WDTYB5-Start of Something New

93 3 0
                                    

Alexa’s POV.

Since elementary, gusto ko nang maging Engineer. Para ang yaman kasi nila di ba? Sa family namin, karamihan sa mga Tito at Tita ko plus mga pinsan, Engineer. Pamilya ko lang ata ang naiba, Pharmacist ngayon si Ate tapos si Mama at Papa nasa Manufacturing Company ng mga Tito ko.

Ilang months bago ang graduation, we took entrance exams in different colleges. UP, UST,UA&P, Ateneo, and La Salle. Yung mga iba kong kaklase, nag-exam din sa ilang colleges na malapit samin. Marami rin kasing hindi naman masyadong kaya sa mga universities sa Manila.

I took IT and Chemical Engineering sa mga Univs. Though minsan business course sa iba. And if I may, kung matanggap man ako sa dream school ko, I would be a scholar kasi di ba, Valedictorian ako. Sana! Pagdasal niyo ko guys!

Jeric’s POV.

Gusto kong mag-Accountancy! Sana naman pumasa ko dito sa dream school ko! Nakakaproud kaya pag dito ka mag-aaral! Dito lang ako nag-exam. Mukha tuloy All or Nothing! Eh wala eh. Ayoko sa iba tsaka di ba mas challenging pag alam mong dito ka lang mag-eexam, knowing na vale ka? Talagang gagawin ko ang lahat para dito.  

OCTOBER 31, 2011- ENTRANCE EXAM DAY.

FLASHBACKS.

Alexa’s POV

Maaga akong dumating university kasi umaga un schedule ko para sa exam. Kinakabahan ako! Sino bang hindi kakabahan nun! Wala pa akong kasama kasi may mga pasok sila mama! Wala din akong kasabay na classmate or schoolmate kasi daw sa panghapon na batch pa daw sila mag-eexam! If I know magtatanong lang sila sa akin!

“kuya, san po ba ‘tong building na ‘to?”

“nako, ang layo nito. Ganito, direchuhin mo ‘tong daan na ‘to tapos pagdating mo dun sa may Health Service liko ka pakaliwa. Pag nakita mo ung Mcdo, tawid ka dun tas makikita mo na yang building nay an.”

“ke layo nga kuya. Salamat!”

“goodluck sa exam mo!”

“salamat po!”

Naglakad na ko. Baka malayo nga eh. Tsaka baka malate pa ko. Pagadating ko dun sa may kanto ng Mcdo na sinabi ni Kuya Guard kanina, may tumatawag sa phone ko kaya’t hinalungkat ko pa ng hinalungkat un bag ko nang—

“Aww. Sorry!—Hello Ma!” ni hindi ko na din natingnan kung sino ung nabangga ko, si Mama kasi eh, biglang tumawag. Hindi ko daw kasi siya tinext kung nakarating na ba ko. Si Mama talaga oh!

Narating ko din un building ko! Grabe. Medyo malayo nga. Pagdating ko sa room ko, konti pa lang yung tao. Relax na lang ako. Tsaka nagdasal din no! nagreview naman ako pero, hala, ewan! Bahala na! good luck sakin! Mag-exam na ko!

----

After 5 hours

----

POOOOOF! Tapos na ko mag-exam! Halaaaaaa! bakitganon? Mahirap na madali na ewan! Feeling ko naman pasado ako eh! Kapal fezz! Haha! Whatever the results may be, I’ll accept it.

Jeric’s POV

Good Morning!!! Anong oras na ba? Shiiiiiiiiiiiit! 6:15 na???? 7:30 dapat nandoon na ako sa univ! tae. Lagot ako nito. Teka lang ok??

---

Ligo. Bihis. Kain.

---

7:00 AM.

Papunta na ko sa Univ. san nga ba un? Hala ewan! Tanong na nga lang sa guard!

“Kuya, san po ba ‘tong building na ‘to?” sabay pakita nung form ko.

“Ay. Sa dulo pa to ah. Baka malate ka na. diretchuhin mo yan. Pag nakita mo un Mcdo, liko ka pakanan. Tas pag nakita mo un health service, diretchuhin mo na. ung last building dun!”

“Sige kuya, salamat!”

Tinakbo ko un mahabang pathway hanggang malapit sa Mcdo nang –

“Ay sorry!”  “Sorry d—“  “–Hello Ma!” hindi na niya ako narinig. Tinawagan siguro ng Mama niya. Mag-eexam din siguro.

Nakarating ako dun sa building sa dulo ng univ.  Saktong-sakto lang ako. Pagdating ko kadarating lang din ng instructor. Ok. Dasal. GAME na! exam na!

----

AFTER 5 HOURS

----

Nakakapagod. Nakakastress! Ang hirap naman ng exam! Malay ko ba kung sino si William Seely di ba? Tsaka ano ba kinalaman nia sa Accountancy?! Tama. Accountancy nga course ko dito tsaka Legal Management un isa.

Wala naman kasi akong pressure. Wala naman na akong parents. Si tita na lang ang guardian ko pero okay naman.

-----

A/N: COMMENT KAYO!

When Destiny Takes You Back (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon