Chapter 27
MALAKAS na singhap ang kumawala sa bibig ni Amelie dahil sa naabutang tagpo. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig. Hindi niya maigalaw ang mga paa kaya nanatiling nakatayo siya sa kinaroroonan hanggang sa magdesisyon ang dalawa na lumingon sa gawi niya.
Nanlaki ang mga mata ni Tristan nang makita siya. Agad na bumitiw si Tristan sa pagkakayakap ni Sunny.
"A-Amelie . . ." anas nito.
Bumigat ang kaniyang paghinga. Parang may sumasakal sa kaniyang leeg at hindi siya makahinga nang maayos.
Napayuko siya at humakbang papasok sa loob ng elevator na hindi sinasalubong ang tingin ng mga tao sa loob.
Parang may umuugong sa tainga niya at nanginginig ang buong katawan niya. May sinasabi si Tristan pero parang nakalutang ang utak niya at wala siyang maintindihan sa lahat ng sinasabi nito.
Ang sakit. Sobrang sakit na ni hindi niya magawang umiyak.
Bakit ganoon? Nagmahal lang naman siya bakit niya kailangang masaktan ng ganito?
Tuluyan nang nanghina ang mga tuhod niya at muntik na siyang matumba kung hindi lang siya napakapit sa dingding ng elevator.
Naramdaman niya ring inalalayan siya ni Tristan sa braso, ngunit iwinaksi niya ang kamay nito.
Parang walang hanggan ang pinanatili niya sa loob ng elevator kasama sina Tristam at Sunny. Napakabagal ng pag-akyat at bukas ng pinto. Nais niyang mahiga na dahil nanghihina ang katawan niya.
Nang sa wakas ay bumukas na ang pinto ay lalabas na sana siya nang pigilan siya ni Tristan. Nilingon niya ito. Pero nanlalabo na ang mga mata niya sa luha. Hinila niya ang kamay saka nagmamadaling lumakad patungo sa unit nila, sa pagmamadali niya mali-maling code ang napipindot niya hanggang sa mag-temporary shutdown ang aparato.
Naabutan na siya ni Tristan at mula sa likod ay hinawakan nito ang magkabila niyang balikat.
"Mali ang nakita mo," anito.
Nakatayo lang siya roon na para siyang estatwa. Gusto niyang paniwalaan ang sinasabi ni Tristan. Mas kaya niya iyong tanggapin kaysa sa nakita niya. Mas okay na magpanggap kaysa harapin ang totoo.
Pero sa mga oras na 'yon, hindi niya magawang magbulag-bulagan. Malinaw sa isip niya ang paghahalikan ni Tristan at ng kapatid niya. Hindi niya pala kayang tanggapin ang lahat. Hindi niya kayang tanggapin ang nakita niya.
Okay na sila, e. They were doing good; their relationship is on a smooth sailing. Umaasa na siya. Asang-asa na siya na mahal na siya ni Tristan, pero para siya nitong inilagay sa tutok at malakas na hinila paibaba. Lumagapak siya na walang sumalo sa kaniya. Napabulalas siya ng iyak. Hindi na niya kayang pigilan at napahagulgol na siya sa mga palad niya.
Naramdaman niya ang pag-akbay sa kaniya ni Tristan. Binuksan nito ang pinto at iginiya siya papasok. Huminga siya nang malalim saka binaklas ang kamay nito sa balikat niya. Dire-diretso siyang nagtungo sa kusina at binuksan ang ref. Kumuha siya ng tubig para tanggalin ang bara sa kaniyang lalamunan. Para siyang nasusupoka. Halos mabulunan siya at nagkakatapon-tapon ang tubig sa baso dahil hindi niya mapigilan ang panginginig ng mga kamay niya. She was shaking uncontrollably.
"It was nothing," narinig niyang ani Tristan. "Mali ang nakita mo, Amelie."
"And you want me to believe that?" walang buhay na tanong nito. "You kissed my sister, and it was nothing?!" nanginginig ang boses na sigaw niya kay Tristan.
"Dahil 'yon ang totoo!"
Umiling-iling siya. "Ginagawa mo akong bobo."
Napahilamos si Tristan sa mukha niya. "We didn't kiss, okay—"
BINABASA MO ANG
✔️ MY CHEATING HEART (completed)
RomanceDesperate times calls for desperate measures. Kaya naman nang malaman ni Amelie ang planong pakikipag-live in ni Tristan sa iba ay plinano niyang pikutin ito. ------- "You planned it!" nagulat siya at napatingin sa pinto. Naroroon si Tristan at gali...
