Ang unang araw ng paghihiganti ni Vice.
At dahil wala naman silang gagawin today, naisip ni Vice na magunwind kaya naman sinama niya buong barkada sa Tagaytay. Libre ni Vice kaya natuwa naman ang lahat, ang hindi nila alam, may mga gagawin lang talaga siyang kalokohan kay Karylle kaya dinala niya ito dito.
Wala namang kamalay-malay ang inosenteng si Karylle at animo'y parang batang tuwang-tuwa pa dahil dinala siya dito ni Vice. >:)
Karylle: Libre, libre, libre.
Syempre para mas maging masaya ang paghihiganti ni Vice, sinama na din niya si Billy at Vhong para naman may audience siya sa gagawin niya kay Karylle.
Nagkatinginan naman si Vhong at Vice, napansin naman ng lahat dahil hindi pa nakakalipas ang isang linggo eh nagkasama na agad yung tatlo. Napaka-awkward lang kasi bagong-bago pa yung issue ni Vhong at Karylle tapos ngayon makikitang magkakasama pa sila ni Vice.
Biglang inakbayan naman ni Billy si Vhong sabay hinila sa ibang way then yung iba, sumunod naman kay Billy. Tapos si Karylle, niyakap na lang yung braso ni Vice at nagpaiwan sa paglalakad para maiwasan yung confrontation between Vhong and Vice.
Karylle: Okay ka lang?
Vice: Oo naman.
Karylle: Hindi ka ba naiilang? Kasi last time na nagusap tayo, pinagawayan nating yung issue kay Vhong.
Hinawakan naman ni Vice pisngi ni Karylle at nagsmile pa dito na parang okay lang sa kanya kahit hindi.
Vice: Sabi ko naman di ba, masama lang talaga pakiramdam ko nun pero okay na ko. Kaya nga ininvite ko na din dito si Vhong para malaman ng ibang tao na hindi tayo naaapektuhan nung issue na yun.
Napangiti naman si Karylle dahil unti-unti ng nagbabago yung Vice na kilala niya, hindi na seloso gaya ng dati, mas mature na magisip ngayon.
Karylle: Eh di mabuti, ayoko rin namang magkailangan kami ni Vhong dahil lang du--
Vice: Basta wag ka na lang lumapit sa kanya. Two meters distance is enough.
Nagulat naman si Karylle dahil akala niya okay lang kay Vice yung pagiging close niya kay Vhong pero yun pala hindi pa rin.
Karylle: Akala ko ba okay na?
Vice: My loves, sinusubukan ko naman pero okay lang ba kung dahan-dahan lang? Ayoko lang talagang nakikita si Vhong na kasama ka, naiirita talaga ako. So please, pakinggan mo na lang ako?
Hindi naman nagustuhan ni Karylle yung sinabi ni Vice. Natahimik na lang siya kaya naman napansin ni Vice na parang nagdadalawang isip pa si Karylle.
Vice: Do you love me?
Hindi pa rin makapagsalita si Karylle, nahihirapan na rin naman siya kasi mukhang pinapapili siya ni Vice between him and Vhong.
Vice: K, kung talagang mahal mo ko iiwasan mo yung mga bagay na makakaapekto sa relasyon natin. I know it's really hard for you pero sana maintindihan mo na nahihirapan din ako. Hindi lang talaga ako komportable kay Vhong. Lalo na nung makita ko pa yung mga pictures niyo or sa tuwing makikita ko kayong magkasama, I can't help myself get mad of him. Ayokong sinasamantala niya yung kahinaan mo.
Dahil sobrang mahal ni Karylle si Vice, ayaw niya itong masaktan kaya naman pumayag na lang siya sa kagustuhan ni Vice na layuan si Vhong kahit labag sa kalooban niya dahil ayaw rin naman niyang iwasan ang kaibigan niya. Si Vhong na rin kasi talaga ang naging bestfriend niya sa simula pa lang.
Vice: Hindi ko naman talaga sinabing iwasan mo siya pero kahit atleast bawasan mo lang yung pagiging close niyo sa isa't-isa.
Karylle: Sige, gagawin ko. But please, give him a chance hindi naman siya masamang tao gaya ng iniisip mo. Tsaka wala din naman talaga kaming ginagawang masama, trust me.
BINABASA MO ANG
Operation: Marry Me
RomanceViceRylle Operation: Convert Me (Part 1) Operation: Marry Me (Part 2)