Nagising ako ng makaramdam ng para bang may nakatingin sa akin. Marahan kong iminulat ang aking mata at bumungad sakin ang maaliwalas nyang mukha.
Binigyan nya ako ng isang ngiti bago sya tumayo sa pagkakadapa sa kama. "You okay? "He asked ang i just nodded.
"Sa susunod wag ka ng magpapakalasing kung hindi mo naman kaya." Nakaramdam ako ng guilt at hiya sa sinabi nya kaya pilit kong inalala ang mga nangyare kagabi.
No. This can't be!
Tang*na. Napamura ako ng malakas sa aking isipan ng maalala ang nangyare kagabi. NAKAKAHIYAAAA!!
Tumawa sya sa naging reaksyon at lumabas na ng kwarto.
Pero teka,nasan kami ngayon? Panigurado akong hindi ito ang bahay nila. At mas lalong hindi ito ang office nya.
Dali dali akong sumilip sa bintana ng mapagtantong nasa isa kaming hotel. Oh no!
Tiningnan ko ang suot ko and thanks God yun parin ang damit ko. Akala ko pagsasamantalahan nya ang kahinaan ko eh. Assumera lang siguro ako hihi.
Pumasok ako ng banyo at naghilamos ng mukha. Tinuyo ko din pagtapos at lumabas na ng banyo. Hindi ko alam kung lalabas din ba ako o mananatili nalang sa loob dahil nahihiya parin akong harapin sya.
Umupo ako sa kama at nagscroll nalang sa IG dahil wala naman akong ibang gagawin.
Nang hindi ko kayanin ang inip ay pinili ko nalang mag uli hanggang sa dalhin ako ng aking mga paa sa pool ng hotel. Inilibot ko ang aking mga mata at natagpuan sya sa di kalayuan na may kasamang babae.
Nakaramdam akong muli ng kirot sa aking dibdib ng makita kung paano sya hawak hawakan ng babae.Nangyare na din ko kagabi. Akala ko pa naman ay gusto nya rin ako pero mali ako. Wait! Did I just admit that i like him? Well its obvious kaya di ko na kailangan magdeny.
Minabuti ko nalang na bumalik ulit sa kwarto. Humiga ako sa malambot na kama at tumingala sa kisame para makapag isip isip. Kung nandito kaya ang mga magulang ko ay payagan kaya nila akong gawin tong mga bagay na ginagawa ko ngayon? Karamihan kase sa mga ala-ala ko sa kanila ay limot ko na at ang tanging natira nalang ay ang gabi na iniwan nila akong dalwa.
Mabuti nalang at may mabubuti talaga silang kaibigan. Sana okay na si Tito Erik. Hoping for his fast recovery.
Napatayo ako sa kama ng biglang bumukas ang pinto at pumasok si Drake. Di ko inaasahan na ganito pala talaga sya kababaero para hanggang dito ay dalhin nya ang babaeng kasama nya sa pool kanina.
Para na akong sasabog sa sakit at galit na nararamdaman ko kaya sa halip na manatili ay agaran akong lumabas at di na sila nilingon pa.
Sa katatakbo ko, hindi ko na namalayan na nasa tapat na ako ng parke malapit sa bahay na tinitirhan ko. Malayo layo rin pala ang natakbo ko kaya sobrang hingal na hingal ako. Napaupo nalang ako sa ugat ng malaking puno at dun ibinuhos lahat ng sama ng loob na nararamdaman ko. Napahagulhol nalang ako.
Alam kong wala akong karapatang masaktan pero tao parin ako. Hindi ko kayang pigilan ang damdamin ko. Kung masasaktan ba ako o hindi.
Wala tayong pwedeng kontrolin sa nararamdaman natin dahil sa huli tayo parin ang masasaktan.Ang daya lang kase bakit kapag nagmahal ka kailangang masaktan ka muna? Bakit ba naging parte ng pagmamahal ang sakit? Hindi ba pwedeng masaya nalang? Kase sobra na e.
Palagi nalang akong nasasaktan. Mula nung bata ako at iwan ng lahat ng importante sa buhay ko hanggang sa ngayon na malaki na ako. Bakit kailangan kong masaktan ng ganito? Panhinoon, bakit? Tanging sambit ko sa aking isipan.
