Chapter 22
KUNG anuman ang nakapagpabago sa isip ni Tristan at binigyan siya ng pagkakataon para matutunan siya nitong mahalin ay nagpapasalamat niya.
Ito lang naman ang hinihiling niya. Chance. At ngayong mayroon na siya niyon ay hindi niya sasayangin. Gagawin niya ang lahat para matutuhan siyang mahalin ni Tristan at hindi na niya kailangan bitiwan ito.
Alam niyang masyadong maikli ang dalawang taon pero kakayanin niya.
Hinaplos niya ang pisngi ng asawa. Nakahiga sila sa kama habang natatakluban ng kumot ang hubad nilang mga katawan. Mas siniksik niya pa ang sarili sa dibdib nito. Ninamnam niya ang init doon hanggang sa makatulog siya.
Kagaya ng mga pangkaraniwang araw, maaga siyang nagising. Naligo na siya at nagtungo sa kusina para magluto ng almusal nila. Saktong tapos na siyang magluto nang lumabas si Tristan. Nakabihis na rin ito.
"Good morning," bati niya rito.
"Good morning," ganting bati nito na ikinangiti niya.
"Kain na," alok niya at ipinaghila pa ito ng upuan. Naupo naman ito. Hinainan niya ng pagkain si Tristan at magana naman itong kumain. Pinuri pa nito ang niluto niya na ngayon pa lang nagyari.
Ngiting-ngiti tuloy siya habang kumakain. Nang matapos ay hinatid niya pa sa pinto si Tristan, mas mauuna kasi itong umalis.
"Ayaw mo bang sumabay?" tanong ni Tristan sa kaniya nang makalabas ito.
Napangiti siya at feeling niya abot na sa mga tainga niya ang ngiti niya.
"Mamaya pa ang pasok ko, e," aniya. Gusto niya sanang sumabay ang kaso dadaan pa siya sa coffee shop para ihatid ang requirements niya at para malaman niya kung tanggap na ba siya.
Tumango naman si Tristan at umalis na. Nakatanaw naman siya rito hanggang sa lumiko na ito.
Bumalik siya sa loob para maghanda na. Niligpit niya muna ang pinagkainan nila at naghugas ng pinggan.
Una siyang dumaan sa coffee shop. Ipinasa niya ang requirements niya. Maganda 'ata pati ang araw niya dahil sinabihan siyang puwede nang mag-start bukas. Hapon ang shift niya, 2pm-6pm. Medyo maliit ang sahod dahil apat na oras lang ang pasok niya, pero ayos na dahil pasok naman sa schedule niya sa school at ang importante makauuwi siya bago umuwi si Tristan at makakapagluto pa siya ng hapunan.
Late na siya sa first subject niya kaya tuluyan na niyang hindi pinasukan. Nagpunta na lang siya sa library at ginawa ang report niya para sa kasunod na subject.
Abala siya sa ginagawa kaya hindi na niya pinansin ang lalaking naupo sa tabi niya kung hindi pa iyon naglapag ng milk tea.
Paglingon niya nakangiting mukha ni Dave ang nakita niya. Inirapan niya ito at hindi pinansin.
"Uy, galit ka?" tanong nito na kinalabit pa siya sa braso.
"Hindi. Natutuwa nga ako sa 'yo," aniya rito. Halata kasing iniiwasan siya nito no'ng nasa San Simon sila.
Narinig niyang mahinang tumawa si Dave.
"Sorry na," anito. "May utang ka pa nga sa aking lunch at chika."
Pinaningkitan naman niya ito ng mga mata. "Kailangan mo pa ba ng chika, e, mukhang nagkakamabutihan na kayo ni Sunny?"
Napakamot naman ito ng ulo. "Actually, matagal ko na talagang pinopormahan si Sunny."
Napaisip naman si Amelie. "Kaya mo ako kinaibigan?" Hindi niya alam kung masasaktan ba siya dahil sa nilapitan lang siya at kinaibigan nito dahil kay Sunny at kung hindi dahil kay Sunny hindi ito magkakainteres na kausapin siya.
BINABASA MO ANG
✔️ MY CHEATING HEART (completed)
RomanceDesperate times calls for desperate measures. Kaya naman nang malaman ni Amelie ang planong pakikipag-live in ni Tristan sa iba ay plinano niyang pikutin ito. ------- "You planned it!" nagulat siya at napatingin sa pinto. Naroroon si Tristan at gali...
