File 37: Fulfilled

17.5K 392 72
                                    

Last taping day

Sumisilip-silip si Vice sa labas, nakita niya na inaayusan si Karylle, kahit malapit ng matapos alam niyang magiging masaya ang araw na ito para sa kanila. Dito naman kasi talaga nagsimula ang lahat, ng dahil sa pelikulang ito at pagpapanggap nilang magboyfriend-girlfriend, nahulog ang loob niya kay Karylle.

Church

Sa simbahan gaganapin ang huling eksena, isang eksena kung saan ikakasal yung characters nila. Halos lahat ng cast nasa loob na ng simbahan, si Karylle nasa labas lang at ang inaayusan pa rin. Aligaga ang lahat kasi hindi sila pwedeng magsayang ng bawat minuto, may ilang oras lang kasi sila para magshoot sa loob ng simbahan.

Mula sa arrangement ng location, napakaganda din ng kanilang suot, halatang pinagkagastusan ang pelikulang ito. Si Vice nakasuot ng itim na suit, pink na polo at itim na bow tie. Nakabase kasi ito sa role niya sa pelikula, nakasuot din ang iba ng damit pangkasal. Si Karylle naman, syempre gaya ng isang bride sa movies, may dala-dalang bouquet ng sunflower, nakasuot ng puting belo at isang magandang gown.

Busy man ang lahat, si Vice kalmado lang. Sobrang saya na kasi niya ngayon, wala ng sama ng loob na dinadala dahil sa pagkakabati nila ni Karylle, naliwanagan na siya ng tuluyan na hindi naman talaga nito kagustuhan ang mga ginawa niya at napilitan lang dahil sa sitwasyon. 

Nang masulyapan naman niya si Karylle, nakita niya kung gaano ito kaganda. Natulala siya at paglingon ni Karylle, napansin naman niya si Vice at nakangiti pa. Bimulong naman si Vice in a way na maiintindihan pa rin ni Karylle yung mga sinasabi niya kahit sa malayo.

Vice: Ang ganda-ganda mo.

Si Karylle naman hindi magets, gustuhin man niya lapitan si Vice pero dahil ang daming nagaayos sa kanya hindi siya makalapit.

Karylle: Ha?

Vice: Sabi ko maganda ka.

Karylle: Ano?

Vice: Bingi ka.

Karylle: Ah, thank you!

Ngiting-ngiting sagot ni Karylle at may halong kilig pa. Natawa naman si Vice kasi for the nth time, mali na naman si Karylle. Parang hindi makukumpleto ang araw nito ng hindi siya nagkakamali.

Agad namang tinawag ni Direk si Karylle para ibigay yung una niyang scene. Seryosong nakinig naman si Karylle sa sinasabi nung direktor sa kanya.

Direk: You have to be emotional on this scene. Titingnan mo lang yung lalaking naka-aviator shades bago pumasok, dapat medyo maluluha ka pag nakita--

On the other hand, dahil mukhang nagsisimula na si Vice, ihahanda na rin niya yung sarili niya para sa script nila ni Karylle. Kailangan kasi yun for exchanging of vows mamaya sa scene nila. 

~~~

Direk: My Beki Boss, Wedding Scene, Take 1, action!

Naghihintay na si Vice sa altar. Binuksan na ni Karylle ang pinto, dahan-dahang papalakad sa aisle at nakita niya kung gaano ito kaganda. Nagpalakpakan na ang mga tao ng makita ang bride na si Karylle. Sa isip-isip ni Vice, parang totoong kasal nga nila ang nangyayari ngayon. Si Karylle yung bride, tapos siya naman yung groom. Tumugtog na yung Runaway instrumental music at mas lalong lumalim yung pagtitig niya kay Karylle.

"Hi Rice. Oh, I love rice!"

Nagfaflashback naman yung unang beses silang nagkita, ang layo na rin pala talaga ng narating ng pagsasama nila. Naalala niya yung pinakamasayang araw sa buhay niya, yung makilala si Karylle.

Operation: Marry MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon