After Pasig

1.7K 44 29
                                        

Leni's POV
"Ah kaya pala parang medyo tahimik siya kanina" narinig kong sabi ni Tricia pag labas ko ng banyo. Nag hotel muna kami pagka tapos nung rally kasama yung ibang senators and staff para sabay sabay na lang pumunta sa misa bukas sa batangas

"Sino tahimik kanina?" Tanong ko sa kanilang dalawa ni aika dahilan kung bakit sila napatingin saakin, bago sila nag tinginan uli.

"Si Mama Ris, Ma. Medyo masama raw kasi pakiramdam niya, sa pagod siguro." Sagot ni Aika

"Nagkatabi kasi sila sa stage kaya nakapag usap sila" Singit naman ni Tricia na may halong pang aasar. Alam ko na pinapatamaan niya yung di namin pag kakatabi sa rally kanina, at sa mga nakakaraang rally pa. Tinignan ko lang ito ng masama bago ko binaling ang atensyon ko sa screen ng cellphone ko. 11 na pala. Tinignan ko kung may importante bang email o text, wala naman.

"Oh aiks, trish, labas muna ko may titignan lang ako sa baba."

"Ano naman titignan mo dun ma 11 na ng gabi" Tanong ni Aika

"Anong ano, baka sino" Sagot ni Tricia habang tumatawa, dali namang na intindihan ni aika ang ibig sabihin nito kaya't siya'y nakitawa rin.

"Hay nako bahala na nga kayo dyan"

"Go Ma! Ikaw ang manok namin!" Sigaw ni Tricia bago ko isara ang pinto. Napa iling na lang ako habang tumatawa.

.....

Kumatok ako sa pinto at nag hintay na bumukas ito. May hawak hawak pa kong maliit na paper bag kasi dumaan pa ko sa minimart sa baba para bumili ng gamot. For some reasons, kinakabahan ako.

"Leni?" Tawag sakin na ikinagulat ko naman "Gabi na ah, napadaan ka ata?"

"Risa! Hello, ano kasi... uhm..." Tinignan ko siya at nakita ko itong naka ngiti habang nag hihintay ng sagot ko. I instantly smelled the sweet vanilla scent, mukhang kakaligo niya lang judging by the wet end strands ng buhok niya. Ang ganda ng ngiti niya sa totoo lang, tas ang ganda pa niya.

"Hi... ano sabi kasi ni Aika masama raw pakiramdam mo? ayun kaya napadaan ako. ano kasi baka kako wala kang gamot tas wala ka pang kasama kasi umuwi na sila issa kaya bumili na ko. Kaso di ko sigurado kung ano yung iniinom mo kaya bumili na lang ako ng iba iba. Kumain ka na ba? para maka i—" napatigil ako sa pag sasalita nung narinig ko siya tumawa.

"Lens, salamat sa concern ha? pero di ko alam anong trip ni aika bakit sinabi yon... di naman masama pakiramdam ko" Sagot niya habang tunatawa kaya napatingin ako sa kanya ng naka kunot noo. Sakto namang tumunog yung cellphone ko kaya tinignan ko.

"It's a prank! hehe sorry na Ma, si Tricia pasimuno niyan" Aika.

"Loh bat ako... andito lang ako para maki chismis"
"Galingan mo Ma ah! Wag ka papatalo Ma. Manok kita, ikaw ang unang tutuka🏳️‍🌈🏳️‍🌈🏳️‍🌈" Tricia.

"Gaga ka talaga" Aika.

"Whot iz hapening"
"Ganyan na kayo ha habang ako kumakayod dito sa ibang bansa, kayo sumasabong lang" Jill.

Di ko mapigilan matawa sa palitan ng text ng mag kakapatid. Hays, kahit kailan talaga apaka iissue ng mga to. I'm not complaining though, kasi ever since I told them na I'm starting to feel things for someone, naging supportive lang sila. Si Aika, di ko alam kung pano pero nahulaan niya kung sino, siya pa yung lumapit sakin para tanungin kung siya nga. Si Tricia naman nung nalaman, chill lang. Sabi pa niya kung hindi daw siya, ayaw niya. Si Jill naman, parang hindi ako yung nag luwal sa kanya sa pag babanta na wag ko raw sasaktan at baka masaktan niya ko.

"Oh Lens, bat ka natawa dyan? nga pala nag dinner ka na ba?" Tanong sakin ni Risa kaya napatingin muli ako sa kanya at umiling ng naka ngiti.

"Hay nako anong oras na oh, sabi ko naman sayo kahit gano ka ka busy wag mo kakalimutan kumain. Tara pasok ka muna, sakto I just got my food. Sabay na tayo" Hindi na ko naka tanggi pa dahil hinila na niya ako papasok sa kwarto niya.

Make it with You [LenRisa oneshots collection]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon