Chapter 12
"ANO'NG g-ginagawa mo rito?" hawak ang dibdib na tanong niya.
"Ikaw. Ikaw ang ano'ng ginagawa mo rito?" balik tanong nito. Humalukipkip ito at tinaasan siya ng kilay.
Napakamot siya sa kilay niya. "Dito nakatira ang asawa ko."
Isang dangkal 'ata ang itinaas ng kilay ni Drake. "Sino?"
"Si Tristan!" Pinandilatan niya ito. Alam naman niyang alam nito kung sino ang napangasawa niya. Alam naman ng lahat ng kabarkada ni Tristan sa San Simon na nagpakasal sila.
"Eh, bakit nandito ka?"
"A-Ano k-kasi . . ." Nahihirapan siyang mag-isip ng idadahilan. Nahihiya naman siyang umamin. "N-Naglilinis pa kasi siya sa taas, a-ayaw niyang makasinghot ako ng alikabok kasi ano, e. Ahmm . . ."
"Amelie, galing ako sa taas. Nag-iinuman kami ro'n at hindi naglilinis."
Nakagat niya ang pang-ibabang labi nito. Napahiya siya. Bakit ba hindi niya naisip na isa ito sa mga bisita ni Tristan?
"Tara!" aya bigla ni Drake sa kaniya.
"Ha?"
"Kape tayo." Inilahad nito ang kamay sa kaniya.
Napalabi siya at napatingin sa mga grocery bag niya.
"Ako na ang magbibitbit niyan. Lika na," yaya nito at dinampot ang mga grocery niya.
Hindi na siya tumutol dahil talagang nangangasim na ang sikmura niya. Tumawid sila sa kabilang building sa isang coffee shop na nagse-serve rin ng mga pastry. Isinama siya ni Drake sa counter at pinapili. Hindi na siya nag-inarte, um-order siya ng blueberry cheesecake at croisant saka milk tea. Black coffee naman ang in-order ni Drake. Siya na ang nagbitbit ng in-order nila dahil bitbit ni Drake ang mga pinamili niya. Sa isang mesa na malapit sa glass window sila pumuwesto.
Wala masyadong tao sa loob ng coffee shop maliban sa ilang magkakapareho na mukhang nakiki-connect lang ng wifi sa coffee shop.
"Kanina ka pa sa baba?" tanong ni Drake sa kaniya nang makaupo sila.
"Medyo," aniya sabay kagat sa croisant. Napapikit pa siya. Masarap naman kasi ang tinapay at bukod pa roon ay gutom na talaga siya.
"Bakit 'di ka umaakyat?" tanong nito sabay higop ng kape.
Nagkunwari siyang walang narinig at sumubo nang sumubo ng pagkain niya. Natigil lang siya nang pitikin nito ang noo niya.
"Bastos kang bata ka, ah? 'Di ka marunong sumagot kapag tinatanong ka."
Tininagnan niya ito nang matalim. "Istorbo ka, kumakain ang tao, e!" Uminom siya ng milktea. "Eh, ikaw bakit ka bumaba ha?"
Nangalumbaba si Drake. Medyo nailang siya nang titigan siya nito. "Naiinip na kasi ako ro'n saka gusto kong magkape, wala naman kahit instant coffee ro'n tapos nadaanan kita sa lobby. Tulo pa nga laway mo, e," nakangising anito.
Napanganga siya. Ibig sabihin kanina pa ito sa tabi niya kanina?
"Alam mo, Drake, feeling ko talaga crush mo 'ko," tudyo niya rito. Sumubo ulit siya ng blueberry cheesecake.
Napaayos naman ng upo si Drake pagkatapos ay asiwang natawa. "Kapal ng mukha mo. Salat kita, oh," anito at kunwari pang may sinasalat sa ere.
Inirapan niya naman ito at iningusan. Sanay na siya sa mga panlalait nito kaya 'di na siya naapektuhan.
Nang matapos silang kumain ay tumayo na si Drake at binitbit ang mga pinamili niya. "Halika na, akyat na tayo," aya nito.
"Ha?" Napasulyap siya sa screen ng cellphone niya, wala pang reply si Tristan. Ibig sabihin 'di pa siya puwedeng umakyat. "M-Mamaya na lang," pigil niya kay Drake na ikinakunot ng noo nito. "K-Kapag nakaalis na lang ang mga bisita."
BINABASA MO ANG
✔️ MY CHEATING HEART (completed)
RomansaDesperate times calls for desperate measures. Kaya naman nang malaman ni Amelie ang planong pakikipag-live in ni Tristan sa iba ay plinano niyang pikutin ito. ------- "You planned it!" nagulat siya at napatingin sa pinto. Naroroon si Tristan at gali...
