Chapter 6

408 10 0
                                    

"Huwag ka nang umiyak, Leb. Nandito naman ako. Lagi akong nasa tabi mo. Remember, BF mo ako. Ako ang best friend mo na lagi kang pasasayahin sa mga ganitong oras na nami-miss mo si Caloy." Bulong ni Epy sa aking tainga habang yakap nya akong mahigpit mula sa aking likod.

**EPY'S POV**

Bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit parang nagseselos ako sa aking narinig na gusto nyang bumalik sa kanya si Caloy? Totoo nga kayang si Caloy ang nakita ni BF Leb? Si Caloy na napakatagal nang wala sa buhay namin, na ni wala man lang kaming balita sa kanya. Bakit kailangan nya akong iwan sa ere para mahabol ang lalaking yon?

Habang yakap-yakap ko si Leb ay di ko maiwasan na higpitan pa ang pagkakayakap ko sa kanya na parang ayaw ko syang makawala sa aking mga bisig, na parang ayoko syang maagaw ng iba. Bakit ganito ang nararamdaman ko? Kaibigan ko lang na matalik si Leb pero bakit parang pag-ibig na itong nararamdaman ko?

Ughhh. Selos lang to! Straight ako at hinding hindi ako magkakagusto sa bestfriend ko.

"Alam kong lagi ka lang naka-suporta sa akin pero kelangan ko lang talaga makausap si Caloy. Kailangan ko syang mahabol. Puwede mo na ba akong bitiwan? Medyo awkward na itong ginagawa mo sa'kin" si Leb, "at medyo uncomfortable na ako kasi may nararamdaman na akong matigas sa may puwetan ko," dagdag pa nya na pabulong. Agad naman akong kumalas sa pagkakayakap ko sa kanya dahil nga sa sinabi nya.

Ano ba itong nararamdaman ko? Selos? Libog? Ughhhhh. Umayos ka nga Epy! Bestfriend mo si Leb at hanggang friendship lang ang tingin nya sa'yo.

Nawala na naman si Leb sa paningin ko. Marahil ay hinahanap nya pa rin ang lalaking sinasabi nyang si Caloy. Nakita ko na lamang syang nagtatanong-tanong sa mga tindera kung nakita nila ang larawang pinapakita nya na nasa kanyang wallet.

Alam kong magkaibigan din sila ni Caloy pero bakit sya may picture sa wallet nya at ako, wala? Huh. Nagseselos na naman ako... Nakita kong tumuturo si aling tindera sa direksyong palayo sa amin. Marahil ay nakita nya nga ang lalaking hinahabol ni Leb ko.

"Leb! Hintayin mo ako!" Pagsigaw ko sa kanya na nilingon naman nya.

"Bilisan mo. Baka maabutan pa natin sya!" Si Leb.

Kahit labag sa kalooban kong tulungan syang hanapin ang lalaki ay sinamahan ko na lamang sya dahil papunta sya sa delikadong parte ng palengke. Marami na kasing adik at squatter sa lugar na tinuro ng aling tindera.

Muli kaming nagtanong tanong sa paligid pero hindi naman daw nila nakitang dumaan dun ang lalaki.

"Tara na, Leb. Siguro ay namalik-mata ka lang sa nakita mo. Di ba matagal nang walang balita kay Caloy? Sa tingin mo ba ay babalik sya ngayon after a long time? Baka nagka-amnesia din sya gaya ko dahil sa trauma and maybe hindi na nya tayo naaalala. And besides, gutom na gutom na ako. Kain na tayo please." Paliwanag ko sa kanya.

"The heart never forgets just like how you never. Forgotten about me. I know babalik sya sa'kin, I mean sa atin. Miss na miss ko na sya e." Si Leb.

Kita ko sa mg mata nya ang lungkot na may halong takot. Kita ko na mahal nga nya si Caloy.

"May relasyon ba kayo ni Caloy before?" Ako na hindi napigilang itanong ang gumugulo sa isipan ko.

"Anong ibig mong sabihin sa tanong mong yan?" Si Leb na tila nabigla sa tanong ko.

"I mean, kita ko sa mga mata mo na mahal na mahal mo sya. Kita ko ang lungkot nang hindi mo sya naabutan kanina. And I know na miss na miss mo na sya." Ako na parang nagseselos na boyfriend kay Leb.

"Syempre namimiss ko na sya talaga. Sobrang close kasi namin noon at after nga ng nangyaring aksidente ay bigla na lang syang nawala sa sistema ko. Feeling ko na may puwang na naiwan sa puso ko sa pagkawala nya na hindi ko alam kung tuluyan na ba nya tayong iniwan o pinagtataguan lang nya tayo, na pinapanood nya lang tayo mula sa malayo, or baka nagkaamnesia lang din sya gaya mo dahil sa trauma. Madaming tumatakbo sa isip ko about sa kanya."

Nadudurog ang puso ko habang nakikinig sa mga sinasabi nya tungkol sa pagka-miss nya kay Caloy na muling nag-alab dahil nga sa pagkakita nya sa misteryosong lalaki na tumawid sa kalsada kanina.

"At umaasa talaga ako na buhay pa rin sya at muling magbabalik sa buhay natin" si Leb na maluha luha na sa pagkukuwento habang binabagtas namin ang slum area na itinuro ni aling tindera kung saan nya nakita ang iniisip naming si Caloy.

"Mga pre! Baka naman maka-shot muna kayo dito sa amin. Mukhang mga bago kayo dito ah!" Sigaw ng lalaki sa amin na nag-iinom sa harap ng bahay nila kasama ang ibang lalaking tila mga lasing na.

"Di na po sir. Nagmamadali kasi kami e." Tugon ko na natatakot na sa lugar kung nasaan kami.

"Sige na. Kahit isang shot lang. Masama kayang tumatanggi sa biyaya ng alak! Hahahahaha!" tugon nya na tinungo na ang direksyon namin at akmang aakbayan na si Leb kaya kinabig ko na lang bigla si Leb para iiwas sa lasing na lalaki. Medyo mid-30's na ang hitsura nya at mukhang batak sa gym ang katawan base sa nakikita kong laki ng braso nya. Nakasuot lamang sya ng sando at maong shorts.

"Saan ba kayo pupunta at baka matulungan ko pa kayo? Halika muna dun sa lamesa namin at magpahinga muna kayo. Mukhang pagod na kayo e." Paghila nya sa braso namin ni Leb. "Isang shot lang naman ibibigay ko sa inyo tapos pwede na kayo umalis." Pangiti nyang paanyaya sa amin. May hitsura ang lalaking ito kaya naengganyo na rin si Leb na sumama.

"Sige na. Isang shot lang naman pala. Baka mag-cause pa tayo ng gulo pag di tayo sumama." Pabulong na sabi sa akin ni Leb. "Sige na nga." Tugon ko naman.

"O buti nahila mo ang mga binatang yan na mag-shot kasama tayo." Patawang sabi ng isa sa mga nasa lamesa. Halos ka-edad din lang namin ang hitsura nya at medyo may tama na rin.

"Inumin na po namin yung isang shot mga sir. May pupuntahan pa po kasi kami." Sabi ni Leb na kita kong kinakabahan sa pag-akbay sa kanya ng naunang lalaki na humila sa amin para sa shot.

"Ayaw nyo ba munang maupo? Tom nga pala. Tapos ito si Jed, Alan at Edward." Pagpapakilala nya sa mga kasama nya. "Hindi na siguro Tom kasi gumagabi na rin kasi at baka hinahanap na rin kami sa bahay." Pagtanggi ko para makaalis na kami after ng shot.

"Sige na para maibigay na namin ang shot nyo." Paghila nila sa amin para maupo. Si Leb ay nasa kabilang side ng lamesa na pinagitnaan nina Tom at Edward. Habang ako ay napaupo sa tabi nila Alan at Jed.

"Ohh. Ito na ang shot nyo ah." Sabay akbay naman ni Tom kay Leb habang ako ay inakbayan naman nila Alan at Jed. Sa pag-inom namin sa binigay nila, nakaramdam agad ako ng pagkahilo. Umikot agad ang paningin ko at ang huli ko na lamang na nakita ay ang pagkawalang malay ni Leb sa mga braso ni Tom na akmang hahalikan si Leb.

**BLACK-OUT**

**Itutuloy...

A Hospital Love Affair - Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon