𝗦𝗔𝗠𝗔𝗡𝗧𝗛𝗔 𝗣𝗢𝗜𝗡𝗧 𝗢𝗙 𝗩𝗜𝗘𝗪
"Bakit ang tagal nyo? Anong ginawa nyo huh?"- Mapang-asar na ngiti ang binigay sakin ni kuya. Inismidan ko lang sya at umupo na sa upuan na nasa harapan nya. Tumabi naman si Brix sakin.
"May label na ba kayo?"- Tanong ni Cassius sabay subo ng malaki sa burger na hawak nya.
"Wala pa."- Sabi ni Brix. "Soon."- Kumindat sya pagkatapos sabihin 'yun.
Uwian na at sabay sabay raw kaming uuwi. Well, okay narin para makatipid, Diba?
"Tabi na kayo sa likod ni Brix."- Sabi ni kuya na nagpabilis ng tibok ng puso ko. Shit! Ito na naman 'tong pusong 'to. Magsasalita pa sana ako pero tinulak tulak na nila kaming dalawa ni Brix papunta sa likod at pinapasok dun bago nila 'yun isarado. Napanguso ako at napairap.
Todo layo ako kay Brix, feeling ko kapag magka-skin contact kami ay may kuryente na dumadaloy sa boung katawan ko.
Gabi na at nandito ako sa kwarto ko. Tapos narin naman kami kumain. Napag desisyunan kong tawagan si ate through skype. Tatlong minuto muna ito nag-ring bago ko sya makita sa screen.
"Oh, Napatawag ka?"- Bungad nya sakin habang may inaantok na mga mata at namumula rin ang mga ito.
"Sorry, Naistorbo ba kita?"- Tanong ko sakanya.
"Hindi naman."- Sagot nya at bahagyang umiling. "So, Ano nga? Why are you calling me in this hour, huh?"- Bakas ang pagtataka sa boses nya.
"Tell me a story ate."- Sabi ko dahil hindi ako makatulog. I remember that happened earlier. Oh shit! Bakit ko ba inaalala 'yun?
"Hindi ka makatulog?"- Kumunot ang noo nya kaya tumango ako. Ngumiti lang din sya at tumango tango. "Wala akong maibabahaging storya sayo ngayon but let me tell you my secret."- Sabi nya at tumawa ng mahina. "You know? Akala ko dati na hindi masakit na break up ay 'yun magloloko sayo 'yun isang tao. 'yun ipagpapalit ka kasi may kulang sayo."- Sabi nya.
"Broken ka ba ate? Bakit ganyan ka yata magsalita?"- Takang tanong ko.
"Nag-break na kami ni John."- Napasinghap ako dahil sa gulat habang nanlalaki ang mga mata.
"A-anong rason?"- Tanong ko sakanya.
"H-he cheated."- May tumulong luha sa isang mata nya. "They betray me. Akala ko sapat na 'ko, Akala ko hinding hindi nya 'ko ipagpapalit sa iba, Akala ko ako lang at wala ng iba. But t-they betray me! Niloko ako ng dalawang taong importante sakin!"- Humihikbing sabi nya.
Naaawa ako sakanya.
"Ate, Kaya mo 'yan! I hope that na nandyan ako and then i wipe your tears. Stop crying."- Pagpapatahan ko dito pero sunod sunod parin ang pagpatak ng mga luha nya.
"I c-can't stop crying. Tatlong taon ang sinayang nyang punyeta sya! Akala ko iba sya sa lahat. Akala ko magiging sapat ako pero ang puta! Virginity ko lang yata ang habol nya."- Halata sa boses nya ang inis, galit, lungkot, paghihinagpis, at sakit.
"A-ate. Don't mind him."- Pilit ko parin syang pinapatahan. I feel guilty kasi hindi ko sinabi ang nalalaman ko. Hindi pa naman ako marunong magcomfort ng tao. "A-ate kaya po pala ako napatawag kasi may gusto lang sana akong i-itanong."- Pagiiba ko ng topic. Nangingingig na 'ko dahil feeling ko kahit anong oras ay babagsak narin ang mga luha ko.
Alam kong magagalit sya kapag nalaman nyang may alam ako at ayokong mangyari 'yun. Natatakot akong lumayo ang loob nya sakin.
Pinunasan nya ang luha nya at pilit na ngumiti sa harapan ng camera.
"Ano ba 'yun?"- Nakangiti sya pero hindi nakalagpas sakin ang pagbasag ng boses nya at ang lungkot mula doon.
"P-paano po ba mainlove? I-I mean--- Alam muna. Naranas muna mainlove kaya nagtatanong ako."
"Bakit? Inlove na ba ang bunso namin?"- Kung kanina ay iyak sya ng iyak pero ngayon ay nangaasar na sya. May nakakalokong ngiti kasi na nakapaskil sa mga labi nya. Umismid ako at napairap pero tawa lang nya ang narinig ko. "Okay, Nakakaramdam kaba ng kuryente kapag naglalapit ang mga balat nyo?"- Tanong nya sakin.
Napaisip ako. Naranasan kona nga. Wala sa sariling napangiti ako.
"O-oo."- Naiilang na sagot ko at umiwas ng tingin.
"Wahhh!"- Nagtitili na sya sa screen at kilig na kilig pa. "HAHAHA! Second.. Bumibilis ba ang tibok ng puso mo kapag kausap mo sya o kaya kapag malapit lang sya sayo?!"- Tanong nya ulit kaya ilan beses akong napalunok bago dahan dahan tumango. Ayun na naman sya! Nagtitili na naman. "Third, Nakakaramdaman kaba ng saya kapag kasama mo sya? Last na tanong na 'yan dahil 'yan lang naman ang mga alam kong sign of being inlove."
Napangiti ako at wala sa sariling napahawak ako sa puso ko. Inlove ako?
"At.. Kapag inlove ka para sakin ay mahal muna sya."- Dagdag nya at ngumiti. "Wala kayong label?"- Muling tanong nya. Umiling lang ako. "You know what? Let me tell my story. Nahulog din ako dati sa isang tao at katulad nyo ay wala rin kaming label."- Nakapangalumbaba na kwento sakin ni ate. Nakikinig lang naman ako sakanya. "And then naghiwalay din naman kami. Not totally na naghiwalay dahil wala naman kaming label. And because of that accident, I realized that it is really important to take talking stage seriously. Hindi naman sya tinawag na getting to know for no reason. Habang wala pa kayo. No label o kinikilala nyo pa 'yun isa't isa. Grab that opportunity."- Mahabang lintanya nya. "Take that precious time to know more about Brix."
Nagulat ako sa binaggit nyang pangalan.
"H-how did you know?--"- Tanong ko at naguguluhan syang tiningan pero tumawa lang sya ng mahina.
"When i was still in the philippines. I can see the love in his eyes when he looks at you. Ganun karin pero hindi ka lang aware."- Nagulat naman ako doon at nanlalaki ang mga mata. "Basta kilalanin mo muna sya. Okay lang naman ang minsan sumugal ka. Kasi sa love hindi maiiwasan 'yan. Basta kapag mahal mo, go lang! Hindi ka namin pagbabawalan. Basta kapag niloko ka nyan?! Nandito lang kami at hindi kami aalis sa tabi mo."- Ngumiti sya ng matamis pagkatapos sabihin 'yun at kasunod nun ang pagpatay ng skype. Napahinga ako ng maluwag at humiga sa kama.
Now, I know the answer.
YOU ARE READING
Stolen Sweetheart (On-going)
RomansaSamantha Alcatraz is what they call no boyfriend since birth, her family is too over protective of her, especially her older brother. A man will come into her life named Brix Santos As soon as the man saw her for the first time, the young man immedi...