File 46: Revenge

12.5K 303 50
                                    

Karylle: After three years na hindi tayo nagkita akalain mong magsasama-sama ulit tayong tatlo? How good is that?

Nasa isang meeting room silang tatlo. Si Billy at Vhong nakaupo lang sa side at si Karylle lang yung nakatayo na parang may ipepresent na isang malaking proposal sa dalawa.

Billy: Karylle, pwede naman nating pagusapan ito sa ibang araw alam kong pagod ka pa.

Karylle: No Billy, it's okay. I can manage.

Vhong: So bakit ka nga pala bumalik?

Karylle: Bakit ba lahat kayo laging ganyan ang tanong? Di niyo ba ko namimiss?

Nagpout naman si Karylle at nalulungkot dahil kanina pa nga naman siya tinatanong kung anong ginagawa niya sa Pilipinas. She's expecting that everyone will be so excited about sa pagbabalik niya pero ayun, parang more on pagdududa lahat.

Vhong: Hindi naman, nacurious lang ako. Tapos pumayag ka pa bumalik ulit sa KV. Anong meron?

Karylle: Okay fine.

Mukhang nahuli na ni Vhong ang totoong dahilan ni Karylle kung bakit nga ba siya bumalik ulit, hindi na rin naman makapagsinungaling si Karylle kasi Team Billy nga pala ang kaharap niya, ang mga taong expert sa mga plano.

Karylle: Bumalik ako because I have something to do.

Tahimik lang si Billy at nakikinig. Alam na rin naman niya kung saan papunta ang usapang ito.

Vhong: something to do? Ano yun?

Karylle: Nabalitaan ko kasi na hindi na maganda ang nangyayari sa KV, ang number 1 network noon.

Vhong: Oh? Normal lang yun, ganun talaga hindi mo masasabing isang network lang ang mamayagpag sa ilang taon, magbabago talaga ang trend. Expected na yun.

Karylle: Nabalitaan ko rin na may plano ang mga Viceral na patalsikin sa pwesto bilang Presidente si Billy.

Vhong: Inaasikaso na ni Billy yun kaya nga may movie, pag naghit yung movie mabibigyan pa si Billy ng isa pang chance. Kaya nga hands on si Billy dun, siya na magdidirek ng pelikula.

Billy: Yes, that's why Karylle is here. I offered her a job. I want her to be one of the lead stars in my new movie.

Karylle: Oh di ba, ang saya! Tutulungan ko si Billy na maibalik ang trabaho niya. I'm so mabait.

Malungkot naman si Billy at hindi na nagsalita. Napatingin naman si Vhong dito at alam niyang may isang kondisyon na naman na kapalit ang pagpayag niya. Kilala niya kasi si Karylle, dati nga ilang beses pa nilang hinikayat ito para lang maiconvert si Vice pero hindi siya pumayag. Pumayag lang siya nung nagalanganin yung kapatid niya kaya naman ngayon, sigurado siyang may malaking kapalit ito.

Vhong: In return?

Karylle: Anong in return?

Vhong: Anong kapalit ng pagpayag mo?

Karylle: Grabe ka ha! Ang sama mo, hindi ako ganyan!

Vhong: Come on, Karylle, tell me the truth. Nung huling beses tayong nag-usap sabi mo hinding-hindi ka na babalik sa Pilipinas. So anong rason mo bakit ka bumalik?

Napangiti naman si Karylle sa sinabi ni Vhong. 

Karylle: Like what we did three years ago, I have plans. WE have plans.

Nagulat naman si Vhong sa sinabi ni Karylle pero si Billy walang reaksyon. Aware na rin kasi siya sa mga pinagsasabi ni Karylle sa harap nilang dalawa.

Karylle: Pumayag ako na tanggapin ulit yung offer ni Billy dahil may gusto akong gawin, may gusto akong balikan. Kaya naman nung malaman ko na may bagong pelikula at siya yung kapartner ko, I did not hesitate to say yes... if and only if, Billy will agree on my plans.

Operation: Marry MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon