Chapter 5

398 9 0
                                    

Hanggang sa biglang nagpreno si manong driver na naging dahilan ng pagkalapit namin ni Epi na halos mahalikan na nya ang pisngi ko. Another awkward moment dahil simula nang magbalik sya na walang ideya sa past na relasyon namin ay ngayon lang ulit nagkalapit nang ganito ang mga mukha namin. Kinilig na naman ako dahil parang na-miss ko ang mga haplos nya sa mukha ko at ang mga intimate moments namin, isama mo pa nag mga matatamis nyang halik sa akin.

"HOY! TUMINGIN KA NAMAN SA DINADAANAN MO! MUNTIKAN NA KITANG MASAGASAAN! MAPAPAGASTOS NA NAMAN AKO! MGA IRESPONSABLE TALAGA MINSAN ANG MGA PINOY! PATI MGA SUMUSUNOD SA BATAS NADADAMAY! BWISIT NA YAN!" Sigaw ni manong driver sa lalaking basta basta na lamang tumawid at sa maling tawiran pa.

"Kalma lang manong. Maagap ka nga at ang bilis ng reflex mo. Buti na-apakan mo agad yung preno. And patawarin mo na si kuyang pogi. Napakagwapo nga nya, buti na lang hindi mo nasagasaan. Hayst mukang artista. ANG POGI MO KUYA!," ani ng pasaherong katabi ni manong driver.

Nung marinig kong pogi si kuyang tumawid ay di ko napigilang sundan sya ng tingin. Naka-cap sya pero aninag ang napakatangos nyang ilong at ang makinis at maputi nyang kutis, mukhang artista nga. Matikas ang pangangatawan at maganda kung manamit. Napalingon din sya sa direksyon ng sinasakyan kong van dahil sa pagsigaw ni ateng katabi ni manong driver. Alam kong tinted ang salamin ng van kaya alam kong hindi nya ako nakitang nakatitig sa kanya. Sa kanyang pag-lingon sa aming direksyon ay biglang tumigil ang mundo ko... Nanlamig ang aking kamay at paa, at namawis ako ng malamig. "Kilala ko ang lalaking ito." Natulala na lamang ako sa nakita ko.

"Leb! Leb!" pagtapik sa akin ni Epy. "Bakit parang natulala ka dyan? Okay ka lang ba? Parang nakakita ka ng multo. Huy!" Panggigising nya sa akin mula sa pagkabigla sa aking nakita.

"Epy, kelangan ko nang bumaba. Manong para na po sa tabi! Kelangan ko na pong bumaba!" pagsigaw ko kay manong driver na inis pa rin sa nangyari kanina.

Agad namang tumigil si manong sa tabi at mabilis akong bumaba at tumakbo sa direksyon ng nakita kong lalaki- si Caloy. Nakikita ko pa mula sa aking pwesto ang blue cap na patuloy na lumalayo sa akin. Sinundan ko ang direksyon na tinatahak nya. Malas naman at sa mataong lugar ko pa sya kelangang habulin. Napakaraming tao. Halos hindi ko na sya makita kaya lalo ko pang binilisan ang aking paglakad at paghabol sa kanya.

Alam kong si Caloy ang nakita ko. Kilalang kilala ko ang gwapong mukhang nakita ko. Kailangan ko syang mahabol. Matagal ko na syang gustong makita at makausap. I need a hear his reason bakit sya biglang nawala. Akala ko pa nga ay pumanaw na sya. Wala akong balita sa kanya mula nang huli ko syang makita sa ICU na kritikal ang kondisyon mula sa aksidente nila ni Epy.

Bumilis nang bumilis ang lakad nya at natabunan na sya ng mga tao sa palengke. Hindi ito maaari. Nawala ko na naman sya. Wala na naman sya sa buhay ko. Sa deperation ko ay isinigaw ko ang pangalan nya, "CALOY! CALOY! AKO 'TO, SI CALEB!" Wala na akong pakialam sa mga taong nakapaligid sa akin. Maingay sa palengke pero dahil sa pagsigaw ko ay nabalot ng katahimikan ang paligid. "BUMALIK KA NA PLEASE. GUSTO KITANG MAKAUSAP!" Dagdag ko pa.

"Bakla! Hindi ka na babalikan ng boylet mo!" Sigaw sa akin ng isang tinderang napaka-taklesa.

Hindi ko na lamang ito pinansin. Napaiyak na lamang ako.

Nang biglang may yumakap sa aking mula sa aking likod.

**ITUTULOY**

A Hospital Love Affair - Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon