WDTYB11-The Welcome Walk 3.0

89 1 1
                                    

A/N: THIS CONCERT SCENE IS BASE ON EXPERIENCE AND FICTION HA? May parts na nangyare talaga kasi naexperience ko na, meron ding siningit ko kasi kailangan sa storya okaaay?

-----------------------------------------------------------------------

Jeric’s POV

  Wala akong ibang kasama ngayon bukod sa mga kablock ko. Nandito na kami sa Plaza Mayor para sa Concert. Hindi ko man lang nakasama ang barkada ko! Nasa kanya kanyang block din kasi sila eh

“Everybody please settle down ‘coz we’re about to start the program”

Lalong nagkagulo non! -___-“

Nagsimula na nga ang concert. Madaming pakulo ngayon. May raffles tas may mga banda pa daw. nandito din ang Yellow Jackets + Salinggawi Dance Troupe.

“LETS WELCOME THE YELLOW JACKETS TOGETHER WITH OUR VERY OWN SALINGGAWI DANCE TROUPE!”

Nagpalakpakan at tumili ang mga tao. Live performance to eh! After na hindi palarin sa Cheerdance, bawing bawi naman sila dito. Full support kaya ang mga Thomasians. Nandito kami ng blockmates ko sa pinakaharap na halos kaya medyo di namin kita ang SDT at YJ. Nandoon kasi sila sa may bandang gitna. Hinawi ang tao at dun nagperform.

“Thank You YJ and SDT! Now. We will have a twist for this Thomasian Welcome Concert. Para hindi lang ang mga participants sa Concert na to ang kakanta, we will  pick random people to sing or dance with us! “ At dahil jan sa announcement na yan. Nagpanic ang mga tao pero marami ring natuwa. May nagsabi pa nga na vino-volunteer nila ang mga kablock nila.

“Again, this would be a RANDOM PICK ha? So everybody get ready. We will be having this once in a while. But before that, lets pick first our raffle entry winners! This first batch of winners will win 300Php worth of cellphone load!”

Nagtilian un mga tao. Hindi naman sila natatawag. Nakakairita lang.

“Ok, last 5 raffle winners for this time, mamaya ulit yung iba,”

Bumunot ung dalawang host dun sa box na dala dala nila

“Okay. From the Faculty of Engineering. Sophia Vergara!”

Nagtilian yung isang grupo sa likod ko. Siguro nandun ung Sophia ba yon.

oh! There she is!”

Siya nga. Ung babaeng umakyat sa stage kabarkda siguro nun mga tumili sa likod ko! Ang boring na. Kahit kakasimula pa lang. Gusto ko  na tuloy umuwi. Wala naman akong makausap. Wala si Jiro. Wala si AJ! MGA BARKADA KO BA SILA?!

“Uy, Jim. Una na ko ah”

“Uy Pre, maaga pa ah. Kakasimula nga lang eh. Alis ka na agad?”

“Oo. Antok na ko eh, sige.”

“Sige bahala ka. Ingat na lang.”

“Ge.”

Ayos. Makakauwi na ko! Nagsimula na akong mag-excuse para lumabas nang..

“The last winner for the raffle for this time is from the AMV College of Accountancy!”

Narinig ko pa rin ung mgablockmates ko na sumigaw. Naexcite ata. Swere naman nung mananalo samin. Load din yon!

“Our last winner is….. JERIC NELVIN BERNABE!”

Nagtilian na naman un mga tao! Ano ba! Nakakarindi na sila. Nakakabadtrip na! teka. Sino daw ulit ung nanalo?

“Uy JERIIIIC! JERRIIIIICCC! HOOOOOY! Nanalo ka! Hoy!”

When Destiny Takes You Back (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon