Chapter 09: Fever

53 8 0
                                    

𝗦𝗔𝗠𝗔𝗡𝗧𝗛𝗔 𝗣𝗢𝗜𝗡𝗧 𝗢𝗙 𝗩𝗜𝗘𝗪

Dalawang buwan na ang nakakalipas simula ng umamin sakin si Brix at simula din ng umamin ako sakanya. Nililigawan na nya 'ko and I'm happy with that. Dalawang buwan narin ang nakalipas simula ng mamatay ang mga magulang namin. Maraming nagbago pero hindi kami, kasi magkakasama sama parin naman kami tuwing dismissal. At dalawang buwan narin ang nakalipas simula ng makilala ko 'tong dalawa pang ugok---I mean tatlo.. isama na natin si Brix.

"Saan tayo pupunta?"- Kunot noong tanong ko kay Brix ng bigla na lang nya 'kong hilain paalis sa Cafeteria.

"Basta."- Sagot nya at kumindat sakin.

Huminto sya sa paghila sakin dahilan para mapahinto rin ako at tumama ang mukha ko sa likod nya. Ang tigas!

"Ano ba? Bakit bigla bigla k---Woah!"- Napasigaw ako ng makita ang tanawin mula dito sa taas.

"We're here in a rooftop And that's what you see is the whole school."- Sabi nya na nagpanganga sakin. Hindi ko alam na ganito pala kalaki ang school na pinapasukan namin.

Mula dito sa taas ay nakikita ko ang Cafeteria, Hs and College building. Ang iba ibang department rin ay nakikita namin mula dito sa taas kaya nakakamagha talaga. Kahit naman na matagal na 'kong nagaaral dito ay hindi pa 'ko---I mean never pa 'ko nakapunta sa rooftop.

May kinuha syang isang sofa at tsala inilagay sa gitna 'yun. Pinaupo nya 'ko don at samantala sya ay humiga sa lap ko. Napangiti ako at sinuklay suklay ang buhok nya na may kahabaan gamit ang kamay ko.

Pero---Bakit nga pala nagka-sofa dito?!

Kinuha nya ang kamay kong sumusuklay sa buhok ko. Hinawakan nya 'yun ng mahigpit.

"Mangako ka."- Panimula nya na naging dahilan ng pagkabasag ng kaninang katahimikan. "Sakin ka lang magtitiwala."- Dugtong nya.

Napangiti ako ng matamis bago sya halikan sa noo.

"Pangako."- Naisambit ko. "Pangakong sayo lang ako maniniwala, at mangako karin na hinding hindi mo 'ko iiwan..."- Sabi ko habang nakatitig sa mga mata nyang may nakakalusaw na tingin. "Kahit kailan."- Dagdag ko.

Ngumiti lang sya at inabot ang labi ko para sa isang mabilisan na halik.

"Pangako mahal ko."

Pinagsiklop ko ang mga kamay namin at sabay kaming tumingala.

"I will ever ever leave you, Cross my heart. Pangako!"- Huling sabi ko kaya sabay kaming napatawa.

"Saan kayo galing?"- Tanong ni Liam na may nakakalokong tingin. Kasama nya si Cassius, Kuya at Ate na nasa likuran nya lang rin at may mga nakakalokong tingin at mapangasar na mga ngiti.

"Sa Rooftop."- Maikling sagot ni Brix kaya sakanya na natoun ang atensyon namin.

Naglakad si Brix papunta sa upuan nya na katabi ko.

"Anong ginagawa nyo doon?"- Curious na tanong ni Kuya. "Naglalandian---Omg!"- Napahawak pa sya sa bibig nya at nanlalaki ang mga mata. "Nag-sex ba kayo ha?!"- Prankang tanong nya dahilan para manlaki ang mga mata ko.

"Hin---"

"Oo."

Napatanga ako ng putulin ni Brix ang mga sasabihin ko.

"Hoy gago ka! Bakit kapatid ko pa?!"- Nagulat ako ng kwelyuhan bigla ni Kuya si Brix na humagalpak ng malakas na tawa kaya kumunot ang mga noo nila.

"I was joking."- Natatawang paliwanag nya habang nakataas ang dalawang kamay. "We haven't sex. Maybe after the weeding."- Dagdag nya na kinapula ko.

Stolen Sweetheart (On-going)Where stories live. Discover now