Aalis na sana ako ng makaramdam ng pagpukpok ng matigas na bagay sa ulo ko dahilan para mawalan ako ng malay.
______________________________________
Nagising ako ng may malamig na tubig na bumasa sa buong katawan ko. Napahawak ako sa ulo ko na nagsimula na namang kumirot.Wala akong alam sa nangyayare pero hindi ako bulag. Nasa harap ko ngayon si Eran na hawak parin ang maliit na timba na may laman na namang tubig.
"Hello bitch!"nang iinsultong bati nya para gantihan ko sya ng ngiti.
"Ganyan ka ba kahina para gamitin ang mga aso mo para lang gantihan ako?"matapang na panunuya ko sa kanya.
"You really getting into my nerves bitch!"sigaw nito bago muling ibuhos ang tubig sa ulo ko. Masyado na akong nilalamig sa ginagawa nya at masakit parin ang ulo ko sa pagkakapukpok nya.
"Ano bang drama mo at kailangang may paganito ha!"inis na sigaw ko dahil pikang pika na ako sa ginagawa nya.
May inilabas syang envelope at may kinuhang larawan sa loob nito. Agad nitong ipinakita sakin ang larawan na hawak nya. Nagtaka naman ako ng ipakita nya ang larawan ng lalaking ipinakulong na namin ni Drake dahil sa pagiging suspek sa pagpatay sa magulang ko at tangka namang pagpatay sa ama ni Drake.
"Sya lang naman ang Daddy ko! Na ipinakulong nyo! Mapapatawad ko pa sana si Drake kung ako yung pinili nya eh! Pero dahil mas pinili ka nya,itutuloy ko nalang ang plano ko." Naglabas sya ng kutsilyo at nilaro iyon sa kamay nya.
Sa oras na ito, takot na ang nangingibabaw sakin.
"Pagkatapos ng nangyari sa office ni Drake, ipinaalam ko sa tauhan ko ang background mo. Family,circle of friends, lahat. Alam ko lahat. At magulang mo pala ang dahilan kung bakit naging ganon ang itsura ni Dad. At alam ko din kung san ka takot. Hayaan mo, mamaya ipapakita ko sayo ying TAKOT na tinutukoy ko."sandali syang tumigil at lumapit sa akin. " Wag kang matakot Shantal Alejo. Hindi ko sisirain ang mukha mo gamit ang kutsilyo na to. Kase mamaya utak mo ang sisirain ko!" Kahit takot ay pinanatili kong kalmado ang sarili ko.
Naglakad na sya paalis at sumunod naman ang mga tauhan nya. Habang ako ay nakakadena at ikinulong sa silid.
"Hoy baliw palabasin moko dito!!!"sigaw ko at umaasang gagawin nya ang sinasabi ko kahit sobrang imposible.
Kapag nakawala ako dito kakalbuhin talaga kitang babae ka!
Sana inalam mo na din kung ano yung mga kaya kong gawin kapag napuno ako!
Lumipas ang buobg maghapon peri di pa sila bumabalik. Gutom na gutom na ako at pakiramdam ko anytime magcocollapse nalang ako sa sobrang gutom.
Ang ulo ko😣Masakit talaga at sobrang ginaw na ginaw ako. Magkakasakit ata ako sa ginawa sakin ng hipokrita na yun.
Kagaya ng isang palabas o babasahin, sa ganitong oras may isang taong palaging dumadating ng hindi mo inaasahan. Mukhang dun na nga lang talaga yun at never mag eexist in real situation.
Bakit ba kase naimbento pa yung mga ganong panoorin o babasahin. Ang nangyayare umaasa lang ang mga tao na yung nababasa o napapanood nila ay mangyayari. Asa pa!
Sinubukan kong ipikit ang aking mata para makapagpahinga at sa wakas ay nakatulog na din ako.
BINABASA MO ANG
DARK NIGHT
Short StoryTrust and betrayal are some of the reasons why we reach a point where we forget about ourselves, leading us to the peak of pain. But how long can you keep fighting? How long will you imprison yourself in things created by your mind because of the be...