bilang tugon sa kanya.

Dirediretso kaming naglalakad  at nakita kung ano ang pinagkakaguluhan nila. Ay mali, sino hindi ano.

"D-drake?" Bulong ko. Teka anong ginagawa nya dito?

"Ang gwapoooooo!" Sigaw ni Trisha at nagtatakbong lumapit sa kanya.

Aishhhhh! Nakakahiya talaga sya!

Sumunod naman ako at lumapit kay Drake.

"Hi. Im Trisha and you are?" Tanong nya habang nagpapacute.

"Drake."tipid nitong sagod.

"Can you be my baby?" Halos masamid ako sa sinabi nya dahilan para mapatingin sakin si Drake.

"I'm sorry but I'm here for my girlfriend." Halos nanlamig ang aking palad aa sinabi nya. Start na agad? "Let's go babe."di ako makapag react agad sa sinabi nya.

"Shant, kelan ka pa nagkaboyfriend!!"gulat na tanong ni Trisha at halatang dismayado ito kase di ko manlang sinabi sa kanya. Pano ko ba sasabihing nagpapanggap lang kami?

"Just now." Sabi ni Drake at hinawakan ako sa kamay at pinapasok sa kotse.

"Sandali!"pigil ni Trisha kay Drake na papasok na sana sa loob."Sama ako!" Agad ayang pumasok at umupo sa likudan.

Dahil wala ng nagawa si Drake ay pumasok na ito sa kotse. Napatingin naman ako sa bintana at napansing nagpapapadyak sa inis ang mga babae  na kanina lamang ay kilig na kilig dito sa mokong na to.

Sorry girls pero for sure ayaw nito sa mga katulad nyo! Tse!

"Explain!"nakacross arm na si Trisha at halatang naghihintay ng paliwanag ko.

"Ah ano kase.."diko na naituloy ang sasabihin ko ng magsimula si Drake.

"I met her in the hospital. She's the one who help my Dad to survive. And then someone called her but apparently, I'm the one who answered the call because she's sleeping. And that someone yelled and accused me...."nagulat naman ako sa sinabi ni Drake. So it means nag usap na sila before!? OMG nakakahiya kay Drake. For sure my kagagahang sinabi tong si Trisha.

"Okay.Stop. "pigil ni Trisha. "Ang gusto konv malaman ay pano at kailan pa naging kayo?"

"A week after the incident." Napawow naman sya sa sinabi ni Drake. Kailangan bang ganon kabilis huhu. Ano ba naman kase tong si Drake. Hindi ko na sya maintindihan.

"Easy to get ka na pala ngayon babaita ka!"sigaw nya sakin sabay sabunot sa buhok ko. Huhu.

"Mahabang kwento wag ka na ngang magtanong na bruha ka!"saad ko at binitawan nya na ako.

"Ewan ko sa inyong dalwa!Kaya pala ayaw mong sumama kay Miko kanina ha!"ang dalas talaga ng bibig nya.

"Who's Miko?"napatingin naman ako kay Drake sa tanong nya. Magsasalita na sana ulit ako ng magsalita na naman si Trisha!!! Aisshhhh! Kainis talaga kelan ba ako makakapagsalita ng walang umeepal!!!

"Matagal na nyang manliligaw. Akala ko ba in a relationship kayo? Bakit hindi mo alam yun?"pang aasar pa nito.

"Ngayon lang kase ako naging interesado e. Pake mo ba?"halatang nagkakainitan na sa pagitan nila kaya nagsalita na talaga ako.

"Gutom na ako! Tigil tigilan nyo yang kasisigaw nyo kung ayaw nyong pareho ko kayong balatan ng buhay at gawing bulalo!!!" Napatingin sila pareho sakin. Oh my! Sana pala di nalang ako nagsalita.

Akala ko magrereklamo pa sila pero buti nalang at tumahimik na din sila.Mabuti na din yun.

Tumigil kami sa isang mamahaling  restaurant at bumaba na si Drake. Bumaba na dim si Trisha kaya sumunod na din ako.

Grabe parang hindi ko afford kumain sa ganitong klaseng restaurant.For sure sobrang ginto ng pagkain dito.

"D-drake,ano kase hindi na ako gutom."mukhang alam nya na ang isasagot.

"Treat ko."lumawak naman ang ngiti ni Trisha sa sinabi nya.

"Oy yamanin pala tong boyfriend mo eh! Pasado na agad!" Sambit pa nya at napailing nalang ako. Baliw talaga sya!

Matapos naming kumain ay walang habas na nagsuggest si Trisha na ihatid sya ni Drake sa kanila. Ang kapal talaga diba? Kung diko pang to kaibigan ay nasakal ko na to. Buti nalang ay pumayag si Drake para nadin daw tumahimik na ang paligid at mapag usapan namin ang dapat naming pag usapan.

______________________________________
Happy Reading guys! Lovelots💕

DARK NIGHTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon