Chapter 08: Boyfriend?

64 9 0
                                    

𝗦𝗔𝗠𝗔𝗡𝗧𝗛𝗔 𝗣𝗢𝗜𝗡𝗧 𝗢𝗙 𝗩𝗜𝗘𝗪

"A-Anong sinabi mo?"- Hindi makapaniwala nyang tanong habang nanlalaki pa ang mga mata at namumula ang dalawang tenga.

He's blushing? How cute!

"Sabi ko, I love you."- Panguulit ko. Nagulat ako ng bigla nya 'kong hilain payakap. Yinakap nya 'ko ng mahigpit kasunod ng pagpatak ng kung ano sa ulo ko. "Why are you crying?"- Takang tanong ko sakanya dahil naguguluhan na 'ko sa mga inaasta nya.

"T-thank you for loving me."- Wala sa sariling napangiti ako dahil sa narinig.

Pinarada nya ang sasakyan sa harapan ng bahay namin. Nauna syang bumaba at pinagbuksan ako ng pintuan. Gentlemen huh?

"Bakit basang basa ka huh?"- Bungad na tanong sakin ni kuya bago mapalingon sa likod ko kung nasaan si Brix. "May ginawa ba kayo? Bakit parang ang saya yata ni Brix?"- He teasing me again. He teasing us.

"I-It's nothing."- Umiwas ng tingin si Brix ng tingan ko sya. Pansin ko ang pamumula ng dalawa nyang tenga kaya napatawa ako ng mahina.

"Magbibihis muna ako. Bye!"- Paalam ko habang kumakaway at umakyat na patungong kwarto.

"Nakapagdesisyon na 'ko."- Sabi ni Ate pagkaupo ko sa sofa na nasa tabi lang nya.

Kumuha muna ako ng junkfoods at kunot noong tiningan si Ate, Ganun din ang ginawa ng iba.

"Ano ba 'yun, Ate?"- Singit ni Cassius habang punong puno ng pagkain ang kanyang bibig at umiinom rin sya ng.. Yakult?

"Hoy! Saan galing 'yan? Akin 'yan ah!"- Sabi ko habang nanlalaki pa ang mga mata. Agad kong hinablot 'yun at sinamaan sya ng tingin.

"Sige, Sayo na lang."- Sabi nya. Inirapan ko lang sya at tiningan 'yun yakult na kanina hawak nya. Inalog alog ko pa 'to bago itapon sakanya.

"Tanga, Wala ng laman 'yan binigay mo."- Sermon ko sakanya pero tinawanan lang nya 'ko.

"Nakapagdesisyon na 'ko."- Ulit ni Ate na nakapagpaagaw ulit ng atensyon namin. Nagtataka namin syang tiningan. "I will study here in the Philippines."- Dagdag na sagot nya habang nagfli-flip hair.

Napakurap kurap ako at hindi magsink in sakin kung ano ang sinabi nya pero napalaki ang mga mata ko ng marealized kung ano 'yun.

"S-seryoso ka, Ate?"- Gulat na tanong ko habang nakatakip ang dalawang kamay sa bibig.

"Mukha ba 'kong nagbibiro?"- Pamimilosopo nya dahilan para mapasimangot ako.

"Sige, pilosopohin mo lang ako."- Pagsusungit ko.

"Nakapag-enroll kana ba, Ate?"- Tanong naman ni Liam na tudo rin subo ng nakahain na junkfoods.

Aba! Maka-ate akala mo kapatid?!

"Oo, Kaya bukas na bukas ay sabay sabay na tayong papasok."- Nabigla ako sa sigaw nya kaya nasamid ako mula sa pagkain ng junkfoods at paginom ng Chuckie.

Hinimas himas naman ni Brix ang likod ko na katabi ko lang.

"Are you okay? Dahan dahan naman kasi."- Sermon nya habang patuloy parin sa paghagod sa likod ko.

"S-sorry naman."- Sagot ko habang patuloy sa pagubo. "Wag ka naman kasi nangu-gulat Ate."- Sermon ko kay Ate. Ngumiti lang sya at nagpeach sign sakin.

Hinampas kona lang sya ng unan na nasa sofa pero humalakhak lang sya. Naiinis akong napaupo.

"Kalma babe."- Pagalo sakin ni Brix. Nakita ko ang panglalaki ng mga mata nila kaya palihim akong napangiti.

"BABE?!"- Sabay sabay na sigaw nila pero nagtatanong ang mga tinig. Halata rin sa boses nila ang pagkagulat.

"Umaasenso tayo pre."- Pangaasar ni Liam kay Brix.

"Oo nga, May pa-babe ka pa ah! Luma na 'yan endearment nyo."- Mapangasar naman na usal ni Cassius habang tudo parin ang lamon.

"Tama na nga 'yan!"- Halata sa boses ni Brix ang pagkainis at pagkairita. Kinuha rin nya ang pagkain na kanina pa linalamon ni Cassius. Tiningan ito ni Brix bago sya napangiwi. "Ikaw na yata umubos lahat ng mga pagkain sa bahay nila."- Naiusal ni Brix ng makitang wala ng laman ang balot ng linalamon ni Cassius.

Puro tawanan lang ang naganap boung maghapon. Para ngang walang nangyari e. Kahit kakatapos lang ng birthday ko noon isang araw tapos kakatapos lang ng libing nila mom and dad this day. Parang normal lang ulit. Masaya, pikunan at asaran na parang walang nangyari.

Pero kapag naalala ko ang nangyari ng isang araw. Ang birthday ko at ang pagkamatay nila mom and dad sa isang aksidente na nangyari sa eroplano. It's hurts like hell.

I'm so lucky to have them all. Si Brix na ngayon ay hindi ko alam kung boyfriend kona ba. Wala pa naman kasi kaming naging maayos na usapan pero balak ko syang tanungin mamaya tungkol doon. Si Cassius at Liam na kahit tudo lamon dito sa bahay. Sila nga lang ang mga naka-ubos ng mga pagkain sa bahay pero kahit mga ganun sila ay hindi ko parin inaakila na nagagawa nila akong patawanin at pangitiin kahit sa mga simple jokes lang nila at mga kalokohan.

"Brix..."- Pagtawag ko kay Brix. Nandito kasi kaming parehas sa kwarto ko. Hawak nya ang isang kamay ko habang nakasandal ako sa mga balikat nya.

I Hope we can stay like this forever!

"Hmm?"- Bulong nya malapit sa tenga ko.

Nakasandal sya sa ulo ko.

"C-Can...Can we stay stay like this..."- Napapikit ako at wala sa sariling napangiti. Kinakabahan rin ako sa kung anong magiging reaksyon nya. "Forever?"- Pagtatapos ko sakin sinabi kanina.

Hindi sya sumagot kaya mas lalo akong kinabahan sa hindi malaman na kadahilanan pero ayoko naman magisip ng kung ano ano.

"Sure.."- Halata sa boses nya na sigurado sya at walang pangamba o pagaalinglangan akong mababakas sa kanyang tinig.

Napangiti ako at umalis sa pagkakasandal sakanya tsaka sya niyakap ng mahigpit.

Nanatili ang katahimikan ng bumalik ako mula sa pagkakasandal sakanya. Nagaalangan akong tanungin sya pero gusto ko rin naman maliwanagan at malinawan.

"M-May tanong ako..."- Nagaalangan ko pang sabi.

"Nagtatanong kana."- Pilosopo nyang sagot dahilan para hampasin ko sya ng unan na tinatandayan ko.

"Seryoso kasi."- Seryoso na ang tinig na ginamit ko. Napabuntong hininga sya bago dahan dahan na tumango. "A-ano bang..."- Muli ay napapikit ako. Hindi ko alam kung dapat ko pa bang ituloy ang tanong ko? Pero sa huli ay napagdesisyunan kong itanong na lang para hindi na 'ko ma-bother. "Ano bang meron tayo?"- Mabilis na tanong ko pero sapat lang para marinig nya.

"Do you really want to know?"- Tanong nya pabalik habang pinaglalaruan ang mga daliri ko.

"Y-Yes...Answer me."

"Isn't it obvious?"- Parang batang tanong nya at bahagya pang ngumuso. "Mahal mo 'ko at mahal rin kita.."- Dagdag nya.

"So?"

"Kaya boyfriend muna ako."- Walang prenong sagot nya dahilan para manlaki ang mga mata ko at paluin sya ng unan na pinalo ko sakanya kanina. Humalakhak naman sya. "Bakit baby? Ayaw mo ba?"- Tanong nya at nagtatampo naman ngayon ang kanyang tinig.

"Gusto pero gago ka! Mangligaw ka kaya muna."- Sabi ko pero hindi nya 'ko sinagot.

Instead ay hinalikan nya 'ko sa mga labi. He kissed me passionately. Sa bawat galaw ng mga labi nya ay ramdam mo mula roon ang pagmamahal. Humiwalay sya sa halikan namin ng parehas na kaming mawalan ng hininga.

"Don't worry baby, I'm your boyfriend and I promise to court you every day."- Rinig kong bulong nya sa tenga ko.

Stolen Sweetheart (On-going)Where stories live. Discover now