WDTYB 18-Going Back to the Corner 4.0
AN: Hello! So eto, may update yung WDTYB kasi binasa ko un wdtyb kagabi tapos nawindang ako kung bakit ganon yung simula ng story na 'to. Masyadong pa-deep. HAHA. So here it is! Sana magtuloy-tuloy na 'tong update ko kasi may matinong outline to, tsaka un BDBP.
SANA TULOY TULOY NA AAAAH!!! :)
Okay lezz do this!
—
Pagkatapos ng Christmas Party ng buong year level, kanya kanyang party na kung saan saan ang buong SNA. May ilang nagswimming, may ilang nagpahouse party. Sa kaso ni Alexa at Jeric, wala silang inattendan na kahit ano.
Alexa felt so tired after ng performance niya. Wala man lang reaksyon ung taong pinag-alayan niya ng kanta niya. Napagod na nga sia, wala pa siyang napala.
Jeric felt empty after Alexa's performance. Ano nga bang dapat niyang isipin? Na yung tinuring niyang bestfriend eh tuluyan ng mawawala sa kanya? Kasalanan ko to eh. Dapat di ko na lang siya pinagsalitaan ng ganon.
"You're acting as if you're my girlfriend when everyone knows that YOU ARE NOT. Para ka ding ung ibang mga taong papansin eh!"
"You're acting as if you're my girlfriend when everyone knows that YOU ARE NOT. Para ka ding ung ibang mga taong papansin eh!"
Masakit kasi yon Jeric! May gusto yung tao sa'yo eh. Tapos masasabihan mo ng ganon?! Hindi niya alam kung paano aayusin to. Nasanay na siya na hindi humihingi ng sorry sa kahit kanino. Siya si Jeric Nelvin. Astig siya eh. Pero kasi... si Alexa yon.
-
Hinayaan niyang matapos ang school year ng ganon lang sila. Hindi na rin nagtagpo pa ang mga landas nila dahil tapos naman na lahat ng activities nila. Isa na lang ang natitira, graduation.
Elementary Graduation. Hindi pa to masyadong big deal sa mga grade six students di ba? Hindi pa kasi ito yung turning point ng buhay ng mga estudyante. Wala pa sa kanila to. But not for Alexa. Lilipat kasi siya ng school. And to sum it up, susundan niya si Jeric. Jeric will be transferring to SACS. Di kasi siya nakapasa sa High School Entrance examination ng SNA. Alexa passed SNA and SACS, at may rule sa SNA na kahit magtransfer ka ng school after elementary, former students are still allowed to come back.
Pagkatapos ng graduation nila, na si Alexa ang valedictorian, napabalita nga ang paglipat niya ng school. Maraming nagtaka kung bakit siya lilipat eh loyalty awardee na nga sia sa SNA kung tutuusin.
—
FAST FORWARD, 2ND YEAR.
Buong 1st year ni Alexa, tahimik lang siya. Sabi nga nia, Hindi naman ako to ah. Anong nangyari sa akin? Totoo nga naman kasi un sobrang active na Alexa sa SNA dati, sobrang boring,ika nga nila, ngayon. Pero kahit na sobrang boring niya ngayon, hindi nia pinapabayaan ung grades niya. She was the top one for their final period noong first year siya. 2nd year change her, masyado na siyang napapansin dahil sa pagiging loner niya. Mas lalo pa siyang napag-usapan noong may kumalat na balita na sinundan nga niya si Jeric sa school na yon. Maraming sikat na girls ang nagpaparinig sa kanya na sa kanila lang dapat si Jeric at ang barkada nito. She ignored them and continued with her life. Wala naman silang madudulot na maganda sa akin. She told herself.
Isang araw, nakita na lang nia ang sarili niya na nasa harap ng kanyang laptop, nagtatype ng isang entry sa blog nia.
TUMBLR ENTRY
November 18, 20xx.
Eto pala ang sinasabi nilang highschool life. Bakit sabi nila, mag-eenjoy lang ako dito, Bakit parang di naman? I was hoping that if I transferred here, mag-uusap kami. Magkakaroon ng closure. Closure? What the hell. Paano magkakaroon ng closure kung wala namang naopen? (FVCK. Kasalanan mo naman kasi yung naopen na bagay na yon.) and what about friends? Do I have friends here? Wala! Wala akong kaibigan dito, ung mga kaibigan ko? Ayon. Nasa SNA. Tinalikuran ko dahil lang kay Jeric. Sobrang pathetic ko. Nakakapagod na mapag-usapan. Tama naman kasi sila, bakit mo ba hahabulin un isang tao na wala naman pakialam sa'yo di ba?
"Hindi naman kasi masamang sumuko. Kung pagod at masakit na talaga, move on."
May nagsabi sa akin niyan. Siguro nga kailangan na din no? hindi yung araw-araw ko siyang iniisip at hinahabol. Yes I was here to study. Pero hindi ko na ata kaya na lagi na lang ganito. I miss everyone. I miss my bestfriend. I even miss my old self.
Ayoko na. I want to have my normal life back. I need to, cause everything here's so fucked up. I'm becoming a mess. I'm becoming someone I am not. I hate it. I hate myself. As soon as this school year ends, I'm leaving.
-AK-

BINABASA MO ANG
When Destiny Takes You Back (On Hold)
Teen FictionFour Hearts. Two Pairs of Different Love. One heart that Loves the other. Another heart that betrayed the other. A Heart that finds the way to be happy. One who decided to be with the other through thick and thin Two Hearts that beat as one. Two hea...