Two weeks had past pero hindi ko parin sya ma-contact and i hate it. Nagaalala na 'ko para sakanya. Two weeks, No calls, No text, No communication. I miss him.
Napatingin ako sa kakapasok lang na kuya ko sa dining area. Pumunta sya sa refrigerator at kumuha ng pitsel, para syang wala sa sarili at hindi nya namalayan na baliktad ang pagkakahawak nya sa baso.
"Kuya!"- Gulat ko sakanya kaya nanlalaki ang mga matang napatingin sya sakin. Nginuso ko ang baso kaya napalaki ang mga matang napatingin sya dito.
"Sorry...Sorry.."- Rinig kong paulit ulit na banggit nya. Ano bang nangyayari sakanya?
"What happened to you? Para kang wala sa sarili."- Nakabusangot ang mukha ko ng sabihin 'yun. Napatingin sya sakin habang may pagaalala sa mga mukha. "Tell me kuya, pinapakaba mo 'ko e."- Kinakabahan sabi ko.
Kumalabog ang dibdib ko, Ang lakas ng tibok nito at hindi kona mabilang ang tinibok ng puso ko. Ewan pero para akong kinakabahan.
"U-Umalis..."- Tila nagaaling-langan pa sya kung dapat nyang sasabihin sakin. Bahagya syang napaangat ng tingin sa kisame at napaikit ng mariin. "Brix already leave with his---"- I cut him by shouting.
"WHAT?!"- Gulat na usal ko habang nanlalaki ang mga mata. "Kailangan ko syang sundan, hindi ako makakapag-payag na ikasal sya sa ibang babae, Kuya!"- Sabi ko habang naiiyak na.
Lumapit sya sakin at niyakap ako ng mahigpit. Naramdaman kong hinihimas himas nya ang buhok ko.
"Yan ba talaga ang makakapagpasaya sayo? Wag kang magpadalos dalos ng dicision Sam. Ayaw kitang masaktan."- Sambit nya sakin habang patuloy sa paghimas sakin buhok.
"Bakit naman ako masasaktan? Alam ko naman na ako lang ang mahal nya!"- Sagot ko habang nakangiti ng malapad.
"Alam kong susundan mo sya, so i book a ticket for you."- Sabi nya habang tinataas taas ang mga kilay na parang proud pa sa ginawa nya.
"Thank you kuya, Your the best!"- Masayang sabi ko at yinakap sya ng mahigpit. Ramdam ko naman ang pagyakap nya sakin pabalik.
"Anong meron? Bakit hindi ako kasama sa hug na 'yan?"- Tanong ng kung sino mula sa pinto ng dining. Sabay kaming napalingon dun.
"Ito kasi si princess, She plans to follow Brix to Newyork."- Sabi ni kuya. Pasimple ko lang syang kinurot dahil ayaw na ayaw ko talaga kapag tinatawag nya 'kong princess.
"May pangalan ako!"- Sermon ko pero natatawa lang nyang ginulo ang buhok ko.
"Pasali nga sa hug nyo kanina."- Sabat ni ate at lumapit samin tsaka kami niyakap ng mahigpit. "Basta baby sis, Kapag kailangan mo kami, palagi lang kaming nandito. Support ka namin sa lahat ng gusto mo."- Bulong ni ate mula sa tenga ko dahilan para mapangiti ako
I'm so lucky to have them.
Ngayon na ang alis ko papuntang ibang bansa at nasa airport na kami.
"Magiingat ka dun ha?"- Paalam ni kuya habang pinupunasan ang imaginary tears nya.
May dala pa syang tissue nyan ah, Akala mo hindi na 'ko babalik e.
"May susundo sayo at maghahatid sa Condo unit na tutuluyan mo, It's own by us kaya don't worry sa mga babayaran."- Sabi naman ni ate at kumaway.
Kumaway ako pabalik sakanila.
"Bye kuya! Bye ate!"- Bati ko at tuluyan ng naglakad paalis. I'm so excited to see him.
Sumakay ako ng private plane na kung hindi ako nagkakamali ay regalo nila mom and dad kay ate. Flight attendant kasi ang course ni ate.
Natulog lang ako sa boung byahe.
"Ma'am."- May tumapik sakin dahilan para mapadilat ako. "We're here in a newyork. Let's go ma'am?"- Sabi sakin ng isang flight attendant. Tipid na tango lang ang sinagot ko.
Hindi na 'ko makapaghintay na muli syang makita. Ang alam ko kasi ay inaasikaso nya ang company nila kaya hindi ako nagagalit ng umalis sya ng walang paalam. I understand him lalo na at alam kong tutol ang mother nya samin dalawa pero basta! Ayoko parin sya ipakasal sa babaeng 'yun!
"Are you Miss Samantha Alcatraz?"- Tanong sakin ng sa tingin ko driver ng sasakyan ko. Huminto kami sa isag limousine.
"Yea."- Sagot ko at tipid syang ningitian. Nakita ko ang pamumula nya bago tumango at pagbuksan ako ng pinto. Walang pagaalinglangan akong pumasok.
I admit it, The driver is cute pero baka kung ano magawa sakanya ni Brix kapag nalaman nyang nagpapantasya ako ng kung sino.
May boyfriend na 'ko kaya hindi na dapat ako maglalandi.
"Can you drive me to the mall? I just have something to buy."- Utos ko sa driver.
Tumango lang ito. Nang makarating kami sa mall ay agad akong bumaba. Hindi na 'ko nagpaalam pa, Alam kong hihintayin nya 'ko dun. Driver kasi sya ng pamilya namin dito sa newyork.
Bumili lang ako ng pang-bake, Well magaling naman ako mag-bake dahil natuto na 'ko kay mom.
Naalala ko tuloy ang mga bonding moments namin. Bonding na kasi para samin ang pag-bake. Madalas pa nga na magasaran kami kapag nagba-bake kami tapos nakikisali din samin sila dad, kuya and ate. How i miss our parents.
"Miss."- Tawag sakin ng isang sales lady counter dahilan para bumalik ako sa realidad.
"Hmm, Y-Yes?"
"These are the ones you bought, get out of there because the costumers are already complaining."- Mataray na sabi nito sakin.
I tried hard not to rolled my eyes.
Napatingin ako sa mga costumers at nakitang inis silang nakatingin sakin. Napakagat labi ako at parang kuting na kinuha ang mga pinamili ko at dahan dahan umalis roon dahilan para umusad na ang pila.
Nakakahiya!
Masyado yata akong napre-occupied.
Pumunta ako sa bilihan ng mga painting. I want to pain him tapos ibibigay ko sakanya.
Gagawin ko 'to mamaya para sakanya.
Lumabas na 'ko ng mall at sumakay ng kotse, agad naman 'yun pinaandar ni manong.
Nakarating ako sa Unit kaya agad akong pumunta sa condo unit room ko. Alam kona kung anong room ako dahil sinabi 'yun sakin kanina ni ate bago ako umalis.
Hindi ako kumain agad, Dahil inuna ko ang pag paint sakanya. Memorize ko ang bawat sulok ng mukha nya.
Mula sa kanyang mapupungay na mga mata, mapupulang mga labi, matangos na ilong, makinis na balat, at 'yun pamumula ng mga pisnge nya kapag nahihiya o kinikilig sya.
He's so damn cute!
YOU ARE READING
Stolen Sweetheart (On-going)
RomanceSamantha Alcatraz is what they call no boyfriend since birth, her family is too over protective of her, especially her older brother. A man will come into her life named Brix Santos As soon as the man saw her for the first time, the young man immedi...