Chapter 8

34 3 1
                                    

***

Dear avid readers,

I am back! At last ay na-recover ko na ang aking account dito at sa wakas ay maitutuloy ko na ang aking nasimulan. I hope ay di kayo nawalan ng pag-asa sa paghihintay sa aking pagbabalik. 

Ito ang aking passion kaya nais ko talagang matapos ang istoryang inyong minahal. Ilang Chapter na rin ang aking naisulat at maiuupload ko na ito sa mga darating na araw.

I hope you love the continuation of our story.

Nagmamahal,

Ang inyong lingkod na otor- Red

***


***LEB'S POV***

"Tamang-tama mga 'pre! Tigang na tigang pa naman ako dahil buntis si misis!"

"Mukhang masarap nga 'tong dalawang to! At makinis pa! For sure masikip din ang mga 'to!

"Mag-eenjoy talaga tayo dit... BOOGSH!"

"Tigilan nyo yan! Ano mga binabalak nyong gawin? BOOGSH! BANG!"

"Tama ba ang naririnig ko? Alam kong may nainom akong mali, at nahihilo pa ako pero alam ko ang boses na yun, boses yun ni...." At nagising na lang ako sa aking pagkatulog. Nagising na lang ako sa aking panaginip, na may benda ang aking kamay, at medyo masakit ang ulo.

"Gising na po pala kayo. Kamusta po kayo?" bungad sa akin ng isang binata na tila binantayan ako hanggang magising ako.

"Ako nga po pala si Fred, kapatid po ako ng nagligtas sa inyo sa katabing baranggay. Nasa bahay po namin kayo at ibinilin po kayo sa akin ni kuya kasi may out-of-town po syang kailangan asikasuhin today." sambit at pag-orient sa akin ng gwapong binata.

"Asan ako? At si Epy, asan sya? Okay lang ba sya?" pag-aalala ko kay Epy.

"Ang alam ko po ay nasa bahay po sya ni Kuya Eric. Pinaghiwalay po nila kayo kasi medyo malaking responsibility po ang alagaan ang 2, at ayaw po ni kuya na maiwan ako with strangers." pagpapaliwanag ni Fred.

May hitsura din itong si Fred, aakalain mong isa syang artista sa Star Magic o isang social media influencer. May nakakahawig din syang artista, di ko lang maalala kung sino. Napagmasdan ko sya at medyo kahawig nya si Caloy- yung buhok nya at ilong. Naalala ko tuloy ang panaginip ko na inililigtas kami mula sa mga nais mang-halay sa amin. Totoo kaya yun o panaginip ko lang?

"Salamat nga pala, pati sa kuya mo." sabi ko habang dinadalhan nya ako ng mainit sa kape at mami. 

"Pasensya na po at ito lang kaya kong iprepare, nag-day off po kasi kasambahay namin." Nakita kong alas-dos na ng hapon. 

"Chinarge ko na rin po ang cellphone nyo, eto po" sabay abot sa aking ng phone ko na may crack ang screen.

54 messages

106 missed calls

Nakita ko na lang ang mga notifications ko sa phone. Ilan ay galing kay nanay at ang iba ay from Epy.

**Epy calling**

Agad ko itong sinagot.

"Hello, Epy! Okay lang ako, okay ka lang ba?" agad kong pagtatanong.

"Hiiii Leb! It's so nice to hear that you are okay. Mabuti na lang at may mga nakakita sa atin na muntik nang halayin ng mga hayop na tambay! Andito nga pala ako sa bahay ni Eric, isa sa mga nagligtas sa atin." mahabang sagot ni Epy sa akin.

"Malaking pasasalamat na nga lang natin sa mga nagligtas sa atin. Teka, magbibihis lang ako at pupuntahan kita." sagot ko naman.

"Fred, pwede ko ba puntahan kaibigan ko? Ano address nung Eric? Gusto ko lang makita ang kaibigan ko."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 19, 2024 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Hospital Love Affair - Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon