Chapter 07: Confession

83 14 0
                                    

𝗛𝗘𝗥𝗢 𝗣𝗢𝗜𝗡𝗧 𝗢𝗙 𝗩𝗜𝗘𝗪

Nandito na kami sa hospital. Hindi ako mapakali habang nandito sa labas ng emergency room. Alam kong ganun rin ang nararamdaman ng kapatid ko.

Noon nalaman ko 'yun mula sa kapatid ko ay kinabahan ako. Minsan lang ako umiyak at 'yun ay kapag usapan na sa mga taong importante sakin.

Napatingin ako sa kapatid ko na nakayuko at sunod sunod ang pagpatak ng mga luha nya. Samantala ay katabi naman nya si Brix na todo hagod sa likod nya at pinapatahan sya.

"Shh. Stop crying. It's hurt me."- Pagpapatahan ni Brix sa kapatid ko kaya mas lalo pa itong naiyak at wala sa sariling napayakap kay Brix.

Napangiti ako at napailing. Ang sweet nila.

Sabay sabay kaming napatingin sa pintuan ng lumabas ang doctor na nagasikaso kay mom and dad. Napatingin sya samin.

"Realitives of patient?"- Tanong nya. Napatayo naman si Samantha at samantala ako ay lumapit nalang sa doctor dahil nakatayo narin naman ako.

"We are their children."- Sabi ni Samantha habang hindi parin mapakali.

"Sorry."- Panimula ng Doctor. Wala pa man ay nagsimula na ulit umiyak si Samantha. "We did everything but they couldn't take it anymore. Masyadong maraming dugo ang nawala sakanila. Condolence. I have to go."- Dagdag ng Doctor kaya napaiyak nalang si Samantha at napaupo sa semento. Lumapit ako sakanya at niyakap sya ng sobrang higpit.

Gusto ko man umiyak pero hindi pwede. Ako na lang ang magiging lakas ng kapatid ko ngayon na napapanghinaan sya ng loob.

"Shh.."- Pagpapatahan ko dito pero para lang syang bata na nagwawala.

Lumapit narin su Brix at yinakap ng mahigpit si Samantha.

"I'm starting to hate my birthday."- Mahina lang ang pagkakasabi nya nun pero tama lang para marinig namin 'yun. Humagulgol pa sya ng malakas habang paulit ulit na sinasambit ang salitang 'mom and dad.'

Sa kakaiyak nya ay unti unti narin bumagsak ang talukap ng mga mata nya hanggang sa makatulog sya.

Pagkapikit ng mga mata nya kasabay ng pagbagsak ng isang butil ng luha sa isang mga mata ko.

"Iiyak mo lang 'yan pre. Alam kong malakas ka lang sa harapan ng kapatid mo."- Sabi ni Cassius at tinapik tapik pa ang kaliwang balikat bago sya muling bumalik sa kinauupuan nya. Napabuntong hininga ako at kasunod nun ang patuloy na paglandas ng mga luha sa magkabilaang kong pisnge. Lumapit ako sa kapatid ko na natutulog kasama si Brix. Niyakap ko sya ng mahigpit habang umiiyak ng tahimik.

"Don't worry princess, hindi kayo iiwan ni kuya."- Mahinang sabi ko.






𝗗𝗘𝗟𝗜𝗔𝗛 𝗣𝗢𝗜𝗡𝗧 𝗢𝗙 𝗩𝗜𝗘𝗪

Nang malaman ko ang kalagayan nila mom and dad kay kuya Hero ay hindi ko napigilan ang mapahagulgol. agad rin akong nag book ng ticket papuntang pilipinas. Hindi kona ginamit ang private plane ko dahil baka mawalan ulit ito ng control.

Pagkadating ko sa pilipinas ay agad akong nag-taxi at pumunta sa hospital na sa pagkakaalam ko ay pagmamayari nila Brix.

When I arrived at my destination I immediately asked a nurse where mom and dad were.

At nasa morgue sila.

Dali dali akong tumakbo doon at naabutan ko sa labas ang dalawang kaibigan ni Hero. Sabay silang napatingin sakin. I ignore them at pumasok na lang sa loob. Naabutan ko si Brix, Sam, at Hero sa loob. Nakadapa si Samantha habang umiiyak samantalang si Brix ay hinihimas himas ang likod nya para patahanin. Si Hero naman ay nakaluhod din habang malungkot na nakatingin sa bangkay ng mga magulang namin. I know he's crying inside pero pilit lang sya nagpapakatatag para kay Sam.

Napalapit ako sakanila habang umaagos na rin ang mga luha sa mga mata ko.

"Del."- Tawag sakin ni kuya at yinakap ako ng mahigpit. "Shh.."- Pagpapatahan nya sakin habang hinihimas himas nya ang buhok ko.

Napasinghot singhot ako.

"Ang baho mo."- Puna ko sakanya kaya agad akong nakatanggap ng batok sakanya. Aba!

"Nagdra-drama ako tapos sisirain mo lang? Anong klaseng kapatid ka ha?!"- Sabi nya at sa pagkakataon na 'to ay may bumatok na samin dalawa.

"Ano ba kayo? Alam nyong nag e-emote pa 'ko dito tapos magaaway kayo? At tsaka totoo naman sinasabi ni ate e, ang baho mo. Hindi ka pa kaya naliligo."- Sabi ni Samantha habang nakapeymewang sa harapan namin.

Inamoy amoy naman ni kuya ang kanyang sarili bago sya napanguso.

"Oo nga 'noe?"- Sagot nya. "Maliligo muna ako."- Dagdag nya.

"Huwag na. Sayang libag."- Natatawang sabi ko. Sinamaan lang nya 'ko ng tingin bago irapan at naglakad paalis.

"Ate, Paano 'yan? Itutuloy mo parin ba ang pagaaral sa ibang bansa o dito kana magaaral?"- Tanong ni Samantha sakin habang mugto ang dalawa nyang mga mata.

"Oo naman."- Ngumiti ako ng pilit. "At tsaka i need to work para sa company."- Hinawakan nya ang kamay ko at ngumiti sya sakin. Nasa likod nya lang si Brix na nakangiti at hawak nya ang isang kamay ni Samantha.

"Hindi ba pwede na dito kana lang sa pilipinas magaral? Tapos sa assistant muna lang ipagawa ang mga dapat mo pang gawin."

Napaisip ako sa sinabi ni Samantha.

"Oo nga 'noe? Bakit hindi ko naisip 'yun?"- Tanong ko sakanya habang nakahawak sa baba at tila parang nagiisip.

"Wala ka kasi nun."- Pangaasar nya kaya sinamaan ko sya ng tingin.

"May utak ako."

"Saan?"

"Malamang sa utak."- Nakita ko na napaismid sya sa sinagot ko.

"Mayron nga pero walang laman."- Pangaasar nya ulit. Akma kona syang kukutusan ng bigla syang magtago sa likod ni Brix na natatawa samin dalawa.

( 𝙎𝙖𝙢𝙖𝙣𝙩𝙝𝙖 𝙥𝙤𝙞𝙣𝙩 𝙤𝙛 𝙫𝙞𝙚𝙬 )

Sabi nila 'People come and people go.' May mga tao talagang kailangan ng umalis kasi nga oras na nila pero kapag hindi mo pa naman oras ay hindi ka pa naman kukunin ni lord. May umaalis at may dumarating. Ang mga taong darating sa pagkakataon hindi mo inaasahan. Parang sina Brix, unexpected.

Nakatayo lang ako sa harapan habang patuloy sa pag-agos ang mga luha. Libing na ng mga magulang namin.

Mala-Rome and Juliet. They die together.

"Are you okay?"- May humawak sa balikat ko. "Ihahatid na kita sa bahay nyo."- Dagdag na sabi nya. Napapansin ko na napapadalas ang pagtatagalog ngayon ni Brix.

"O-okay lang ako."- Sagot ko at umiwas ng tingin pero nagulat na lang ako ng bigla nya 'kong hinila payakap sakanya kaya naman nasubsob ako sa dibdib nya.

"No, You're not okay. You can use my shoulder to cry. Just... Just..."- Sabi nya habang nararamdaman ko ang pagtulo ng kung ano sa bandang ulo ko. I know he's crying. "Just... Please trust me. I-it's hurts me to see you like that."- Dagdag nya at hinihimas himas ang ulo ko habang nakasubsob rin ang mukha nya sa leeg ko.

"T-thank you."- Pagpapasalamat ko. Nagangat ito ng tingin at nakita kona ang pagtakas ng isang butil ng luha sa kaliwang mata nya.

Pinunasan nya lang 'yun at pilit na ngumiti sakin. May pagtataka sa mga mata nya.

"W-why are you thanking me?"- Tanong nya habang nakahawak sa mga kamay ko at pinaglalaruan ito. Naglalakad na kasi kami papunta sa kotse nya.

"Thank you for always being there for me. Thank you for making me smile."- Pagpapasalamat ko sakanya. Ngumiti sya ng pagkalapad lapad bago nya 'ko pagbuksan ng pinto ng kanyang sasakyan.

"It's okay."- Sagot nya at nakipagtitigan sakin.

Pagkapasok ko sa passenger seat ay ang pagpasok rin nya sa driver seat.

"I-I love you."- Nagulat ako sa biglaan nyang pagamin. Hinihintay ko lang na sya ang unang umamin at mukhang ito na ang hinihintay kong oras. Sabi ko noon na kapag umamin sya ay aamin narin ako. Napahugot ako ng malalim na hangin. "I-It's okay. Hindi kit---"

"I love you too."- Pagputol ko sa kanyang sasabihin. Gulat syang napatingin sakin.

Stolen Sweetheart (On-going)Where stories live. Discover now