Author's Update

103 6 0
                                    

Marami na ang nangyari. After 2 years ay unti-unti na tayong nakakabangon mula sa pandemya (bagaman di pa ito tuluyang nasusupil). Marahil ay nagtataka kayo kung bakit hindi na ako nakakapagsulat at nakakapag-update ng ating minahal na kwento nila Leb, Caloy at Epy. Marahil ay nawalan na kayo ng ganang maghintay. Nawa'y mapatawad po ninyo ako, mga mahal kong mga readers... bilang ako ay isa rin pong nars gaya nila Leb, naging busy po ako sa aking karera. Ngayon po'y nasa United Kingdom na po ang inyong lingkod at isa nang ganap na UKRN (United Kingdom Registered Nurse)!

Hindi po naging madali ang pinagdaanan ko kaya ako po sana'y inyong pagpasensyahan. Na-retrieve kong muli ang account kong ito at malugod ko pong inanaanunsyo na maipagpapatuloy ko nang muli ang kwentong ating kinagiliwan. Natutuwa po ako na madami na ang nakabasa ng Book 1 ng ating kwento. Nawa'y sa pagpapatoy ng Book 2 ay mas marami pang audience ang ating maabot.

Nilalayon ko pong mag-update weekly nang hanggang lampas isanlibong salita. Muli, salamat sa inyong patuloy na suporta!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 21, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Hospital Love Affair - Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon