Chapter 10.1

91 9 3
                                    



HAPPY 2.03K READS!!!

Darlene's POV

"Hi Darlenee!", Twittle, Grazz, Stacy, Sam, Tristan, JK, Darren.

"What?! Anong ginagawa niyo dito?"

"Kinakaon ka", Twittle.

Kinakaon sa— Oh, right! Pupunta nga pala kaming SM Mall Of Asia.

Sumenyas ako sa kanila tsaka bumalik na ulit sa kwarto ko tas naligo, nagbihis, nagsuklay, lahat na! Tapos bumaba na 'ko. Nasaan na 'yung mga 'yun? Wala naman dito. Mula sa malayo nakarinig ako ng tawanan. Lumabas ako at nakitang kasama nila sa garden si Mama. Ano na naman kayang pinagkekwentuhan nila? Palagi na lang akong late sa balita.

"Oh, there she is. Goodmorning Miss Lovely", bati ni Mama.

Ngumiti ako kay Mama. "Ma, aalis lang po kami ah?"

"Sure. Nakapagpaalam na 'tong si Graciana!"

"Tita, una na po kami. Tuloy
po natin ang chikahan sa ibang araw po, haha", sabi ni Stacy at naglakad na papunta sa labas ng gate. Humalik ako kay Mama bago umalis ng tuluyan. Pagkalabas namin bumungad ang kulay itim na van.

Sumakay na kami sa van at ganto 'yung lagay namin sa loob...

             Tristan | Sam
Ako | Twittle | Grazz | Stacy |
              JK   | Darren

"Trace, turn on the radio", utos ni Stace at sinunod naman ni Tristan.

"Araw-araw ay naghihintay sa'yo
Dala-dalang pangarap na hindi nabuo
Bawat alaala mo'y bumabalik
Hindi pa rin malimot ang mga sandali
Nagbabakasakali na muli kang magbalik
Sana nama'y iyong marinig
At kung sakali lubusang mawala
Huwag naman sana...
Nasaan 'ka na ba? Kanina pa ako nag-iisa–--", Nagkusa akong patayin ang radyo. bakit kasi kailangang 'yun pa ang kanta?

"Why Darlene? I like that song", Stace complained. Nagpeace sign ako sa kanya at sumandal na sa upuan 'ko at umidlip muna. Ang bagal talaga magbagal ni Tristan. Hahaha!

***

"Huy! Gising", Sino ba 'yung istorbo na 'yon? Hindi 'ko siya pinansin at pinatuloy ang pagtulog 'ko. Nasa panaginip 'ko si Daniel Padilla eh!

"Hindi 'ka gigising ng kusa? O ako mismo ang gagawa ng paraan para gumising ka?", Anong sinasabi nito? Tumagilid ako paharap sa kaliwa.

"Come on Lene, gigising 'ka o hahalikan talaga kita", What the heck?

Unti-unti 'kong iminulat ang mga mata 'ko pero nakatalikod pa rin ako sa nagsasalita. Naramdaman 'kong may humawi ng buhok 'ko mula sa mukha 'ko. Shetengmalupet! —----

"AAAAAAHHHHHHHH!!!!", Naitulak 'ko si Darren. Aish kasi naman! Teka tinatawanan niya ako? Halaaa! Anong problema nito? "What?", Tuluyan pa rin siyang tumatawa. Anong nakakatawa? "Stop laughing", Pero hindi pa rin siya tumigil. Binuksan niya 'yung pintuan sa van at lumabas ng tumatawa. Teka, nasaan na nga pala 'yung ina kong kasama? Sumunod na kong bumaba kay Darren and there they are!

"What took you so long?", taas kilay na tanong ni Grazz. Lumingon ako sa kanan at kaliwa ko. Nakakatakot rin minsan 'tong si Gracianna. Bigla na lang magsusungit.

A Song For You ♫ (A Darren Espanto Fanfic)  - EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon