Chapter 3

745 29 6
                                    

"Opo. Pababa na po!" ang sagot ko sa aking naynay.

Mabilis akong nagpalit nang aking damit dahil na rin sa pinawisan ako sa aking pagtakbo. Pagkababa ko ay nakita ko agad kung sino ang bisita ko... mga bisita.

"Oh ayan na pala siya." si naynay.

"Anak, andito yung teacher mo nung high school, si Sir Ivan kasama mga ka-team niya sa basketball. Iimbitahin ka daw nila maglaro ngayon. Wala ka namang pasok sa trabaho ngayon di ba?" ang bungad sa akin ng aking ina.

"Wala nga po akong pasok" ako.

"Sakto! Tara muna magpapawis. Laro tayo, Caleb." si Ivan na tila may ibang ibig sabihin sa mga binanggit na mga salita na dinagdagan pa ng malagkit nyang mga tingin sa akin.

Nais ko sana maglaro kaso sa nangyari kanina ay gusto ko muna dumistansya kay Ivan. Nakakailang kasi na nakita nya akong sumisilip sa ginagawa nila ng binatilyo na kasama nya ngayon sa team.

"Masaya sana yan kaso may pupuntahan pa kami ng kaibigan ko. Next time na lang po siguro" pagtanggi ko.

"Naku sayang naman," sambit ng binatilyo kaninang kaulayaw ni Ivan. " masisiyahan ka pa naman na kalaro kami."

"Pasensya na po talaga. Next time na lang po" ako habang pinapawisan na dahil sa kakaibang dala ng mga salita nya.

"O sya sige. Kung di ka na namin mapilit. Aasahan namin yung next time ha" sambit ni Ivan na may kasama pang kindat.

*phone vibrates*

Nakakagulat ang pagvibrate ng aking cellphone na nasa back pocket ko.

"Aling Siony, magpapaalam na po kami. May ibang lakad daw kasi ang anak nyo. Next time na lang po kami makikipaglaro sa kanya," pamamaalam ni Ivan at teammates nya sa aking ina.

Inutusan ako ni naynay na ihatid sila sa labas. Habang papalabas sila ay naramdaman ko na lang na may humawak sa aking puwetan. Si Ivan, " next time ha. Gusto din kitang makalaro." Iba talaga ang dating ng mga sinasabi nya sa akin. Nakakalibog ang mga tingin nya. Pawisan na ako nang tuluyan na silang magpaalam.

Nagvibrate muli ang aking cellphone. Nakita ko na nagmessage na si Epy at dadaanan daw nya ako. Papunta na daw sya. Lagot! Di pa ako nakakaligo at nakakapagprepare.

Dali-dali akong pumasok sa bahay at naligo at nagbihis. Pagkalabas ko ng kuwarto ay nakaupo na sa salas si Epy. As usual, napakapogi nya at maporma. "Tara na BF?" paanyaya nya.

"Sige. Tayo na" paghila ko sa kamay nya. Nagpaalam na ako kay naynay at dumiretso na kami sa labas para mag-hintay ng dadaang jeep.

Habang naghihintay ng pagrelease ng grades nya, "Hoy! Di ko pa nakakalimutan ang deal natin kagabi ah. Pag 1.50 ka sa major subject ay ililibre mo ako mamaya" ako.

"Opo. Di ko po nakakalimutan ang deal. Paano pag mas mataas pa sa 1.50? Ano gagawin ko sa'yo?" pagmamayabang nya.

"Sige. Kapag 1.25, magiging alipin mo ako for 5 days. Kapag 1.00, na I think ay napakaimposible, I will be your servant for a month. Deal?"

"Deal! Heto na grades ko."

At nagulat na lamang ako sa nakita ko.

Medical-Surgical Nursing I............ 1.00

Nanlaki talaga ang mga mata ko nang makita ko ang grade nya. As in namilog ang mga mata ko. Akalain mong makakuha sya ng flat uno sa isang napakahirap na subject? Kahit siguro mag-aral ako magdamag nang walang tulugan ay di ko kaya makakuha ng uno sa ganitong major subject.

Sa pagkagulat ko ay lumapit ako sa registrar at ako na mismo ang nagverify ng nakita ko sa grades nya. "Ma'am, you may have mistakenly typed this one."

Kinuha nya ang grades at vinerify. "Di po kami nagkakamali sir. Flat 1.00 talaga ang grade nya." Sabay abot muli sa akin ng card.

0_0

"Oh? Ano nangyari sa'yo? Mukhang gulat na gulat ka sa nakuha kong grade? Nagdodoubt ka ba sa katalinuhan at kagwapuhan ng BF mo? Hahaha!" sya habang nagyayabang.

"Ang yabang mo naman."

"So what's our deal?" sya.

"You will be my servant for a month. But first, let me treat you to a sumptuous lunch because we have something big to celebrate!"

A Hospital Love Affair - Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon