Chapter 39
NAPABUGA ng hangin si Tristan at bahagyang itinulak si Sunny palayo sa kaniya.
"Wala ako sa mood," aniya rito.
Nakita niya naman na dumaan ang sakit sa mga mata nito pero mabilis nito iyong itinago sa kaniya.
"O-Okay. Let's sleep then," anito na hinila siya papunta sa kama.
Umiling siya at binawi ang braso niyang hawak nito.
"Mauna ka nang matulog, magpapahangin muna ako," aniya. Hindi niya na ito binigyan ng pagkakataon na makaangal dahil mabilis na siyang lumabas sa silid.
Napahinga siya nang malalim nang makalabas ng master's bedroom. He felt suffocated in the room.
It doesn't feel right for him that they're inside the same room, and he keeps thinking that his unwanted wife is just in the next room.
Galit siya kay Amelie at kung pagbibigyan niya ang gustong mangyari ni Sunny para na rin siyang nakaganti kay Amelie. Pero hindi niya pala kayang gawin. There's something preventing him to do that. Maybe his conscience is eating the hell out of him.
Partly kasi kasalanan niya kung bakit naaksidente si Amelie at nawalan ng alaala.
Napasulyap siya sa nursery room na ngayon ay silid na ni Amelie. May lambong sa kaniyang mata habang nakatingin doon. Ayan na naman ang mga needles and pins na tumutusok sa puso niya. May kamay na naman na sumasakal sa kaniya kaya pakiramdam niya'y hindi na naman siya makahinga.
Siguro nga natatabunan lang ng galit ang puso niya pero sa totoo lang mahal niya pa ang kabiyak.
Minahal niya si Amelie higit pa sa pagmamahal niya noon kay Sunny.
Ang sakit lang tanggapin na nagawa siya nitong lokohin at gaguhin. Pinagmukha siya nitong tanga sa kaaasa na magkakaanak na sila.
Mas masakit pa iyon kaysa sa naramdaman niya nang ikaila siya at basta na lang ipamigay ni Sunny kay Amelie nang pikutin siya ng huli.
Pakiramdam niya'y wala siyang halaga. Na ang tingin sa kaniya ni Amelie ay isang payaso na kaya nitong paikutin sa mga palad nito. He hated her for that. He hated her for breaking his heart pieces by pieces.
Iniyakan niya hindi lang ang anak na wala naman pala kundi pati si Amelie. Iniyakan niya ito dahil minahal niya ito nang totoo.
Lumunok siya para alisin ang bara sa kaniyang lalamunan saka pinuwersa ang sarili na alisin ang tingin sa pintuan ng nursery room at humakbang pababa ng hagdanan.
Kailangan niya lang siguro ng beer para makatulog, marami n'yon sa ref sa kusina kaya roon siya tumuloy.
Ngunit napatda siya nang nasa bungad na siya ng kusina at makita si Amelie na naroroon din. Nakaupo si Amelie sa stool na nasa counter island. Nakasuot na ito ng pajama, terno na Hello Kitty ang design. May baso ng gatas sa harap nito at marahan nito iyong hinahalo.
Hindi makahakbang si Tristan papasok sa kusina. Nanatili siyang nakatitig lang kay Amelie. Nakatagilid ito sa kaniya at mukhang malalim ang iniisip nito kaya hindi pa siya nito napapansin. Wala na ang benda sa noo nito. Hanggang ngayon hindi pa rin ito nakakaalala. Nagtungo siya sa neurologist at tinanong ang kondisyon ni Amelie. Ayon sa doctor, maaaring psychological na ang dahilan kung bakit nananatili pa ring wala itong maalala. Marahil sa sobrang trauma na dinanas nito ay kusang nag-shut off ang isip nito.
Umiwas siya ng tingin. Dahil din sa sinabing iyon ng doctor kaya nabawasan kahit papaano ang galit niya rito. Pero naroroon pa rin. Dahil din siguro naroroon pa rin ang sakit ng ginawa ni Amelie.
Nagpasya siyang tumuloy sa loob ng kusina. Napalingon naman ito sa kaniya. Agad na sumilay ang mga ngiti sa labi nito matapos dumaan ang gulat sa mga mata. Lihim na lang niyang naikuyom ang mga kamao. May bahagi ng puso niya na nais ikulong ang nakangiting mukha nito sa mga palad niya.
Tinanguan niya ito at iniiwas ang kaniyang paningin. Lumapit siya sa ref. Kumuha siya ng beer na nasa chiller.
Hindi niya na ito nilingon nang lumabas siya sa kusina. Dumiretso sa labas sa gilid ng bahay kung nasaan ang maliit na garden na si Amelie mismo ang nag-aalaga. Lahat ng mayroon sa bahay na ito ay si Amelie ang naalala niya. Parang nakikita niya ito sa bawat sulok ng bahay. Gumagalaw. Ngumingiti.
Malaya niyang pinagmamasdan kagaya nang dati. Lalapitan at hahagkan.
Minsan nahihiling niyang sana hindi na lang niya nalaman ang totoo. Sana hindi niya na iyon nalaman kailanman. Sana hindi siya ngayon nasasaktan.
Sana . . .
Sana malaya niya pa ring nahahawakan at nalalapitan si Amelie na walang galit na pumipigil sa dibdib niya.
Inisang lagok niya ang alak. Walang pakialam kung gumuguhit man ang pait sa lalamunan niya. Mas mapait pa ro'n ang nararamdaman niya.
ISINARA ni Amelie ang kurtina ng bintana kung saan tanaw niya si Tristan na nakatayo sa ibaba ng garden. Tinutusok nang pinong-pino ang puso niya habang nakatingin dito.
Kanina ay muntik na siyang ipagkanulo ng sarili, buti na lang ay napigil niya.
Mukha namang ayos na ito at ni Sunny. Hahayaan niya na lang ng ganoon. Kahit habang-buhay siyang magpanggap na wala siyang naaalala, ayos lang. Maging masaya lamang ang mga ito.
Titiisin niya ang anumang sakit makabawi man lang sa lahat ng kasalanan niya.
Kulang pa nga ito kung tutuusin. Napakarami niyang gulong dinala sa mga taong nasa paligid niya. Nais niya nang itama ang lahat.
Siguro'y mas mabuting umalis na lang siya rito sa bahay. Kailangan niyang bumuwelo. Lalayo na lang siya. Malayo sa lahat para hindi na siya makasakit pa ng iba.
Ilang araw niya na iyong iniisip at sa ngayon ay nakapagdesisyon na siya. Maghihintay lang siya ng tiyempo para makaalis.
Habang naririto pa siya. Susubukan niyang bumawi at . . . samantalahing makasama si Tristan kahit ni hindi niya man lang ito mahawakan.
Nahiga siya sa kama at pinilit matulog. Yakap ang sarili ay namaluktot siya sa higaan.
How she wish na sana kaya niyang ibalik ang lahat ng nagawa niya.
TRISTAN left her again. Hindi malaman ni Sunny kung bakit tila ayaw man lang mapalapit ni Tristan sa kaniya.
Nasa kanila na ang lahat ng pagkakataon. Kaya nilang muling maging maligaya kagaya nang dati.
Pero si Tristan mismo ang umiiwas sa kaniya.
Hindi rin miminsan niyang nahuli si Tristan na nakatingin kay Amelie. Malungkot ang mga mata pero naroroon pa rin ang galit—na tanging nagpapalakas sa loob niya na kaya niya pang bawiin ang dating kasintahan.
Napakalaki niyang gaga. Kung alam niya lang na hahantong sa ganito, ipinaglaban niya si Tristan noon at hindi itinulak sa kapatid niya.
Malaki kasi ang tiwala niya sa sarili na hindi siya kayang kalimutan ni Tristan.
Buong akala niya at umaasa siya na siya pa rin hanggang sa huli.
Na susunod ang lahat sa plano niya. Ngunit hindi niya nakita ang posibilidad na mahulog ang loob ni Tristan kay Amelie.
Ngayon natatakot siya. Nakararamdam siya ng insecurities. Hindi na niya kakayanin na mawala pang muli si Tristan sa kaniya.
Nangangamba siya na baka muling bumalik ang alaala ni Amelie at ikatuwa iyon ni Tristan.
Sinabi na noon ni Tristan sa kaniya na totoong mahal na nito si Amelie. Hindi niya iyon matanggap. Kahit kailan hindi niya 'yon kayang tanggapin.
Dahil ibig sabihin n'yon ay hinding-hindi niya na mababawi si Tristan. Sa kaniya lang si Tristan, sa kaniya lang.
BINABASA MO ANG
✔️ MY CHEATING HEART (completed)
RomanceDesperate times calls for desperate measures. Kaya naman nang malaman ni Amelie ang planong pakikipag-live in ni Tristan sa iba ay plinano niyang pikutin ito. ------- "You planned it!" nagulat siya at napatingin sa pinto. Naroroon si Tristan at gali...
