Chapter 1

1.4K 32 0
                                    

Patuloy ang pag-ikot ng mundo. Naisin mo mang ibalik ang nakaraan para maitama ang mga nagawa mong mali, hindi mo na ito magagawa. Gayunpaman, kailangan mo lamang magpatuloy, sumabay sa agos.

*POSTED!

Heto ako ngayon. Nakaupo sa jeep katabi ang long-lost Epy ko. After kasi naming magsimba ay nagyaya syang pumunta sa malapit na SM.

Nakakapanibago ang Epy na kasama ko ngayon. Matapos kasi nyang makarecover mula sa coma state ay ibang Epy na ang nagbalik.

Gwapo pa rin sya. Makisig pa rin kahit na nabawasan nang konting laman ang mukha at katawan nya dahil sa matagal nyang pagka-coma. After kasing magising ni Epy sa tatlong buwang pagkakatulog ay agad siyang dinala sa hospital sa Manila para ma-rehab at para na rin mabilis syang makarecover. Tatlong buwan sya sa Manila, wala kaming communication. At ito na nga sya, ang bagong Epy. Si Epy na dati-rati'y nanliligaw sa akin, na super sweet sa akin, ay iba na ngayon. Nagbalik sya, pero iba na ang pakikitungo nya sa akin, bilang kaibigan na lang.

Hindi naman daw sya nagka-amnesia. Siguro ay part lang ito ng side effect ng nangyari sa kanila. Coping mechanism kung tawagin sa medikal na term. Intensyonal man o hindi na kalimutan nya ang dati naming pinagsamahan, ayos na sa akin ang ganitong set-up. Magkaibigan na lang kami. Magsisimula muli kami sa umpisa. Masaya na rin naman ako na nagbalik sya kahit wala na si Caloy.

"Caleb! Samahan mo ako bukas. Bakasyon na namin bukas sa school. Kukuha lang ako ng grades ko," ani Epy habang kumakain ng fries at burger.

"Sure! Day off ko bukas. Tamang tama. Pwede tayo manood ng sine. Showing na ang sequel ng favorite nating movie." ako.

"Ayos!" Si Epy habang nakikipag-apir sa akin. "Libre ko na ang sine natin pag nakakuha ako ng 1.50 sa major subject ko."

"Yabang ah! Sige ba! Excited na ako sa movie date natin."

"Movie date?" si Epy.

"I mean, movie date natin magbestfriends. Libre mo e. I'm sure matataas na naman ang grades mo. May inspirasyon ka na yata. Share mo naman yan." ako.

"Wala! Motivated lang ako makatapos ng pag-aaral para makapagwork na ako. Matalino kaya ang BF mo." si Epy.

"BF?" ako.

"Oo. BF as in bestfriend."

"Ayoko nun. Medyo awkward. Kasi BF may also stand for boyfriend. Baka kung ano pa isipin ng iba dyan." pagpapaliwanag ko.

"Hayaan mo sila isipin kung ano gusto nilang isipin. Basta tayo, bestfriends forever! Di ba, BF Caleb?! Hahaha!" si Epy.

"Uhmm. Ok. BF Epy." Matapos naming kumain ay umuwi na rin kami. Commute lang kami dahil hindi pa rin kaya magdrive ni Epy. Inihatid ko muna si Epy sa kanila para ma-make sure na makauwi sya ng safe.

Haaayy. Nakauwi na rin ako nang matiwasay.

*1 message received.

Epy Manalastas: Thanks for this day BF! Nag-enjoy akong kasama ka. See you tomorrow!

Ako: Thanks din! Nag-enjoy din ako. See you!

Makapagpahinga na nga muna. Nakakapagod din ang araw na ito. Iniisip ko pa rin kung ano nga ba ang nangyari kay Caloy. Wala kasi akong nakitang katawan nya sa ICU nang sabihing wala na sya. Nawalan din ako ng communication sa mama nya dahil after mawala ni Caloy sa ICU ay wala na din ang pamilya nya sa dati nilang tinitirahan. Kung namayapa nga si Caloy ay wala man lang akong nabalitaang wake para sa kanya. Palaisipan pa rin sa akin ang kanyang biglang pagkawala.

Naalala ko na naman ang pagdalaw sa akin ni Caloy habang nagdadalamhati ako sa labas ng ICU. May iniabot pa syang panyo na pamahid sa aking mga luha. Kaluluwa nya kaya iyon? Ano kaya ang pahiwatig ng pagdalaw nyang iyon?

A Hospital Love Affair - Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon