Operation: Marry Me

13.6K 314 57
                                    

Isa sa pinakahinihintay ng lahat ang araw na ito dahil ito ang pinakamalaking kasal na gaganapin sa mundo ng showbiz. Ang ikasal ang nag-iisang tagapagmana ng KV, si Jose Marie Viceral kay Ana Karylle Tatlonghari.

Traditional wedding ceremony, beautiful gowns and suits worn by their loved ones, unique setup, good and calm weather perfect for the event, some elites are also there to witness their wedding, all the media including the reporters from different networks are also there to get a footage of her wedding, everything is well prepared.

Live na live din napapanuod lahat ng mga nangyayari sa KV, so lahat ng tao masasaksihan ang kasal nilang dalawa.

Karylle is the most beautiful bride. She's wearing a very simple yet elegant gown which designed by well known fashion designers in the Philippines. Si Karylle kasi ang tutupad sa mga pangarap ng pamilyang Viceral para kay Vice so pinagkagastusan talaga ang susuotin ni Karylle sa kasal nila. Napakaespesyal kasing babae ni Karylle kaya nararapat lang na maranasan niya ang pinakamagandang kasal na kayang ibigay ng mga Viceral.

Siniguro nilang ito ang pinakamagandang kasal na mangyayari ngayong taon. Karylle and Vice deserve to have a beautiful wedding because of their beautiful and unique love story.

After 5 mins

10 mins

20mins

30mins

Pabilis ng pabilis ang takbo ng oras at sa bawat paglipas ng oras, mas kinakabahan ang lahat. Kahit ang mismong bride na nasa loob ng sasakyan, hindi maiwasan ang mag-alala dahil hanggang ngayon, hindi pa rin dumarating ang groom.

Karylle: Natraffic lang siya.

1 hour later

She is still in her exact position awhile ago at naghihintay ng cue para bumaba sa kotse pero kahit sinong tao sa labas walang tumatawag sa kanya. Although, pagsilip niya sa labas, everyone is so busy. Nagkakagulo ang lahat. Nakita niya ang tatay ni Vice calling someone. Si BIlly ganun din, at si Tita Mary Anne niya inaalalayan ang nanghihina na si Senior. In return, kinakabahan na si Karylle pero negative of the doubt pa rin.

Karylle: Excited lang sila, Karylle. Walang problema sa labas.

2 hours later

Nakita ni Karylle si Billy na galit na galit sa kausap sa phone niya. Hindi man niya ito marinig, makikita sa gestures niya na parang gusto na niyang suntukin yung taong kausap niya sa phone ng biglang kinuha naman ito ng tatay ni Vice at ganun rin ang reaksyon katulad kay Billy.

Bigla namang nagkagulo ng makita ni Karylle na nawalan ng malay si Senior. Natakot siya, bababa na sana si Karylle para puntahan si Senior ng biglang pinigilan siya ni Vhong. Sumenyas si Vhong na wag lalabas kahit anong mangyari.

Three hours later

Hindi na makita pa ni Karylle si Senior at kahit ang mga Viceral wala na rin. Naiwan ang tatay ni Vice at nakita niya itong nagbibigay ng statement sa lahat ng tao sa loob bago pa tuluyang umalis. After nun, pinagkaguluhan na si Karylle. Walang ka-ide-idea si Karylle sa mga nangyayari sa labas pero ang sure lang niya, may problema.

Nagkakagulo na ang media sa labas ng kotse ni Karylle. Bawat reporters todo flash ng cameras nila samantalang si Vhong and Billy todo layo ng mga reporters sa kotse. Sa mga nangyayari hindi na mapigilan ni Karylle ang maiyak, hindi niya alam kung bakit pero kusang tumutulo na lang ang luha niya.

Karylle: Ano bang nangyayari? Bakit kayo nagkakagulo?

Kanya-kanyang batuhan ng mga tanong na hindi na maintindihan ni Karylle. Maliban sa hindi na niya marinig, nagiging emosyonal na rin siya sa mga nangyayari.

Operation: Marry MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon