Chapter 06: Bad news

90 11 0
                                    

3𝗥𝗗 𝗣𝗢𝗜𝗡𝗧 𝗢𝗙 𝗩𝗜𝗘𝗪

"Okay na ba 'to?"- Tanong ni Cassius kay Liam habang nagkakabit sila ng mga dekorasyon para sa birthday party ni Samantha.

"Okay na 'yan."- Mabilis na sagot ni Liam habang hindi tumitingin kay Cassius. Agad syang binatukan ng binata.

"Hindi mo pa nga tinitingan!"- Suway nito pero inirapan lang sya ng binatang si Liam.

Sa kabilang pag-aayos naman, Naka-toka sakanila ang pag-aayos ng mga bawat sofa. Tinulongan narin sila ni Dana na bestfriend ni Samantha.

"Wahh!"- Nagtitili si Hero ng makakita ng ipis habang nagtatawanan naman ang iba dahil kalalaking tao nito ay takot na takot sa ipis.

"Ahh!"- Napapikit si Dana sa pagaakalang tuloyan na syang mahuhulog sa pagkakatayo nya sa hagdan.

"Dahan dahan."- Isang baritonong boses ang narinig nya na sigurado sya ay 'yun ang sumalo sakanya dahil naramdaman nya ang matitigas nitong mga balikat at ang kuryenteng dumaloy mula sa katawan nila.

Ang bilis ng tibok ng puso ng dalaga na animo'y nagkakarerahan mga kabayo at hindi magkamayaw.

"S-sorry."- Paghinge ng paumanhin ng dalaga at bahagyang napayuko dahil sa sobrang kahihiyan. Narinig nya ang mahinang tawa ng binatang sumalo sakanya na walang iba kundi si Cassius.

"Cute."- Bulong ng binata samantala ang dalaga ay parang kamatis na sa sobang pula.

Wala sa sariling napatalikod ang dalaga para takpan ang pamumula ng kanyang mga pisnge. Naglakad nalang ang dalaga at bumalik sa kanyang pwesto habang si Cassius ay napailing iling na napahawak sa puso nyang sobrang bilis din ng tibok. Kusa syang napangiti ng hindi nya namamalayan.

"Mukhang may katapat kana."- Pangaasar sakanya ni Liam na napadaan lang sa gilid nya.

"Gago!"- Mura nya at bahagya itong sinipa na naiwasan lang naman nito.

"Don't be too loud, samantha might wake up."- Rinig nilang suway ni Brix na nagaayos ng mga pagkain na nasa tray.

"Inlove ka 'noe? Ayii! May katapat narin si Brix oh!"- Pangaasar ng dalawa. Tiningan sila ng masama ni Brix kaya natatawa nilang tinaas ang dalawang mga kamay nila.

Napatingin sila sa hagdan ng may narinig silang mga yabag na parang tumatakbo.

Ilan sandali ay nakita nila si samantha na parang natataranta at sunod sunod nun ang pag-agos ng mga luha ng dalaga. Hawak hawak pa nito ang chellphone nya na animo'y may kausap.

"Papunta na 'ko."- Rinig nilang sabi ng dalaga at tuloy tuloy na lumabas ng bahay na hindi man lang sila napansin. Nagkatinginan sila at pare-pareho nagtataka ang mga mukha nila.

Tumunog ang chellphone nya at nakita nyang si Samantha 'to. Kaya sinagot nya agad 'yun at niloud speaker.

"Nasaan ka?"- Bungad ni Hero pagkasagot ng tawag ng kapatid.

"Kuya..."- Humihikbing tawag sakanya ng kapatid at halata sa boses nito ang kaba kaya kahit si Hero ay kinabahan narin dahil sa narinig nyang boses ng dalaga.

"What happened?"- Mabilis na tanong ni Hero kay Samantha pero kaluskos lang ang narinig nila sa kabilang linya. Napatingin silang lahat sa labas ng bahay at nakita nilang umuulan kaya mas lalo silang kinabahan lalo na't alam nilang madulas ang daan.

"Kuya.."- Patuloy ang paghikbi ng kanyang kapatid sa kabilang linya habang sunod sunod ang pagpatak ng mga luha nito. Nakarinig sila ng tumatakbo.

"A-are you running?"- Nagsimula ng manginig ang boses ni Hero.

"Y-yes."- Maiksing sagot ni Samantha. Walang bukambibig ang dalaga kundi ang salitang 'kuya' at may halo pang kaba ang tinig nito kapag binabanggit ang salitang 'yun.

"N-nasaan ka?"- Muli ay naitanong ni Hero habang hindi narin magkamayaw sa paikot ikot sa dining area. Kabado ito sa maaaring mangyari sa kapatid. Habang ang apat ay nakaupo sa sofa pero halata mo sa kanilang mga mukha ang mga kaba at hindi mapakali.

"Kuya.."- Muling hikbi na naman ni Samantha. Gusto na nyang sabihin ang nangyari pero hindi nya mabou-bou ang salitang nais nyang sabihin at ipahiwatig. Sobrang kaba narin ang nararamdaman ni Samantha na hinaluan pa ng pagkakabalisa at pagkatakot.

"Tell me!"- Napasigaw na si Hero dahil sa inis at pagkakaba. Natatakot sya lalo na para sa kanyang princessa na si Samantha. Napapitlag naman ang tatlo na sina Cassius, Liam at Dana. Samantalang kalmado lang si Brix na nakaupo pero halata sa mukha nito ang sobrang pagaalala at pagkabalisa. Nagsimula narin itong gumalaw galaw sa kinauupuan nito na animo'y hindi mapakali.

"Kuya, Sorry..."- Naisantinig ni Samantha sa kapatid nyang puno na ng kaba ang dibdib.

"Ano bang nangyayari?"- Sa wakas ay nagsalita na si Dana, Ang nagiisang kaibigan ni Samantha.

"D-dana..."- Puno ng kaba ang tinig nito na nahalata naman ng apat. "B-bakit nandyan k-ka?"- Nangingig ang labing tanong ni Samantha. Muli ay napapikit sya dahil gustong gusto na nyang sabihin ang nanyari pero hindi nya magawa. Natatakot sya. Hindi nya kaya ang magiging reaksyon ng mga ito.

Hanggang ngayon ay sunod sunod parin ang pagtulo ng mga luha ni Samantha.

Habang hindi naman maipinta ang mukha ni Hero na kapatid ng dalaga. Para itong natatae na ewan dahil sa kabang nararamdaman nya.

Si Brix na naka-upo lang at puno ng kaba ang dibdib. Hindi rin sya mapakali. Palagi syang tumitingin sa chellphone nya kahit wala naman talaga syang katext.

"Ako nga. Anong nangyayari? Tell us Sam!"- Muling naisantinig ng dalagang si Dana na hindi narin magkamayaw. Paikot ikot narin ito. Pabalik balik ng lakad at hindi narin ang alam ang gagawin katulad ng iba.

"A-ano.."- Napapikit muli si Samantha. Paulit ulit na ganun. Naiinis sya sa sarili nya dahil hindi nya maisantinig ang gusto nyang sabihin.

Pati ang apat ay naiinis narin dahil sa sobrang pabitin ni Samantha. para na tuloy silang mga natatae sa hindi mapinta nilang mga mukha.

"Tangina! Sam sabihin muna."- Seryosong naisigaw na sambit ni Cassius na kanina pa tahimik.

Agad syang inambahan ni Brix.

"Don't curse and shout at her."- Seryosong suway ni Brix kay Cassius kaya napataas ito ng dalawang kamay.

"Sorry. Nainis lang ako. Pabitin kasi. Habang tumatagal ay mas lalo akong kinakabahan."- Halata nga sa boses ni Cassius ang kaba at hindi mapakali. Naiinis si Samantha sa sarili nya dahil nang dahil sakanya mukhang magaaway na ang dalawa.

Muli ay napapikit ang dalaga at kumuha ng lakas ng loob. Sasabihin na talaga nya at hindi na sya pwedeng umatras pa. Ayaw na nyang palalain ang sitwasyon.

"Na-aksidente sila mom and dad!"- Rinig nilang mabilis na saad ng dalaga na nagpatigil sakanilang lahat habang si Hero ay unti unti ang pagpatak ng mga luha.

Stolen Sweetheart (On-going)Where stories live. Discover now