File 59: Realized

9.5K 264 47
                                    

Belated Happy Birthday Mars! Sana happy ka sa birthday mo and congrats sa inyong baby, ay ibang Mars na pala yun hihihi



Vice: Kain tayo sa labas.

Karylle: Vice, alam mong hindi pwede yan.

Vice: Please?

Karylle: Maraming tao sa labas, maraming makakakita saten.

Vice: So? Ano naman ngayon?

Karylle: Di ba nga napagusapan na natin na hindi natin sasabihin kahit kanino?

Nakaakbay naman si Vice kay Karylle habang si Karylle sobrang busy na nirereview yung copy ng contract niya.

Kinuha naman ni Vice yung papers at inaharap yung mukha ni Karylle sa mukha niya.

Vice: Gusto kitang i-date. Date tayo.

Napangiti naman si Karylle sa sinabi ni Vice at pinisil lang ang cheeks nito.

Karylle: Hindi nga po pwede, pogi. Busy ako marami pa kong gagawin after nito.

Vice: For once, pwede bang ako muna yung unahin mo?

Karylle: For once din po, pwedeng wag ka munang makulit?

Vice: Hindi ako makulit, ang sinasabi ko lang magdate tayong dalawa.

Naging seryoso naman si Vice at tumataas na ang tono ng pananalita dahil medyo naiinis na. Mukhang bumabalik na ulit yung Vice na mainitin ang ulo. Yung dating Vice na nakilala niya, yung masungit.

Karylle: Don't demand.

Pangising pangaasar ni Karylle kay Vice kaya mas lalong nainis ito, lumayo siya kay Karylle at nagtampo.

Vice: Minsan na nga lang mag-invite hindi pa mapagbigyan.

Nakabusangot namang binuksan ni Vice ang tv at nagmamaktol na parang bata.

Sumunod naman si Karylle, agad tumabi kay Vice at siniksik ang ulo nito sa balikat ni Vice. Si Vice naman tampurorot pa rin.

Karylle: Ang sabi mo saken wag muna akong umuwi, dumerecho muna ko sa condo mo. Oh, sumunod naman ako, nagstay ako sa condo mo, magkasama naman tayo ngayon.

Napailing naman si Vice dahil hindi naman yun ang gusto niya.

Vice: Kasama nga kita ngayon pero iba ang nasa isip mo. Karylle, gusto ko ako lang.

Karylle: Ohhh.

Hindi pa rin umiimik si Vice at pinagpatuloy lang ang paglilipat ng channel sa bagong at malinaw niyang telebisyon dahil sa bagong ABS-CBN TV plus panonood niyo'y mag-iiba lala la la lala sa mahiwagang blackbox na ito *lifting*

ABS-CBN TV Plus!

Karylle: May mga kailangan kasi akong basahin na script, stories ng bagong project. Next time, babawi ako sayo.

Kiniss naman ni Karylle si Vice sa baba para kahit papano mawala na yung inis ni Vice sa kanya at pambawi na rin sa pagtanggi niyang makipagdate kay Vice.

Karylle: Ikaw ba walang gagawin ngayon?

Hindi naman kinaya ni Vice ang paghalik ni Karylle kaya napangiti na lang siya at bumigay na rin.

Vice: Wala, bakit may gusto ka bang gawin?

Tumaas naman ang kilay ni Vice na parang may gustong ipahiwatig kay Karylle. Nagsmile naman si Karylle at nagets yung gustong sabihin ni Vice.

Operation: Marry MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon