WDTYB4- His Opinion

68 1 0
                                    

Jeric’s POV.

2 years ago, nung nalaman ni Alexa ung tungkol sa punyetang pustahan na un. 2 years ago ng inakala niyang niloko ko sia. 2 years ago nang maghiwalay kami ng babaeng sineryoso kong mahalin. <///3

After ng 100th day disaster sa mall, hindi na siya nagparamdam sa akin. Tinatry ko pa din siang tawagan, itext, ie-mail, i-chat, WALA. AS IN. Hindi siya nagpapakita sa school kasi magkaklase kami. Absent na siya the following day. Ang  akala ko naman may laban lang siya sa quiz bee sa kabilang school kasi alam kong hindi siya papaapekto sa nangyari samin, sobrang PROFESSIONAL niya. Pero nagtuloy un pag-absent niya hanggang Recognition day kaya hindi nia nakuha yung award nia, Top 1. Shit! Talino talaga!

Natapos ang school year ng hindi kami nagka-ayos. Nalaman ko na lang umalis na pala siya. At sa pagkakataong yon, ALAM KO NANG HINDI NA SIYA BABALIK.

“Uy Pre!”

“Oh, ano ba?! Nanggugulat ka naman eh!” si Alvin John Cardenal pala.

“Sira-ulo! Kanina pa ko daldal ng daldal dito!”

“di nga?!” Kanina pa pala andito si AJ? Hindi ko talaga alam -______-“

“Tarantado. Tulala ka jan? iniisip mo na naman si Kriz.”

“Hindi no!”

“Hindi daw, sus. Simula nung naghiwalay kayo ganyan ka na! move on nga! 2 taon na yon!”

“Bakit ba kasi ako pumayag jan sa pustahan niyo eh.”

“Sabi na nga ba eh, Sorry na nga kasi! Akala kasi talaga namin pinagtitripan mo lang! kaya ayon. Malay ba naming ganon ka pala manligaw. Tas di mo naman tinanggihan un pustahan. Pero pre, bakit di mo siya hanapin?”

“Paanong hahanapin eh wala ngang clue kung nasaan siya!”

“May ginawa ka na ba para mahanap siya? Tsaka sino ba nagsabi sa’yong umalis na siya?”

“Sila Erica.”

“Si Erica, alam mo naming may gusto un sa’yo.”

“Friends sila ni Alexa.”

“SOOOOOO?”

“Alam niyang nagpunta ng ibang bansa si Alexa.”

“Huuuh? Aahh. OK OK.”

“ Bakit?”

“Wala! Teka, oy! Siraulo. Magsisimula na graduation! Ang senti mo kasi. Kainis. TARAAAA NAAA!”

“OO na.”

Okaaaay. Anong meron kay Erica? Bahala na nga si AJ dun.

Teka. Graduation ko nga pala ngayon.

Ano naman? Wala. Valedictorian ako. OO! TAMA YANG NABASA NIYO! Valedictorian ako! Kahit naman medyo gago at tarantado ako eh seryoso pa din naman ako. Nung naghiwalay kami, parang binuhos ko yung lahat ng oras ko para mag-aral kasi di ba dapat si Alexa ang vale? Para sa kanya to. Sana nandito siya, para managing proud din siya sakin! SANA. SANA. :(

“For the Valedictory Speech, lets hear it from the Batch Valedictorian, Jeric Nelvin Bernabe!”

 “Good Evening Po sa lahat! Ayokong maging masyadong formal kasi baka maiyak tayong lahat eh. HAHA!

Ayan! Mga pre! Graduate na tayo! Malaya na tayo! Pero, dapat mag-aaral pa din ah. Ipagpatuloy natin to! Mga pangarap na malapit ng matupad!

Siguro naman, alam niyo na hindi naman talaga ako un dapat nandito di ba? Kundi si Alexa, un girlfriend ko dati na ayaw niyong lahat? Well, ayon. Wala na kami. 2 years na. Pero para sa kanya tong Valedictory Speech at medals ko. J maiintindihan naman na nila mama un! Ma! Huwag kayong mananakot ni papa mamaya ah. Wala si tita sa bahay! HAHA!” pinilit kong magpatawa para na lang huwag akong maiyak. Malay mo nanunuod nga si Alexa di ba?

“Nung naghiwalay kami, hindi ko alam un gagawin ko kasi sobrang good influence siya sakin. Mas lalo akong sinipag mag-aral kasi napakasipag nia, maiintimidate ka nga sa kanya kasi minsan pag kinakausap mo bigla na lang mga terms sa biology un sasabihin niya. Weird pero dun ako masaya. May pagkakamali akong nagagawa sa kanya pero lahat ng yon naintindihan nia. Siguro, un huli niang nalaman, hindi nia na kinaya. Kaya ayon, wala na. Sobrang nagsisisi ako dun sa nagawa ko sa kanya. Sobra kasing mali.

GUYS! Learn from my mistakes! Kung alam mo na kung saan ka masaya, huwag mo ng pakawalan pa di ba? AT! HINDI KA MAGDADALAWANG ISIP SA NAGING DESISYON MO KUNG NAGING MASAYA KA SA PINILI MO. Kagaya ngayon, masaya akong naging valedictorian nio kasi pinili kong mag-aral para kay Alexa. Para maging proud sia sakin. Para maging proud din naman sila Mama sakin. At higit sa lahat, para maging proud ako sa sarili ko.

GUYS. DON’T LET THE FEAR OF STRIKING OUT KEEP YOU FROM PLAYING THE GAME. Laban lang ng laban! Walang susuko ah!

Mr. Principal, Guests, Friends, Fellow Graduates, pasensya na po sa speech ko! Pero ayon. Congratulations po sa ating lahat at Good Evening po!"

When Destiny Takes You Back (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon