Chapter 7

540 15 6
                                    

"Teka, nasaan ako?" Iyan ang una kong nasambit nang magising ako sa isang kwarto na napakamakulay. Ang pader ay napintahan ng mga larawan ng ulap at mga ibon. May mga palamuti ring dream-catchers ang ulunan ng kama kung saan ako nakahiga. Malambot ang cushion at ang duvet ay may dulot na init na napakasarap sa pakiramdam. Fully air-conditioned ang paligid at medyo may kalakihan din ang kwarto na may tatlong pintuan sa magkabilang pader, marahil ang isa ay toilet, ang isa naman ay ang exit at ang isa ay walk-in closet.

"Oh. Gising ka na pala. Tamang-tama, heto, mag-breakfast ka muna. Ako nga pala si Eric. Kaibigan ako ni Carlos na nagligtas sa inyo." Pambungad na pagpapakilala sa akin ng lalaking pumasok sa kwarto kasama pa ang kasambahay na may dalang tray ng pagkain. Pagkasabi nya ng "pag-ligtas" ay bigla kong naalala si Leb.

"Nasaan na si Leb? Siya ang kasama ko. Ligtas ba sya? Nasaan ako? Nasaan sya?"

"Relax ka lang. Dami ng tanong mo, isa-sa kong sasagutin yan. Kumain ka na lang muna kasi for sure ay gutom ka na." Sagot nya habang ihinahain sa harapan ko ang tray ng napakasarap tingnan na breakfast platter.

"Si Leb, nasa bahay ni Carlos. Ikaw naman ay anndito sa bahay namin at nakahiga ka sa kama ko. Naisip lang namin ni Carlos na maghati sa responsibilidad sa pag-accomodate sa inyo para di masyadong hassle."

"Don't worry. You're both in good hands. Mabait naman kami ni Carlos." Pagpapatuloy nya.

"Paano nyo kami nakita? Ang huli ko na lang kasing naalala is may mga grupo ng lalaking nagpainom sa amin ng alak tapos nakita ko na nawalan ng malay si Leb bago ako nag-black-out." Pagtatanong ko.

"Galing kasi kami ni Carlos sa mission ng organization namin na nag-tuturo sa mga out-of-school youths sa isang slum area malapit dito then on our way sa pinag-parking namin ng car is nakita nga namin na may grupo ng mga lalaking buhat-buhat kayong dalawa at narinig kong sabi ng isa sa kanila na naka-jackpot daw sila sa inyo. Naisip namin na baka nakidnap kayo kaya agad-agad nami silang sinundan sa pinagdalahan nila sa inyo." Pagsisimula nya sa kwento.

"Tapos nang makita naming balak nila kayong i-gang rape, agad agad namin silang sinugod dala-dala ang kahoy na pinanghampas namin sa kanila. At dahil mga lasing na nga sila ay ganun na nga kadali para sa amin na mapatumba sila at ayun na nga, dinala na lang namin kayo sa bahay namin hanggang sa magising kayo." Si Eric na inalala kung paano nila kami iniligtas.

"Ahh. Salamat naman sa Diyos at napadaan kayo dun at thank you sa inyo ng kaibigan mo sa pagligtas nyo sa amin ni Leb" pagpapasalamat ko kay Eric. "Pero after ko kumain, pwede mo ba kontakin yung kaibigan mo para malaman if ok lang si Leb? Nag-aalala kasi ako sa kanya" ako na iniisip kung ano na nangyari sa kanya.

"Sure. Sure. But for the meantime ay kumain ka muna para may lakas ka." Si Eric.

May hitsura din naman si Eric. Sya yung tipikal na makikita mo na nakatambay sa Starbucks habang busy sa pagsurf sa internet sa kanyang laptop. Maganda manamit, matangkad, wavy ang buhok nya kaya akala mo laging magulo, may pagkamoreno pero halata na laki sa yaman. Nakadagdag pa sa pagka-cute nya ay ang salamin nya na pabilog gaya ng kay Harry Potter. At mabango din sya.

"So enjoy mo lang yang breakfast mo habang tinatapos ko itong novel na sinusulat ko ah. Deadline ko na kasi bukas kaya kailangan ko na ito maisaubmit sa proof-reader ko mamayang hapon." Si Eric habang umuupo sa sofa nya dal-dala ang laptop nya.

Natawa na lang ako sa sarili ko kasi tama ang hula ko sa inisip kong tipikal na ginagawa nya- ang pagka-busy sa laptop nya.

"So ano naman ang sinusulat mo? Writer ka?" Tanong ko sa kanya habang sinusubo ang hotdog nya, este ang hotdog na sinerve nya for my breakfast.

"OO. Isa akong writer/artist sa isang online media platform. May blog kami na minemaintain at dun kami kumikita- sa dami ng followers namin. It is my passion talaga to write stories, poems and articles, and also to create artworks kaya very much rewarding para sa akin ang trabaho ko." Si Eric na nagliwanag ang mata habang kinukwento ang trabaho nya. Halatang gustung gusto nya ang ginagawa nya at nag-eenjoy sya.

"Ang galing naman. Swerte mo na you are enjoying your job. Kadalasan kasi people ends up hating their jobs kasi hindi nila passion yun and they have no choice kasi it's the only way para kumita." Ako na iniisip yung mga nakatrabaho ko sa ospital na nag-titiis na lang maging nurse sa Pilipinas.

"That is true. I count myself very lucky to have this job and also to have parents na super supportive. Swerte lang siguro talaga ako na hindi ko kailangan kumita ng malaki and so I have the chance to pursue what I really want. To be honest, nag-gamble lang ako na mag-open ng isang blog which sparked the attention of a lot of people hanggang sa lumaki na nang lumaki ang number of followers that we have to hire people to maintain it. Minsan lang talaga, you have to take your chances and take risks for your dreams."

"So ikaw ang founder ng isang malaking online media platform, so it means na ikaw ang boss?" Pagtatanong ko sa kanya.

"Basically, yes. But I still consider myself as an equal sa mga kasama ko sa company kasi we have equal shares and contributions just to maintain a successful platform. Kaya may deadlines pa rin akong sinusunod kahit ako ang boss. You know, you can't be a good leader if you are not a good follower." Si Eric na patuloy ang pagtatype sa kanyang laptop.

Natapos ko na ang napakasarap na almusal na sinerve sa akin kaya kinuha na nag kasambahay ang tray. After ilang minutes ay unti-unti na namang bumibigat ang mga mata ko hanggang sa makatulog na naman ako.

**Itutuloy**

A Hospital Love Affair - Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon